Chapter 76: The Final Chapter

644 58 3
                                    

A/N: Heto na po ang Last Chapter ng Season 02😊😊😊😊

Sana po ay nagustuhan ninyo ang kinalabasan ng wakas🙏🙏🙏🙏

Naiyak ako sa pagkawala ni Lola Maria, lalo na kay Yuri😭😭😭😭

Kawawa naman si Khael😔😔😔

So ayan, heto na po ang wakas, joke lang po, 😂😂😂😂

**********oo**********

Dinala nila ang katawan ni Yuri sa kaharian nila Mayumi para ayusin bago ito iuwi sa mundo nila

Iyak ng iyak ang lahat dahil sa hindi nila kaya na mawala na ng tuluyan ang kaibigan nila lalo na si Khael

"Wala na po ba tayong magagawa?," mahinang tanong niya, hindi siya umaalis sa tabi ni Yuri

Nakabihis na ito ng puting damit na tila isang Prinsesa, may mga bulaklak na nakapaligid sa higaan nito at mga mumunting lambana na nagbibigay ng mumunting liwanag sa kapaligiran

Umaga na noon at dapat sana ay nagsasaya sila sa pagkakawagi nila sa labanang iyon mula sa mag ama pero heto sila imbes na magsaya ay nagdadalamahati at naglukuksa

Isa na doon si Gudo, mas lalo itong nalungkot dahil wala na nga si Lola Maria, pati si Yuri ay nawala na din

"Ama, Ina," yakap ni Khael,"Kung kailan buo na ang pamilya natin, kung kailan sama sama na tayo at kung kailan nagwagi na tayo laban kina Apollo, pero bakit po may kapalit? At dalawang buhay pa?," tanong niya na umiiyak

Niyakap naman ng mahigpit ni Mayumi ang anak na lubhang naghihinagpis

Nasa kabaling sulok naman ang mga kaibigan nila, nakayuko habang umiiyak ng mga sandaling iyon

"Wlaa na po ba talaga tayong magagawa?," tanong niya sa mga iyon,"Wala na ba talaga?,"

"Mayroon," ani ni Greg

"Ano po iyon Mahal na Hari?," tanong kaagad niya,"Kahit ano po ay gagawin ko at susuungin ko maibalik lang po ang buhay niya,"

"Greg," saway ni Mayumi

Umiling lang si Greg at sabay tapik sa balikat ng pamangkin

"Ibibigay ko ang kalahati ng aking buhay," ani nito,"Kahit ito man lang ay makabawi ako sa lahat ng kasalanan ko s inyong pamilya at pasasalamat na din sa tulong nila,"

"Pero papaano ka?," tanong naman ni Khael sa tiyuhin,"Mahal na Hari, wala na po bang ibang paraan?,"

Umiling lang ulet si Greg sa kanya at ngumiti bago siya niyakap

"Immortal tayong mga bampira," sabi nito,"Mamamatay lang tayo kapag nasaksak sa puso ng kahit anong pilak na sandata, pero kapag ibinigay ko sa dilag na iyan ang kalahati ng aking buhay, hindi na ako magiging usang immortal tulad ninyo,"

Nanahimik silang lahat dahil sa nadinig nila mula kay Greg

"Tatagal lang ang buhay ko hanggang sa gusto ko, kaya natin pabagalin ang ating pagtanda kapag naibigay natin ang kalahati sa ating buhay," dagdag paliwanag pa nito,"At ang dilag na iyan ay ganoon din, mamumuhay siya hanggang sa gusto niya, at kapag hihilingin na niyang mamatay siya, saka nalang iyon babalik sa dati,"

Khael Moon: Ang Prinsipe ng mga Aswang Season 02(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon