Chapter 23

612 49 2
                                    

**********oo**********

"Ano po iyon?," may pagtatakang tanong ni Janelle ng makdinig ng tila alingawngaw sa di kalayuan

"Hudyat na alas tres na ng hapon," sagot ni Fred

"Para saan po?," may pagtatakang tanong naman ni Khael

"Para ang lahat ng kabataan, kagaya niyo at kagaya ng kambal namin na pumasok na sa loob ng kabahayan," paliwanag nito

"Pero maaga pa naman po ah," angal ni Bryan

"Kailangan alas kwatro malinis na ang lansangan," sagot ni Isabel,"Dahil kapag may nakita silang kahit isang bata, lahat ay mapaparusahan,"

"Lahat? Kayong lahat?," kurong tanong ni Nena

"Hindi," sagot ni Fred,"Lahat ng miyembro ng pamilya ng batang nahuli sa lansangan, pupugutan ng ulo ang mga magulang o ang lahat ng matatanda sa pamilya nila,"

"Ano po?!," kuro nilang lahat

"Pagkakamali ng isa, damay lahat,"ani ni Isabel

"Eh paano ang mga anak nila?," tanong ni Nena

"Hindi namin alam kung ano ang ginagawa sa kanila," sagot ni Fred,"Dahil dinadala sila sa likurang bahagi ng kapilya, tapos hindi na namin makikita kinabukasan, parang nawala nalang sila na parang bula,"

Napapailing nalang sila dahil sa nalaman, nakita pa nila mula sa bintana ang mga kababaihan na naglalakad patungo sa kapilya

"Ano po ang gagawin nila?," tanong naman ni Kevin

"Magdadasal sila sa kapilya hanggang sa pagpatak ng ala sais ng hapon bago umuwi," paliwang ni Isabel sa kanila

"Hindi po kayo kasali?," tanong ni Janelle sa kanila

Umiling lang ang mag asawa sa kanila, kaya nagkatinginan sila

"Gusto po namin pumunta sa Kapilya, Tiyang," ani ni Nena,

Nagkatinginan ang mag asawa dahil sa sinabi nito, umiling lang si Isabel, pero dahil mapilit sila ay pumayag din ito

"Mag iingat kayo," bilin sa kanila, hindi na sila sinamahan dahil baka mapahamak lang ang pamilya nito na naiintindihan naman nila

Agad silang lumabas ng bahay at sumunod sa mga kababaihan at kalalakihan na patungo sa Kapilya para magdasal

Nakapambihis sioa ng pang Madre at pang Pari ng lumabas sila, dahil iyon ang nakita ng mga tao doon sa Baryo Banal

"Bago lang kayo?," tanong ng matandang Pari ng makita sila sa loob ng simbahan

"Opo," tugon ni Janelle,"Pamangkin po kami nina Isabel at Fred, nagbabakasyon lang po kami,"

Tumango tango lang iyon bago sila tinignan ng paisa isa mula ulo hanggang paa

Nakangiti naman silang nakatingin sa Pari na masama ang tingin sa kanilang walo

"Ilang kana ng Pari?," tanong kay Khael, tinignan nila ang katabi,"Ako nga pala si Father Joseph,"

"Limang taon na po, Father Joseph," diretsang sagot nito na ikinahinga nila ng maluwag

Khael Moon: Ang Prinsipe ng mga Aswang Season 02(COMPLETED)Where stories live. Discover now