Chapter 47

602 53 2
                                    


**********oo**********

Samantala,

Naghahanda na ang buong kaharian nila Haring Serafino para sa nalalapit na pagbilog at pagpula ng buwan

Halos abala ang lahat ng mga aswang sa paglilinis ng buong kaharian at palasyo

Sa pagkuha ng mga pagkain na galing sa mundo ng mga mortal

Handang handa na sila para makipagsanib pwersa sa pitong Prinsipe ng Impyerno

"Dalawang gabi mula ngayon,"napapangising saad ni Haring Serafino sa kanyang anak,"Magiging malakas kana at magiging atin na ang buong lupain ng mga aswang, bampira at ng mga tao!!," sabay halakhak

"Paano ama si Khael Moon?," tanong ni Apollo habang nakamasid sa mga bihag na ipinapasok na sa mga kulungan

"Kahit na makuha niya ang mutya ng bulaklak ay mas malakas kapa din sa kanya,"

"Paano ang babaing sinasabi sa propesiya at ng Babaylan?," tanong pa nito ulet

"Anong babae ang pinagsasabi mo?," angil na tanong nito

"Ang babaing may kapangyarihan na nagmumula sa liwanag ng buwan? Ang babaing papatay sayo ama?," sagot nito sa ama

"Hangal!," sigaw ng kanyang ama sa kanya,"Walang sinuman ang maaaring makatapak.sa ating kaharian na isang mortal o taong laman ng ating tiyan!,"

"Pero ama?," tanong ni Apollo

"Tumigil ka!," sigaw ng ama nito sa kanya,"Ikaw na ang mas malakas at pinakamalakas na aswang lalo na kapag nakipag isa na tayo sa mga pitong Prinsipe at makoronahan kana,"

Napailing nalang si Apollo sa kanyang ama dahilsa mga sinasabi nito sa kanya

Hindi niya alam kung ano na talaga ang plano ng kanyang ama

Pero pabor sa kanya kung ano man ang mga iyon, para din iyon sa kanya, sa ikalalakas niya at sa pagiging Prinsipe niya

"Basta ang siguraduhin mo lang maikasal ka sa anak ni Greg," sabi pa nito,"Dahil mas lalakas ka ng dahil sa kanya,"

"Paano si Yuri?," tanong ni Apollo,"Ang dalagang dapat natin ialay at ang taong mahal ni Khael Moon?,"

"Saka na natin siya aasikasuhin,"sagot nito,"Kapag naikasal kana sa anak ni Greg at makoronahan kana,"

Napatango nalang si Apollo sa sinabi ng kanyang ama, dahil alam nito ang mas ikabubuti nilang lahat lalo na at wala na ang kanilang ina at ang kanyang kapatid

Tinignan nalang nilang mabuti ang bawat aswang na ginawa nilang alalay at alipin sa loob ng palasyo

Ang hindi sumunod sa kanila ay pinaparusahan nila o di kaya ay inihahain sa kanilang mga kalahi

**********

Halos hating gabi na ay hindi pa din sila natatapos sa pakikipagsagupa sa mga Mandaragit na aswang

Halos ubos na ang bala ng pana kaya hindi na nila halos mapana ang mga lumilipad at may mga dalang tao na sa taas mismo nila kinakain at niluray luray

Khael Moon: Ang Prinsipe ng mga Aswang Season 02(COMPLETED)Where stories live. Discover now