Chapter 35

632 57 2
                                    

**********oo**********

Nadidinig nila mula sa loob ng bahay ang kahulan at alulong ng mga aso sa labas

"Umaatake na naman ang mga Kamagrang," napapailing na sambit ni Lola Luciana sa kanilang tatlo,"May manganganak kasi kaya ganyan sila kaagresibo,"

"Lola, may huminto pong tricycle sa labas," ani ni Aira sa matanda

Ilang sandali pa ay sunod sunod na katok na ang kanilang nadinig

Katok na may pagmamadali at kababakasan ng takot at kaba ang boses ng tumatawag mula sa labas ng bahay

"Mukhang si Oca nga iyan," ani ni Lola Luciana,"Siya ang hinihintay kong dumating kanina, kasi manganganak na ang asawa niya,"

Agad naman pinagbuksan ni Lola Luciana ang kumakatok at pinapasok sa loob ng bahay

"Lola Luciana," hingal nitong sambit,"Manganganak na po ang asawa ko,"

"Sandali at ihahanda ko ang mga gagamitin ko," sabi nito,

"Sasama po kami," ani nilang tatlo na ikinatango lang ng matanda at pia sunod sila nito sa may kwarto

Mula sa ilalim ng papag ay may kinuha iyong isang malaking lagayan at isang bayon kung saan nakalagay ang mga gamit sa pagpapaanak

"Heto gamitin niyo," sabay bigay sa mga panlaban sa aswang,"Iyang tatlong itak ay ibinabad ko sa dagta ng alugbati, mas mabisang panlaban iyan sa mga kamagrang, hindi sipa tinatalaban ng asin at bawang," sabay abot ng tig iisang itak na halos ang ninipis ng talim

Namangha naman sila dahil ang kintab niyon na halatang napakatalas ng talim

"Kapag naitaga niyo sa mga kamagrang iyan ay ibaon niyo kaagad sa lupa ng pitong araw at siguradong mamamatay sila," paliwanag pa nito

"Opo," kuro nila sabay lagay sa bewang nilang ang mga itak na may tali sa hawakan

"Kapag nataga sila at nasugat ay hindi na gagaling pa ang mga iyon," sabi nito,"Lalala ang mga iyon, mabubulok at magnanana hanggang sa ikamatay na nila ang sugat na likha ng mga itak na ibinabad sa dagta ng alugbati,"

Isinukbit na nila ang mga itak sa bewang m binigay ni Lola Luciana, may tali iyon sa hawakan kaya hindi basta basta na mahuhulog at mabibitawan

"Tara na," yaya ni Lola Luciana sa kanila,"Nanganganib ang mag iina mo, Oca," dagdag pa nito

"Opo," agad silang lumabas ng bahay ng masiguradong kompleto na ang kanilang mga gamit

Agad na isinarado ang bahay ni Lola Luciana ang pintuan at sumakay ng tricycle

Agad na umalis sila doon sa bahay, mabilis na pinatakbo ni Oca ang tricycle habang nag aalala sa kayang mag iina

Habang nasa daan naman ay pansin nila ang ilang mga kamagrang na patalon talon at tunatakbo sa bawat bubungan ng mga kabahayan na kanilang nadadaanan

"Ang dami po nila," sambit ni Aira na nakatingin sa mga bubungan

Bigla naman naihinto ni Oca ang tricycle dahil may mga nakaharang sa dadaanan nila

Khael Moon: Ang Prinsipe ng mga Aswang Season 02(COMPLETED)Where stories live. Discover now