Chapter 60

606 71 20
                                    


**********oo**********

Maagang nagising ang magkakaibigan kinabukasan, naghanda kaagad ng agahan sina Nena at Sister Janelle

Habang ang ilan sa kanila ay naghahanda na ng mga gamit, inililigpit na nila ang mga gamit na dapat mailagay sa kanilang mga bag, ang ilang naman lalo na ang mga panlaban sa mga aswang ay isinukbit na lang nila sa kanilang mga bewang o likuran

Nauna na ding maligo ang mga binata habang nagku kwentuhan naman ang mga kababaihan

Pansin nila na masama titig ni Reema kay Yuri kaya iniirapan nalang iyon nila Trina at Aira

"Ang arte arte," bulong ni Aira,"Akala mo naman kagandahan, samantalang mukhang impakta kapag nagpalit ng anyo,"

"Akala niya din kanya si Khael, kung makalingkis akala mo pag aari niya eh, di niya ba nakikita o talagang manhid lang siya? Na may kasintahan na si Khael?,"

"Tumigil na nga kayo,"saway niya sa mga kaibigan,"Baka madinig kayo at gawan ng masama,"

"Wala kaming pakialam," kuro ng dalawa kaya napailing nalang siya

Kaagad siyang tumayo at tinulungan na ang dalawa sa pag hahanda ng almusal, kasama na din nila sa pagkain si Lola Luciana na halatang malungkot dahil sa pag alis nila

"Lola, wag ka pong mag alala," ani niya,"Babalik po kami dito at mag babakasyon ng ilang araw o isang buwan pa po,"

"Talaga?," masayang tanong nito sa kanya

"Opo," kuro nilang lahat sabay ngiti sa matanda

"Sige, aasahan ko iyan mga apo," ngumiti pa ito ng maluwag

Napatango malang sila habang nagpatuloy sa pagkain,

Matapos nilang makapagligpit ng mga kalat at pagkahugas niyon ay kaagad na silang naghanda para sa kanilang pag alis

Niyakap sila ng mahigpit isa isa ni Lola Luciana maliban kina Reema na matamang tinititigan ang mag kakaibigan

"Mag iingat kayong dalawa sa kanila," bilin ni Lola Luciana sa kanilang dalawa ni Khael,"Lalo kana," sabay tapik kay Khael

"Po?," may pagtatakang tanong nilang dalawa sa kaharap

"Pakakaingatan mo ang iyong kabutihan," sabay turo sa tapat ng dibdib ni Khael,"Panatilihin mo ang kabutihan at kadalisayan ng iyon puso pati na ang pagmamahal.mo sa kanya,"

"Opo, Lola,"sambit ni Khael,"Lalo na ang babaing pinakamamahal.ko," sabay akbay sa kanya kaya napatawa nalang si Lola Luciana

"Mag iingat kayo sa mga kasama niyo, lalo na at mga aswang iyan,"bulong pa nito

Tumango lang sila at nagmano sa matanda, bago tuluyang umalis doon kasama si Manuel

Dumaan muna sila sa bahay nila Manuel para makapagpaalam ng maayos at makapagpasalamat din sa mga kabutihan ng mga ito

Hindi naman inawat ng mga magulang at kapatid si Manuel ng magpaalam ito na sasama na sa kanila sa pag uwi

"Basta mag iingat ka anak," ani ng mag asawa

Khael Moon: Ang Prinsipe ng mga Aswang Season 02(COMPLETED)Where stories live. Discover now