Chapter 09

660 48 1
                                    


**********oo**********

Kinabukasan

Kumalat ang lagim na nangyari sa Baryo Maliwanag sa mga kalapit na Baryo at Sitio

Halos nahintatakutan ang lahat dahil sa nalaman ng mga iyon

Nakapag sumbong sa pulisya ang ilang mga taong natira, kaanak at pamilya ng mga nabiktima

Pero napapailing nalang ang mga pulisya, dahil kahit sila ay takot at walang magagawang tulong para hulihin at paalisin ang mga nakatira sa Sitio Banawag

Kinatatakutan ang Sitio Banawag dahil sa ang lahat ng nakatira doon ay puro mga aswang na galing sa ibat ibang lahi, ibat ibang lugar at probinsiya

Kahit na ang mga kapulisan ay takot pasukin ang lugar na iyon kahit pa may mga baril naman sila na maaaring pumatay sa mga aswang na nakatira doon

Nanlumo naman ang mga natirang tao sa Baryo Maliwanag na ngayon ay para sa kanila ay Baryo Kadiliman na dahil sa takot na sila lumabas ng mga kabahayan

Mas pinatibay pa nila ang kani kanilang mga kabahayan, lalo na ang mga madaling masira at mapasok ng mga aswang

Nagtulong tulong sila para mapatibay ang bawat bahay at pinagtabi tabi nalang nila ang mga bahay nila para mas mabilis matulungan ang isat isa kapag umatake na naman ang mga aswang

Alam nila na abala ang mga iyon dahil ng araw na iyon ay kapistahan sa Sitio Banawag na aabutin hanggang kinabukasan

Kaya pinaspasan nila ang lahat ng kanilang mga gawain para matapos kaagad iyon kinabukasan

**********

Samantala,

Gamit ang inarkilang jeep o owner jeep nila Khael ay nakarating naman sila ng matiwasay sa pinaka Bayan ng kanilang sadya

Madaling araw sila umalis sa bahay nila Lola Maria matapos makauwi ng hapon sa Sitio Kilabot para makapag paalam sa mga magulang nila

Doon na din sila natulog kina Lola Maria para mabantayan si Yuri na inaapoy ng lagnat at halos nangingitim na ang isang buong braso nito

Wala silang imikan habang nasa biyahe, dala ang lahat ng kakailanganin nila ay maaga silang umalis para kinatanghalian ay nasa lugar na sila ng kanilang sadya

"Kain muna tayo," yaya ni Kevin ng may makitang kainan sa di kalayuan sa may himpilan ng pulisya kaya tumango silang lahat

"Gutom na din kami," ani naman nina Trina at Aira kaya sumang ayon na sipa matapos iparada ang sasakyan nila malapit lang sa may himpilan ng pulisya

"Maganda tanghali," bati ng isang serbidora na sumalubong sa kanila,"Pasok po kayo, mga dayo po kayo?,"

"Oo," sagot ni Kevin,"Msasarap.ba ang mga pagkain niyo?,"

"Ay opo, tara," at sinamahan sila nito sa isang lamesa na kakasya silang lima,"Maupo na po kayo,"

"Kami na ang kukuha ng makakain natin," ani ni Bryan,"Maupo nalang kayo diyan, pati na ikaw Khael,"

Khael Moon: Ang Prinsipe ng mga Aswang Season 02(COMPLETED)Where stories live. Discover now