Chapter 64

534 63 5
                                    


**********oo**********

Matapos nilang makapag makaligo at maiayos ang kanilang mga gamit sa silid ay tumulong na sila para makapagluto ng kanilang hapunan

Pansin nila na nag uusap ang mag ama kasama ang dalagang maganda na si Mhiya

"Ang ganda talaga niya," ani ni Aira,"Mukhang anghel at ang perpekto ng halos lahat sa kanya,"

"Sabi mo pa,"pag sang ayon naman ni Trina habang nag aayos ng mga plato sa mahabang lamesa

"Bakit maganda din naman si Yuri ah," banat ni Kevin na ikinasamid naman niya

Umiinom kasi siya ng kape ng mga sandaling iyon

"Ayos ka lang ba, Yuri?," may pag aalalang tanong nila, ubo siya ng ubo kaya nabatukan ng dalawa ang kawawang binata

Namumula na ang mukha niya sa kakaubo kaya pumasok siya sa banyo para doon umubo ng umubo

"Iba si Yuri kay Mhiya," sabi ni Aira,"Magpinsan sila ni Khael, ang dapat natin bantayan ay yung aswang na si Reema, di lang aswang iyin kundi ahas pa,"

"Grabe ka naman makahusga sa kanya," pagtatanggol ni Bryan

"Bakit gusto mo ba siya?," asar na tanong ni Trina

"Bakit nagseselos ka ba?," ganting tanong ni Bryan sa dalaga

"Uy magkakaaminan na silang dalawa," pang aasar ni Aira

"Bakit kayo wala bang aaminin?," kurong tanong nina Trina at Bryan sa kanilang dalawa

"Oo nga, umamin na kayo," sabi niya ng makalabas sa banyo at maayos na ang kanyang lalamunan,"Pati kayo," sabay turo din sa dalawa,"Mahal niyo naman ang isat isa ayaw pang aminin,"

Nagkatinginan silang apat sa isat isa bago nagsipag irapan at ipinagpatuloy ang pag aayos ng lamesa para sa hapunan

"Asus," pang aasar niya,"Mga todo deny pa ang mga lukaret, ayaw pa magsipag amin na may gusto sila sa isat isa, hay naku, sayang baka bukas o makalawa ay gumuho na ang mundo, tapos mamatay tayong lahat, paano na ang mga nararamdaman niyo sa isat isa?,"

Tinignan lang siya ng apat ng masama na ikinatawa lang niya, halata naman na gusto ng dalawang binata ang dalawang dalaga pero dahil laging tablado ay napipipi nalang sila

"Lagi niyo kasi sinusupalpal kaya hayan nahihiya na magtapat," sabay tawa niya, nakaupo siya sa harapan ng apat,"Ano aamin o hindi?," tanong pa niya

"WALA!!," kuro ng apat na sagot sa kanya kaya napailing nalang siya

"Mga plastik!," sabi niya,"Ayaw pang aminin, hay naku bahala nga kayo diyan, maraming bata ang hindi masisilayan ang mundo dahil sa mga pakipot kayong apat!,"

"Anong bata?," tanong naman ng dumating na si Khael, tinignan niya ang apat at sabay sabay na ngumisi kaya nanlaki ang mga mata niya

"Hayan ang apat mga pakipot," turo niya,"Ayaw pang aminin na gusto nila ang isat isa,"

"Hindi yan ang pinag uusapan namin, Khael," nakangising sabi ni Kevin,"Ang nadinig mo tungkol sa bata ay gusto niya ng limang anak, tatlong lalake at dalawang babae,"

Khael Moon: Ang Prinsipe ng mga Aswang Season 02(COMPLETED)Where stories live. Discover now