Chapter 66

550 74 9
                                    

A/N: Update na po tayo🤗🤗🤗

#keepsafe po everyone

**********oo**********

Hindi pa sumisikat ang araw ay nakahanda na ang tatlo para sa pag alis papunta sa lagusan

Kasama ng mga ito si Gudo na handang handa na din para sila ay samahan

"Hindi mo na ba siya gigisingin?," tanong ni Mhiya sa pinsan,

"Hindi na," tugon niya na nakayuko,"Mahihirapan lang kaming pareho, kaya hayaan nalang natin siya na makapagpahinga,"

Napabuga nalang silang lahat ng hininga, tanging si Yuri lang ang wala sa mga iyon,

Nasa silid niya ito at mahimbing na natutulog, hindi na niya iyon ginising para hindi siya mahirapang umalis

"Mag iingat kayo," paalala nina Tatay Carlos at Nanay Alfie,"Bumalik ka anak," sabay yakap nila

"Opo naman," nakangiting turan niya,"Kayo pa din ang mga magulang ko dito," niyakap niya ng mahigpit ang mag asawang nagpalaki sa kanya, hinalikan sa noo ang bawat isa,"Mag iingat din po kayo,"

"Susunod kami doon," ani ni Kevin

"Mamayang hating gabi na magaganap ang digmaan," ani ni Gudo,"Kaya kailangan po natin magmadali,"

"Paalam sa inyong lahat," ani ni Haring Kharry,"Maraming Salamat sa pag aalaga sa aking anak,"

"Isa pong karangalan iyon, Kamahalan," tugon nila

"Ingat ka, bro," ani nina Kevin, Manuel at Bryan,"Susunod kaagad kami,"

"Hintayin mo kami sa labas ng lagusan,"ani ni Sister Janelle

"Sige, mauuna na kami,"paalam niya sabay tingin sa kanyang silid kung saan natutulog ang babaing pinakmamahal niya

"Heto," bigay ni Lola Maria,"Magagamit niyo ito para hindi kayo mahirapan sa pagdaan sa lagusang iyon,"

"Salamat po," agad na tinanggap ni Khael ang isang bote ng banal na lana na ginawa pa ni Lola Maria

"Inumin ninyo bago at pagkalabas ninyo sa lagusan," paalala nito,"Para hindi kayo magtamo ng grabeng pinsala sa loob at para hindi kayo maamoy ng ibang aswang na nakabantay sa lagusan,"

"Salamat po uli," kuro ng tatlo

"Gudo," baling nito sa kaibigan

"Ano iyon, Lola Maria?," tanong nito na nakangiti

"Mauna kana sa labasan ng lagusan," utos nito,"Kapag nakapasok na sila sa loob saka ka umalis, magbantay ka sa kanilang paglabas, para mabalaan mo sila kung may kalabang dumarating,"

"Opo, masusunod," yukong sagot nito

"Sige, aalis na po kami,"paalam niya sa kanila,"Wag niyo na kami ihatid, napakalayo pa naman ng daanan,"

Tumango lang sila sa apat bago lumabas ng pintuan

Sa huling sandali ay sumulyap pa siya sa pintuan ng kanyang silid, nagbabakasakali na gising na si Yuri

Khael Moon: Ang Prinsipe ng mga Aswang Season 02(COMPLETED)Where stories live. Discover now