Epilogue

759 71 14
                                    


A/N: Nilagyan ko nito para alam natin ang nangyari sa kanila after one month😊😊😊😊

Kaya basahin na po natin✌✌👍👍

**********oo**********

One Month Later

"Ate bangon na!!!!," sigaw na pang gigising sa kanya ni Martha,"Male late na naman tayo sa University!!!,"

"Five minutes pa, Martha!,"ganting sigaw niya habang ngpaikot ikot sa kama at nagtalukbong ng kumot

"Yuri Leigh!!," sigaw ng tita niya ang mama ni Martha,"Aba tumatamad na yata kayong dalawa sa pag gising ng maaga? Kung ayaw na ninyong mag aral aba tumigil na kayo habang isang linggo pa lang kayong nakakapasok para hindi sayang ang pang matrikula ninyo,"

"Tiyang naman eh," angal niya,"Babangon na nga po ako," sabay yakap sa tiyahin,"Kaya po kayo tumatanda kasi lagi kayo nakasimangot,"

"Aba tatanda ako sa inyong dalawa sa konsumisyon," kaya natawa nalang siya na pumasok sa loob ng banyo para maligo,"Magbihis kana Martha para makakain na tayo,"

"Opo,"sagot nito

Kaya kaagad naman na nagbihis ng uniform si Martha para makakain na ng agahan at makapasok na sa University kung saan silang dalawa nag aaral ni Yuri

"Yuri," ani ng knyang tita,"Sigurado ka na ba na hindi na pagma Madre ang kurso mo?,"

"Opo, tiyang," tugon niya,"Bibisitahin ko nga po pala si Sister Janelle sa simbahan, kasi dito na po siya nagpa assign, tapos si Nena naman po nagtuturo sa isang ampunan na malapit lang din sa simbahan,"

"Oh, siya sige, basta sabay kayong uuwi ni Martha mamaya,"bilin nito

"Opo," kuro nilang sagot bago dumulog sa hapag kainan

"Nasaan po sina Tiyong at Kuya?," tanong niya

"Nasa bukid ang tiyong mo," sagot nito,"Nasa presinto naman ang kuya ninyo may inaasiksong bagong kaso,"

Napatango lang sila bago nagpatuloy sa pagkain

**********

Naghihikab pa siya habang naglalakad sa pasilyo ng gusali papunta sa kanilang room

Inaantok pa siya dahil halos madaling araw na siya nakatulog sa pagbabasa at pag aadvance review para sa klase nila kinaumagahan

Dahil sa inaantok pa ay panay ang hikab niya hanggang sa makarating siya sa kanila room

Tinakpan nalang niya ang bibig para hindi siya asarin ng mga kaklse niya,

At dahil sa antok pa siya ay hindi niya napansin ang isang paa na nakaharang sa pintuan, kaya bago pa niya makita iyon ay natapilok na siya

Nanlaki ang kanyang mga mata at napapikit nalang siya at hinintay nalang ang paglagapak niya, alam niya na pagtatawanan siya ng buong klase dahil sa kahihiyan

Pero bago pa siya lumagapak sa sahig ay may naramdaman siyang sumalo sa kanya mula sa harapan, kaya imbes na sa sahig ang lagapak niya ay sa malapad na dibdib nito siya lumagapak

Khael Moon: Ang Prinsipe ng mga Aswang Season 02(COMPLETED)Where stories live. Discover now