Chapter 31

636 50 5
                                    

**********oo**********

Khael Moon's POV

Masaya na ako at nagkabati na kami at nagkausap ng maayos ng babaing pinakamamahal ko

Natakot ako ng sobra dahil sa nangyari sa kanya mula sa kamay ng Pari na iyon

Hindi ko napigilan ang sarili ko na patayin siya dahil sa pananakit niya kay Leigh

Handa akong ialay ang  buong buhay ko para lang maprotektahan siya sa mga gustong manakit at pumatay sa kanya, kahit pa ang pinsan kong si Apollo

Matapos namin makapg usap ay mabilis na kaming naglakad papasok sa Baryo Tiktikan

Napansin kaagad namin ang mga bahay na nasa unahan na parang nagsilbing bakod sa kung anuman ang nasa loob na ayaw ng mga iyon makalabas

"Sarado?," takang tanong ni Aira habang sinisipat namin ang bawat bahay na nasa bungad

Kulang kulang singkwenta ang mga bahay na nasa bungad ng Baryo at halos lahat ay sarado kahit pa na may sikat pa ng kaunti ang araw sa labas

Nakita kong pumasok na ang ilan sa mga kaibigan ko at naglakad lakad papasok pa sa looban ng Baryo,

"Banda doon," turo ni Tita Janelle,"May mga taong nag mamadali sa pagpasok sa kani kanilang kabahayan,"

Kaya napalakad kami ng mabilis, nakita nga namin na nasa di kalayuan ay may isa pang Baryo na nakahiwalay sa mga kabahayan dito sa bungad

"Tara puntahan na natin sila," hila sa akin ni Leigh,"Masama ang pakiramdam ko dito sa mga bahay na nasa bungad, parang may mga matang nakamasid sa atin,"

"Oo nga," pagsang ayon ko sa kanya, nagpahila nalang ako papunta sa mga kasamahan namin,"Nararamdaman ko din iyon kanina pa,"

"Baka sila ang mga aswang?," bulong na tanong niya sa akin

"Siguro nga," sagot ko, mahina ang pakiramdam ko lalo pa at ilang araw na kami naglalakbay at napalaban pa kami ng halos dalawang gabi

Sana lang ay makayanan ko pa, hindi ko alam kung bakit nanghihina ako

Baka dahil sa papalapit na kabilugan at pagpula ng buwan

Pero alam mo.magbabago ang lahat ng ito kapag nakuha ko na ang mutya ng bulaklak ng Arguas

Bago iyon ay marami muna kaming haharapin na mga kalaban, sana lang wag na sumagdag pa si Apollo sa kakalabanin namin

Alam ko sa sarili ko na hindi ko pa kaya labanan ng sabayan at harapan si Apollo, isa siyang napakalakas na aswang

"Bilisan natin at gabi na," ani ni Bryan sa amin

Tumakbo na kami papasok at papunta sa mga kabahayan sa looban ng Baryo Tiktikan

Nakita namin ang ilan sa mga tao na abala sa kani kanilang mga ginagawa habang papalapit kami

Lahat ay nasa loob na ng kabahayan, halos kakaunti nalang ang nakikita namin na nasa labas ng bahay dahil pasado alas siyete na ng gabi ng mga oras na iyon

Khael Moon: Ang Prinsipe ng mga Aswang Season 02(COMPLETED)Where stories live. Discover now