Chapter 27

621 49 1
                                    


**********oo**********

Naghintay pa sila doon ng ilang sandali, habang si Khael naman ay nasa di kalayuan, nasa anyong aswang na ito ng mga sandaling iyon, para makita niya ng malayuan ang mga kaibigan niya

Napatingin siya sa Kapilya ng may mga lumabas mula doon, nakita niyang kinakaladkad ng mga iyon ang mag aama at si Yuri

Napaungol siya ng maamoy ang dugo ng dalagang minamahal sa hangin, alam niya may sugat si Yuri at lalo siyang nakadama ng galit sa Pari na nakangisi

Mababakas sa mukha ng Pari ang kasiyahan dahil sa pagkakangisi nito na lalo niyang ikinaungol ng mahina lalo pa at natapat sa may liwanag ang mukha ni Yuri

Namumula ang magkabilaang pisngi nito at putok ang magkabilaang gilid ng labi na inaagusan ng dugo

Hindi muna siya kumilos, hihintayin niya ang tamang oras at kung ano ang gagawin ng mga iyon sa apat na hinuli

Nakita naman ng anim ang hitsura ni Yuri, puro dugo ang suot nitong damit, maging ang tatlong kasama na tila naligo sa ilog na puro dugo

"Lagot ka kay Khael," anas ni Kevin,"Makita lang niya iyang hitsura ni Yuri malamang galit na galit na iyon,"

"Nakikita niya iyan," ani ni Janelle,"Kapag nasa anyong aswang siya ay matalas ang kanyamg mga mata, pandinig at pang amoy. Malamang sa ngayon ay nagpupuyos na iyon sa galit,"

"Yari ka kay Khael, Father," napapangising sambit ni Trina,"Yan pa ang sinaktan mo ha?,"

"Sshhhh," senyas ni Janelle sa kanila, nakatingin din sa kanila ang tatlo na nasa kabilang bahagi ng sementeryo

Nagsesenyasan sila ng mga kamay sa leeg, na ibig sabihin ay patay ang Pari kapag nakalapit na si Khael sa mga iyon dahil sa itsura ni Yuri

Na ngayon ay nakatali na sa isa sa mga posteng krus, kasama ang mag aama na umiiyak na din

"Siya ang iaalay natin," sabay turo kay Yuri ni Father Joseph,"Isa siyang birhen, tiyak na magugustuhan siya ng ating Panginoon," sabay halakhak

"Pwede ba magtigil ka kakatawa mo!," sigaw ni Yuri,"Para kang demonyo at hindi bagay sayo yan,"

Nilapitan siya ni Father Joseph at sinuntok sa sikmura kaya napaigik nalang siya sa sakit, napapikit naman ang anim sa nakita

Habang sa di kalayuan ay namumula na sa galit ang mga mata ni Khael, na parang baga na hinihipan para lalong dumingas

Umalis si Father Joseph at pumunta sa likuran ng mga nagsasagawa ng ritwal kasama ang mga sakristan

Lumuhod at gumaya na din sa mga nasa unahan nila

"Pwe!," dura niya,"Hay naku, Yuri Leigh, lagi kana lang nasa kapahamakan, takaw gulo ka talaga," sambit niya sabay tawa

Napapailing nalang ang anim sa pandinig nila at sa paraan ng pagtawa nito

Kaya napatigil ang mga nagsasagawa ng ritwal, tumayo ang isang lalake at binusalan ng tela ang bunganga niya

Sinipa naman niya iyon sa pagitan ng mga hita kaya napasigaw sa tindi ng sakit ang lalakimg naglagay ng busal sa bibig niya

Khael Moon: Ang Prinsipe ng mga Aswang Season 02(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon