Chapter 65

586 67 9
                                    


**********oo**********

Nagising ng alanganing oras si Yuri dahil nakaramdam siya ng pagkaihi kaya lumabas siya ng silid nilang maglola

Dahan dahan siyang naglakad para hindi makalikha ng ingay at ayaw niyang magising ang mga kasama niya dahil alam niya na maagang aalis ang mag ama at si Mhiya

Naka dinig siya ng mga mahinang ungol sa sala kaya naman pinuntahan niya iyon at aalamin kung ano ang ungol na iyon

Alam niya na may aswang silang kasama, baka nilalapa na ng mga ito ang batang kasama nila

Nadinig din niya na sinitsitan siya nina Nena at Aira na pareho ding nagising dahil nauuhaw ang mga iyon, pero hindi niya pinansin

Lumapit pa siya sa sala at inihanda ang buntot pagi para kung sakali mang aswang iyon ay hahatawin kaagad niya

Hindi siya magda dalawang isip na patayin ang mga iyon kung may nabiktima sila

Sa tulong ng liwanag ng buwan ay nakita niya kung sino ang nasa sala at kung ano ang ginagawa ng mga iyon

Nagdala din ng lampara sina Nena at Aira para makita ang tinitignan ni Yuri, kung itinulos sa kinatatayuan si Yuri, sila naman ay nakaramdam ng matinding galit at pagkabigla sa nasaksihan

Nabitawan ni Nena ang lampara na lumikha ng ingay,

Napatakip naman sa bibig ang dalawa habang siya naman ay titig na titig sa dalawang nilalang na ngayon ay nakatingin na sa kanikang tatlo

Ang isa ay tingin na may kasamang pag ngisi at pagkapanalo

Ang isa naman ay tingin ng nagulat, nag aalala at higit sa lahat tingin na nagpapaliwanag na wala siyang kaalam alam

"Aswang ka, ahas ka pa!," sigaw ni Aira, dahil sa galit at inis ay kinuha kaagad nito ang hawak na buntot ng pagi ni Yuri na hindi na nakagalaw dahil sa pagkabigla

Hinampas ng hinampas ni Aira si Reema ng buntot ng pagi habang si Nena naman ay winisikan niya ng asin ang mga sugat ni Reema na likha ng buntot ng pagi

"Mamatay kang aswang ka!!," kuro ng dalawa, dahil sa ginawa nilang ingay at kaguluhan ay naging ang mga kasama nila

Kaagad inawat nina Manuel at Kevin ang dalawa, samantalang inilayo naman ng dalawang kasama nito ang kawawang si Reema na halos mamatay na sa tinamong sugat

"Dapat lang sayo yan!," gigil na sigaw ni Aira,"Aswang kana nga ahas kapa, sabi ko na nga ba eh, hindi mapagkakatiwalaan ang mga kagaya niyo!,"

"Anong bang nangyayari dito?!," naguguluhang tanong ni Nanay Alfie sa kanilang lima

"Khael?!," tanong ni Tatay Carlos

"Apo?," tanong ni Lola Maria

"Aira? Nena? Reema?," tanong naman ni Sister Janelle

Hindi kumikibo si Haring Kharry at si Mhiya, nakikiramdam lang sila sa mga nangyayari

"Anak," ani ni Haring Kharry ng halos lumipas na ang sampung minuto na walang nagsasalita sa kanilang lima

Khael Moon: Ang Prinsipe ng mga Aswang Season 02(COMPLETED)Where stories live. Discover now