Chapter 48

608 59 3
                                    

**********oo**********

Araw ng Kabilugan ng Buwan

Samantala,

"Ngayon na po kayo umalis, Kamahalan," ani ng Baylana sabay abot ng isang bote ng langis na kulay lila at napakabango,"Heto po ang iinumin mo pagkalabas ng lagusan para makabawi ka po ng iyong lakas,"

"Salamat, Baylana," nakangiting sabi ni Kharry

"Mahal mag iingat ka," ani ni Mayumi sabay yakap sa asawa nito ng mahigpit

"Ikaw din, Mahal," tugon ni Kharry,"Greg ikaw na ang bahala sa aking Reyna," sabay tapik sa balikat ni Greg,"Mag iingat kayong lahat dito mamayang gabi,"

"Oo, mag iingat ka din doon,"ani ni Greg sabay yakap sa lalaking naging mbuti sa kanila

"Handa kana po ba, Kamahalan?," tanong ni Gudo na kadarating lang din doon

"Oo, Gudo," nakangiting sagot nito,"Ipagpaumanhin mo ang pang aabala ko sayo,"

"Wala po iyon, Kamahalan," sabay yuko sa harapan nito,"Tara na po,"

Tumango lang si Kharry kay Gudo habang isinukbit ang dala nitong lagayan ng susuotin at sandata para panlaban sa maaaring makasalubong nila sa daan

Kaagad na silang umakyat sa bintana kung saan sila daraan para makababa at makalabas ng palasyo, mataas iyon at halos kasing taas ng nasa ikasampung palapag ng isang gusali

Nauna ng tumalon si Gudo para makaabang sa pagtalon ni Kharry at magbantay sa kapaligiran

Kailangan niyang mabantayang maigi ang kanilang Hari para hindi na ito mapatay ni Serafino

Kailangan nila ang pamamalakad nito para sa kanilang kaligtasan, sa ikatatahimik ng kanilang kaharian at sa nasasakupan nito maging ang mundo ng mga tao

Nang makababa na si Kharry ay agad silang tumakbo papasok sa kagubatan para doon sumakay sa kabayong dala ni Gudo

Kaagad naman na sumakay doon si Kharry habang sinasabayan iyong tumakbo ni Gudo na halos paramg hindi na tumatapak sa lupa ang paa nito sa pagtakbo

Ilang minuto pa ang lumipas ay nakarating na sila ng ligtas sa lagusan, huminto sila ng ilang dipa na ang layo ng may makitang mga aswang na nakaabang doon

"Malas naman," bulong ni Gudo

"Anong ginagawa nila diyan?,"takang tanong ni Kharry,"Maaari na natin silang paslangin,"

"Hindi po," tugon ni Gudo,"May makakasalubong ka din po sa loob, kaya maghintay lang po tayo ng ilang sandali,"

Napatango lang si Kharry sa sinabi ni Gudo habang nagmamasid sa kapaligiran

Makalipas pa ang halos kalahating oras nilang paghihintay doon ay lumabas mula sa lagusan ang ilang sugatan at duguang aswang na may dalamg mga bihag

Ang ilan pa sa mga aswang ay namatay na doon sa bungad ng lagusan pagkalabas ng mga iyon dahil sa hindi na nila kinakaya ang buhay na dasal at orasyon na nakapaloob sa lagusan kahit na humina iyon ng kaunti

Khael Moon: Ang Prinsipe ng mga Aswang Season 02(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon