Chapter 36

614 60 4
                                    

**********oo**********

Bago pa makapasok sa loob ng bakuran nila ang sinasakyang tricycle ay napahinto nalang sila dahil sa mga aswang na nakapaikot sa bahay nila Oca

"Paano na po tayo?," tanong naman ni Ben,"Sumisigaw na ang pamangkin at kapatid ko,"

"Sandali ako ng bahala," ani ni Lola Luciana sa kanila, pumikit ito at umusal ng iilang dasal bago iniihip sa hintuturo at itinutok sa mga aswang na nakaharang sa daraanan nila

May mga humiyaw na mga aswang na hindi malaman kung paano kikilos dahil sa sakit na nararamdaman ng mga ito

"Tara na sa loob," utos ni Lola Luciana kay Oca na agad pinaandar ang tricycle, binangga ang aswang na nasa harapan nila

Eksaktong nas pintuan na iyon inihinto ang tricycle at kinatok ang anak na nasa loob ng bahay na sumisigaw na dahil sa takot

"Tonton! Anak pagbuksan mo ng pintuan ang Tatay!," sigaw ni Oca,"Kasama na namin si Lola Luciana!,"

"Sandali lamg po,Tay!," sigaw mula sa loob ng bahay bago sila nakadinig ng pagtakbo papunta sa pintuan para pag buksan sila

Sa ganitong tagpo sipa naabutan ni Yuri na hingal na hingal

"Ayos lang po ba kayo, Lola?," tanong niya sa mga ito

"Oo, ikaw? Asan ang mga kasama mo?," may pag aalalang tanong ni Lola Luciana sa kanya

"Ayos lang po sila," sagot niya,"Maya maya po ay nandito na din po sila,"

Ilang sandali pa ay nagbukas na ang pintuan at bumungad sa kanila ang anak nito na umiiyak, naghalo ang pawis, sipon at luha nito sa tindi ng takot

"Pasok na po tayo," yaya ni Oca

"Maiwan po ako dito," ani niya,"Hihintayin ko po ang mga kasama ko,"

"Sige mag iingat kayo," bilin ni Lola Lucian matapos silang pumasok sa loob ng bahay

Agad naman na tinungo nila ang silid ng babaing malapit ng manganak

Naabutan nila iyong namimilipit sa sakit at halos hindi na maipinta ang mukha dahil sa sakit na nararamdaman

"Manganganak na ako, Tay!,"sigaw ni Lanie sa aswa nito na nakahawak na sa braso nito

"Kaya mo yan, Nay!," sabay himas sa braso nito,"Lola Luciana kamusta po ang asawa ko?,"

"Malapit na siyang manganak," ani ni Lola Luciana,"Magpainit kana ng tubig at maghanda kayo sa maaaring gawin ng mga Kamagrang ngayong gabi,"

"Opo," tugon ni Oca at hinila na ang bayaw nitong si Ben, si Tonton naman ay nandoon lang sa silid kasama ang ina at si Lola Luciana

"Kaya mo yan apo," ani ni Lola Luciana,"Ano ba ang nararamdaman mo?,"

"Manganganak na po yata ako, Lola Luciana,"nakapikit naman na sagot ni Lanie sa matanda

"Tiis at samahan mo lang ng dasal apo," sabi ni Lola Luciana,"Makakaraos ka din,"

Nakapikit naman na sumagot si Lanie habang nag uusal ng alam na dasal at halos lahat na yata ng santo ay natawag na nito

Khael Moon: Ang Prinsipe ng mga Aswang Season 02(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon