Chapter 10

669 57 5
                                    


**********oo**********

Sitio Banawag

Nakita nila na halos marami ang mga taong paroot parito dahil sa araw na iyon ng kapistahan

Parang normal lang para sa mga taga Sitio ang araw na iyon

At kung titignan naman sila ay paramg mga normal lang ang mga tao doon at di mapagkakamalang mga aswang o halimaw na kumakain ng laman ng tao

Masaya ang bawat mukha kung titignan ang mga iyon, masaya ang bawat tao na sinasalubong ang kani kanilang mga bisita na nagpupunta doon

Ang iba ay mga dayo na galing pa sa ibat ibang probinsiya o isla, na hindi alam na mga aswang ang mga nakatira doon

Naglalakad naman ang anim habang patingin tingin sa kapaligiran, halos hindi na nila namamalayan na may mga tao ng nasa harapan nila

"Mga dayo kayo?," tanong ng isang lalake na mataman silang tinititigan ng masama

"Ah opo," tugon ni Khael,"Galing kami sa Lungsod, napadaan lang po kami ng mapadaan dito at makitang kapistahan ninyo,"

"Masaya pala ang kapistahan ninyo,"ani ni Bryan

"Maaari po ba kaming mag ikot ikot?," tanong naman ni Kevin sa kaharap nila

Nagkatinginan ang mga kalalakihan na nasa kanilang harapan na nakaharang

"Mas maganda ay dalhin natin sila sa bahay ni Inang Banang," suhestiyon ng isa sa mga iyon na ikinangiti ng lihim ni Khael at ipinagdarasal na sana ay pumayag ang mga iyon na doon sila dalhin para hindi na sila mahirapan na hanapin ang bahay niyon

"Tara," pagsang ayon ng ilan kaya halos lihim silang napatalon at natuwa dahil sa nadinig

"Sumunod kayo sa amin," ani ng isa pang lalake,"Mas marami ang pagkain doon at mas malaki pa ang bahay doon,"

"Hanggang kailan po kapistahan niyo dito?," tanong naman ni Bryan

"Hanggang bukas," ani ng isang lalake na kanina pa tahimik,"Bukas ang pinakamasaya at pinaka magarbong araw, dahil bukas magtatapos ang kapistahan,"

"Ay sayang," ani bigla ni Khael,"Baka umalis din kami mamaya pagkatapos makakain,"

Sasagot pa sana sina Kevin ng pandilatan niya ito ng mga mata kasama ang dalawang dalaga

"Ha? Bakit naman?," huminto ang mga iyon at tinanong sila

"Kasi po mga dayo lang kami," tugon niya,"Saka po wala kami matutuluyan o mapapalipasan ng gabi dito sa inyo, wala po kaming mga kakilala,"

Napatango tango naman ang mg iyon bago nagpatuloy sa paglalakad

Nagkatinginan lang silang lahat kasama si Archie na halos kinakabahan na ng mga sandaling iyon habang papasok sa Sitio

At papunta sa bahay ni Inang Banang na siyang kilalang pinaka matanda sa lahat ng nakatira doon

Habang naglalakad ay pinag aaralan na nila ang bawat parte ng Sitio at kung saan may mga lusutan papalabas

Khael Moon: Ang Prinsipe ng mga Aswang Season 02(COMPLETED)Where stories live. Discover now