Chapter 59

557 56 2
                                    

**********oo**********

Gabi, alas otso

"Kailangan na natin makaalis bukas,"sabi niya sa mga kaibigan habang nasa sala sila

Nakilala na niya sina Reema at ang dalawang kaibigan nito

Nasa isang sulok lang ang tatlo habang nakikinig lang sa kanila pero makikita sa mga mata nito ang masamang tingin sa kanya

"Kailangan na ba talaga na umalis kayo bukas?," singit ni Reema,"Baka pwede magtagal pa muna tayo dito kahit ilang araw,"

"Aalis na tayo bukas," sagot ni Aira,"Tutal handa naman na din ang aming mga gamit eh,"

"Tama," pagsang ayon ni Trina,"Kaya matulog na tayo ng maaga, para maaga naman tayo magising,"

"Sige," pag sang ayon naman ng lahat kaya napapangiti nalang siya

"Kung ganoon hindi ko na talaga kayo mapipigilan?,"ani ni Lola Luciana sa kanila

"Opo," sagot ni Khael,"Baka nag aalala na din po ang mga magulang namin sa amin,"

"Bweni mag iingat nalang kayo," sabi nito,"Balik lang kayo kapag may oras kayo,"

Tumango nalang sila bago nagpaalam na magpapahinga na din, nakita nilang nakasimangot ang tatlo lalo na si Reema

Kaya napapangisi nalang sina Trina at ang tatlo, napapailing naman siya sa mga inaasal ng apat na kaibigan

**********

Naghahanda na ng hapunan noon sina Nanay Alfie at Ella habang nasa may lamesa si Joan na kumakain at naglalaro, ang sanggol naman ay na si Lorrie ay nasa duyan na ginawa ni Lola Maria para mabantayan din iyon

Nakasarado na din ang mga bintana at pintuan sa kusina paea hindi sila masalisihan ng mga aswang na gumagala sa madilim na gabi

Matapos makasiguradong maayos na nakasalang ang hapunan nila ay iniwanan na iyon ni Nanay Alfie kay Ella at pumunta sa sala ng bahay

Na eksakto namang biglang sumulpot si Gudo sa kanilang harapan na nakangiti

"Nanay Alfie, pwede niyo po ba pagbuksan ang kasama ko?,"tanong at pagpapaalam nito

"Oo ba," tugon ni Nanay Alfie bago tumayo at pinagbuksan ang nasa labas ng kanilang bahay

Nagulat ito sa nabungarang magandang dilag na nakatayo doon, kahit na nakasuot na ito ng simpleng kasuotan na katulad sa kanila ay lumitaw pa din ang kagandahan nito

"Sino ito, Gudo?," tanong ni Nanay Alfie habang nakatitig pa din sa magandang dilag

"Nanay Alfie," sabay akbay ni Gudo,"Siya po si Prinsesa Mhiya, ang anak na panganay ni Greg na makakaisang dibdib ni Apollo,"

"Diyos ko!,"napaantada ng krus si Lola Maria sa nadinig,"Malaking kaguluhan ang ginawa ninyo," sambit nitong kababakasan ng takot sa mukha at boses

"Papasukin mo muna siya, Alfie," ani ni Tatay Carlos

Pinapasok naman kaagad ni Nanay Alfie si Mhiya at kaagad na niyakap ni Kharry ang pamangkin

Khael Moon: Ang Prinsipe ng mga Aswang Season 02(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon