Chapter 63

538 63 4
                                    

**********oo**********

Nang mapagod at mailabas na ang lahat ng galit at pagkapahiya niya ay bumalik na siya sa loob ng kanilang palasyo

Nagbalik na din sa dati ang kanyang kaanyuan bilang si Apollo, pero mababakas pa din sa hilatsa ng itsura nito ang galit

"Ihanda lahat ng ating hukbo!," sigaw nito,"Lulusubin natin sila oras na mailipat na sa akin ang trono ni Ama!,"

"Ikaw ang masusunod, Apllo," ani ni Haring Serafink

"Lahat ng kanilang lahi ay uubusin natin, maging ang mga engkantong nakatira sa mahiwagang kagubatan at sa bundok na napapaikutan ng puting ulap!," sigaw nito

Nagkatinginan ang lahat, bumakas ang takot ng mabanggit ang bundok na iyon, dahil alam ng lahat na doon nakatira ang ermitanyong tagapamagitan at taga tawag ng Diyos at mga Diyosa

"Bakit kayo nanahimik?!," galit na tanong nito sa mga aswang na nanahimik ng mabanggit nito ang kabundukang iyon

"Dahil sa ermitanyo, Apollo," ani ni Serafino,"Takot ang lahat sa mga iyon, dahil kaya niyang isumpa ang lahat ng kakalaban sa kanila,"

Humalakhak lang si Apollo ng madinig ang sinabi ng kanyang ama, halakhak na punong puno ng pang uuyam sa mga engkanto

"Magtiwala at manalig kayo sa akin," ani pa nito,"Magwawagi tayo laban sa kanila kahit magsanib pwersa pa ang mga engkanto at kahit kasapi pa ni si Khael Moon!,"

Magkatinginan ang lahat lalo na ang mga nakakakilala na kay Khael kung gaano ito kalakas

"Hindi magwawagi laban sa akin ang aking pinsan kahit na malakas na din siya ngayon," lumaki at naging pula ang mga mata ni Apollo, pati na din ang tinig nito,"Ipjnapangako ko sa inyo na tayo ang magwawagi sa labanang ito!,"

Tumalikod na si Apollo matapos sabihin iyon, kasabay ng paghalakhak nito ng napakalakas

Napayuko nalang ang mga aswang na madadaanan nito

May ilan na may agam agam sa kanilang puso't isipan kung totoo ba ang sinasabi ni Apollo na magwawagi sila sa labanang iyon laban s amga makapangyarihang engkanto at ermitanyo pati na sa totoong tagapagmana

Ang ilan ay nagtiwala sa kakayahan ng mag ama lalo na kay Apollo, may ilan naman na mas naniwala na sa kakayahan ng tagapagmana at sa mga engkanto

Kaya halos kalahati ang nagpasya na sumalungat at kalahati ang sasama sa digmaang iyon

**********

Hapon na ng makarating ang mag kakaibigan sa Sitio Albana, kaagad silang naghagilap ng tricycle na maghahatid sa kanila sa bahay nila Khael para makarating kaagad

Halos paramg lantang gulay na ang pakiramd nila dahil sa haba ng biyahe at wala silang pahinga kapag lilipat sila ng sasakyan

Napaupo nalang sila sa hintayan ng masasakya  habang nag aabang ang apat na kabinataan

Walang kumikibo sa kanila dahil s pagod at gutom na din ng nararamdaman nila

Init at malagkit na pakiramdam dahil sa haba ng kanilang biyahe, ni hindi nila magawa ang maligo sa terminal ng sasakyan

Khael Moon: Ang Prinsipe ng mga Aswang Season 02(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon