Chapter 06

615 46 1
                                    


**********oo**********

Sa pwesto naman nila Khael,

Halos pagod na ang dalawang binata dahil sa kanilang kalaban

Malalaki din kasi ang katawan ng dalawang iyon kaya halos hingalin sila sa mga iyon

Ang tatlo namn ay halos malapit na nilang magapi ang mga tiyanak na kanina pa sa kanila umaaligid

Halos hindi nila masabayan ang mga liksi at bilos ng mga iyon

"Nakakainis na ang mga panget na ito, ggrrrr!!," inis na sabi ni Trina

"Gusto ko na matulog at maligo!," ani pa ni Aira na puro dugo ang katawan at damit nito

"Kamusta na kaya sina Nena at Leigh?," bulong ni Sister Janelle habang winiwisikan ng katas ng kalamansi ang mga tiyanak

"Oo nga noh?," ani naman ni Aira,"Sana ligtas naman sila,"

"Pababa na si Khael," ani ni Sister Janelle habang nakatingala sa puno at nakita nitong pababa na ang pamangkin

Napangiti sila ng makitang hawak na nito ang nag iisang bunga ng punong iyon

"Bilisan na natin," ani ni Trina at inatupag na nipa ang mga tiyanak

Pero nagtaka sila dahil lumalayo ang mga iyon sa kanila at bitbit ang mga sugatan at tulog na kalahi

"Nandito na ako," boses iyon ni Khael na nasa likuran nila,"Aalis na tayo," yaya pa sa kanila

"Paano ang mga ito?," tanong ni Kevin sabay turo sa dalawang kalaban nila ni Bryan

Hindi kumibo si Khael, ininguso nalang niya ang mga iyon

Nakita nilang yumuko ang tikbalang at ang kapre na nagbibigay pugay kay Khael

Ang mga tiyanak ay ganoon din kaya napangiti nalang silang lima dahil nakahinga na sila.ng maluwag at kusang umatras ang mga iyon ng makitang nakuha na nito ang niyog na gagawing banal na langis

"Nasaan na sina Nena at Leigh?," may pag aalalang tanong niya sa mga iyon na nagkatinginan lang

Bago pa may makasagot sa tanong niya ay nadinig na nila ang pagsigae ni Nena

"Yuri!!!," sigaw na mula sa taniman ng kalamansi

"Tara na," nauna ng tumakbo si Sister Janelle patungo sa dalawang kaibigan na nas adi kalayuan

Kinakabahan nang sumunod ang lima kay Sister Janelle para makita kung anong nangyari sa dalawa

**********

"Yuri!!," sigaw ni Nena na umabot sa pandinig ng anim na kasalukuyang nag uusap

Nakita kasi nitong sinakmal ng isang lalaking aswang ang braso ni Yuri kaya napasigaw siya

Agad nitong nilapitan ang natumbang si Yuri, nakita ni Nena na nangingitim ang buong braso ng kaibigan at tuloy tuloy ang pag agos ng dugo mula doon

"Nena! Leigh!," sigaw na tawag ni Sister Janelle habang nakikipag laban sa mga aswang na nakakasalubong ng mga ito

"Sister Janelle! Si Yuri," sigaw nito na inaalalayan ang walang malay na si Yuri habang patuloy sa pagdugo ang braso nito at ang ilang mga galos sa katawan

Khael Moon: Ang Prinsipe ng mga Aswang Season 02(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon