Chapter 25

618 46 1
                                    


**********oo**********

Nagulat nalang silang lahat makalipas ang isang oras na nakauwi na sa kani kanilang mga bahay ng biglang tumunog ng malakas ang alarm para sa pgbibigay ng babala sa lahat ng mga taga Baryo Banal

"Heto na nga ba ang sinasabi ko," kinakabahang sambit ni Isabel,"Heto na ang kinakatakutan naming lahat dito,"

"Bakit po, Tiyang?," may pagtatakang tanong ni Nena sa Mama niya ng mga sandaling iyon

"Iyan ang hudyat," may takot na sabi ni Isabel,"Pitong taon na ang nakakalipas ng mangyari ito, may mga dayo ding kagaya niyo,"

"Ano po ang nangyari?," may pagtatakang tanong ni Janelle

"Marami ang namatay na taga dito na nadamay dahil sa mga dayo," sagot ni Tiyo Fred, ng hindi na makapagsalita si Isabel dahil sa nanginginig,

Nagkatinginan lang ang mag iina na iniligtas nila sa mga bampira

Abala din ito sa pagsasara ng mga bintana at pintuan, kagaya ng mga kapitbahay nila, tumulong nalang ang mag iina sa pagsasarado ng mga bintana

Nagkatinginan silang pito habang abala sina Isabel sa pagsasarado ng mga bintana at pintuan

Ang mga anak naman ng mag asawa ay nasa isang sulok lang kasama din ang dalawang bata at nagdarasal habang umiiyak ng tahimik, nanginginig na sa takot

"Paano na si Yuri?," tanong ni Kevin habang nakaupo sa isang mahabang upuan at napahilamos sa mukha at nag aalala sa kaibigan nila

"Kami ng bahala," ani ni Aira sabay nag apir silang apat na nakangiti kaya napakunot noo lang ang tatlo

"Anong oras matatapos ito, Tiyang?," tanong ni Nena sa Mama niya na nakaupo nalang din

"Dalawang araw bago sila magsawa sa pananalasa ng mga tao dito," sagot ni Tiyo Fred

"Wala po bang nagtangkang lumaban sa kanila? O hindi man lang kayo nagsumbong sa mga kapulisan?," takang tanong ni Kevin

"Si Father Joseph ang namamahala sa lahat," sagot ni Tiya Isabel,"Kapag may nag sumbong sa mga kapulisan ay kaagad ipapatawag ang Pari at kakausapin, tapos iyong nagsumbong makikita nalang namin na nakabitay na kinabukasan,"

"Bakit po hindi kayo magsama sama para paalisin o patayin ang Paring iyon?," ani ni Sister Janelle kaya napaubo nalang si Khael

Napatingin siya sa mga kasama niya habang tinuturo ang suot niya

"Ay, pasensiya na kayo," ani niya sabay napaantada ng krus,"Nadala lang ako sa inis at galit,"

"Madre ka ba talaga, Sister Janelle?," may panunuksong tanong naman ni Nena sabay tawa

"Paano na po si Yuri?," tanong naman ni Bryan sa mag asawa

Napailing nalang ang mag asawa sa kanilang pito

"Wala na tayong magagawa para sa kanila," sagot ni Tiyo Fred

"Kung kayo po walang magagawa," sagot ni Khael,"Kami na po ang gagawa ng paraan para mapalaya kayo dito at mapaalis ang Pari na iyon," sabi niya

Nagkatinginan ang mag asawa sa kanya, napapailing nalang ang mga iyon sa desisyon nila

"Lalabanan po namin sila," sabi ni Kevin, habang inihahanda ang mga gamit nila laban sa mga aswang

"Kahit ano po ang makakalaban namin at makakaharap ay ipagtatanggol namin ang aming kaibigan," sang ayon ni Bryan,"At kahit kayo ay tutulungan po namin sa abot ng aming makakaya,"

Khael Moon: Ang Prinsipe ng mga Aswang Season 02(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon