Chapter 73

566 57 2
                                    

**********oo**********

Matapos mabihisan si Lola Maria ay binalot na nila iyon ng puting kumot

Habang si Yuri ay nasa silid kung saan sila natutulog ng kanyang Lola, umiiyak ng tahimik at yakap yakap ang sarili

Naaawa sila sa dalaga, na tila nawala ito sa sariling katinuan ng mga sandaling iyon dahil sa pagkamatay ng kanyang Lola

Hinayaan nalang muna nila ang dalaga para makapagpahinga ang isipan nito

Hinihintay nalang nila ang mag umaga para mabindesyunan ng Pari ang lahat ng bangkay at mailibing na kaagad sa isang malaking hukay na ginawa ng mga kalalakihan

Nagkapag hukay na din sa likurang bahagi ng kanilang bahay sina Tatay Carlos, JC at Ramil,

Doon na nil napagpasyahan na ilibing ang matanda para malapit sa kanilang bahay

Gumagawa naman ng ataol si Tatay Carlos matapos nilang makapaghukay

Gusto nilang maging maayos ang paglilibingan ng matanda, kaya kahit na pagod ay kinaya nitong gumawa kahit na simpleng ataol

Binihisan nila isang puting bestida si Lola Maria, inayusan bago ipinasok sa ataol na ginawa ni Tatay Carlos

Habang naghihintay sa Pari, umiiyak silang lahat habang nakatingin sa ataol ni Lola Maria

Makikita sa mukha nito na tanggap nito ang pagkamatay, maaliwalas ang hilatsa ng mukha nito kaya mas lalo lang silang naiyak

Parang natutulog lang iyon, naupo sila habang binabantayan ang ataol ni Lola Maria

Dahil baka may aswang na sumulpot at kuhain iyon, palitan ng katawan ng saging at iyon ang ayaw nilang mangyari

Kaya naglagay sila ng asin at kalamansi sa taas ng ataol nito na siyang pangontra sa mga aswang na balbal na siyang mahilig kumain ng katawan ng mga patay

**********

Samanatala,

Nakabalik na si Apollo sa kanilang kaharian, umupo sa trono ng ama habang nakapatong ang korona sa ulo na nakangisi

Nakita niya ang kanyang nakababatang kapatid na umiiyak

Nilapitan niya iyon at kinarga, anim na taon pa lang ito pero hindi pa nito matanggap na wala na ang kanilang ina at ang kapatid na si Agatha

"Magpahinga kana," kinarga niya iyon bago bumalik sa trono at hinaplos ang buhok para ito makatulog

Hindi din niya namalyan na nakatulog na din pala siy dahil sa kapagurana na nararamdaman

**********

Hindi naman nakakilos ang mga nakakita ng pagbagsak ng dalawang katawan sa mga matutulis na bakal

Halos hindi humihinga sina Khael at ang kanyang Ina

Kaagad silang nagtakbuhan papunta sa kinabagsakan ng dalawang katawa, maging ang mga aswang ay hindi kumilos, naghintay lang sila para sa pagbangon ng kanilang Hari

Khael Moon: Ang Prinsipe ng mga Aswang Season 02(COMPLETED)Where stories live. Discover now