Chapter 61

595 65 7
                                    

A/N: Good Morning/ Good Afternoon po sa lahat🤗🤗🤗🤗

Dahil sa ilang chapter nalang at tapos na itong Season 02 kaya mag a update na po ako ng madalas😊😊😊😊😊

**********oo**********

Matapos makipagkita at makipag usap si Serafino kay Greg ay kaagad iyong umuwi sa kanilang kaharian

Kahit na napakalayo ng kanyang nilakbay ay hindi siya nag aksaya ng panahon at oras para hindi paghandaan ang kanilang pakikidigma sa kabilang kaharian

Galit na galit si Serafino habang mabilis na pinapatakbo ang isang aswang na kabayo

Nas alikuran niya ang mga kawal na aswang na ang mga mukha ay kagaya ng sa baboy at aso

Mababangis ang mga iyon at hayok sa laman ng tao maging sa kapwa aswang at bampira

Kaya ito ang ginawang kawala na mandirigma ni Serafino dahil alam nito na mananalo sila laban sa kaibigang si Greg

Walang awa ang nga ito at lahat ng makakalaban ng mga iyon ay diretso sa loob ng kanilang mga tiyan, walang ititira kahit na gapatak na dugo sa mga iyon

Mga aswang na napakalupit kahit sa mga kalahi ng mga iyon, ang dahilan naman ng mga iyon ay lahat ng kaaway ng mag ama ay kaaway din nila at ipagtatanggol nila sa sinumang kaaway ng mga iyon hanggang sa ikamatay nila iyon o kapalit ng kanilang buhay

Mahigit na dalamwampu ang mga nasa likuran ni Serafino at sampu ang nasa unahan nito para protektahan siya sa maaaring sumalubong sa kanila

Dahil alam ni Serafino na marami pa din siyang kalaban na mga engkanto lalo na ang mga puting engkanto na ayaw sa pamumuno niya at mga ermitanyo na matagal ng naninirahan doon sa dinaraanan nila

Nakita pa ni Serafino ang ilang ermitanyong naglabasan sa nagalalakihang puno, mga manggagamot na ermitanyo at sila ang mga puting Babaylan na kontra sa kanyang Babaylan na itim ang gamit

Tinitignan lang siya ng mga iyon habang dumadaan sa madamong bahagi ng daanang iyon

Nginisihan naman ni Serafino ang mga ermitanyong iyon, ngising nagbabadya ng digmaan at lagim sa buong mundo nila kasama ang mundo ng mga aswang at tao

Alam ng mga ermitanyong iyon na iyon na ang babala para sa kanila kaya ng lumagpas ang mga iyon sa kanilang teritoryo ay nagsipag alisan na sila

**********

Nang hindi na nila makita ang mga aswang sa kanilang teritryo ay kaagad silang umalis para puntahan ang kanilang pinakapinuno at ibalita ang babalang kanilang nakita

Kaagad na nagsipagsunuran sa nauunang ermitanyo pero makikita at mababakas sa itsura nila na mga bata pa ang mga iyon

Nagmamadali ang kilos nila para makapaghanda sa maaaring mangyari sa hinaharap at sa mga nakapaligid sa kanila

Nagsipagsunuran na din ang ilang mga hayop o engkanto na nasa ganoong kaanyuan

Halos kasing bilis ng hangin ang kilos ng lahat hanggang sa makarating sila sa isang bundok na kung saan nababalutan ng puting usok

Khael Moon: Ang Prinsipe ng mga Aswang Season 02(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon