Chapter 9

53 12 1
                                    

Itinaas ng binata ang kanan niyang palad at nagbunga ng kaniyang hininga. Inamoy niya ito kung maayos pa nga ba ang lagay ng kaniyang sikmura o mas nakakasulasok pa ang amoy ng bunganga niya, kaysa sa pagmumukha niya. Mabuti na lang at pangit lang siya, mabago pa rin ang hininga.

"Tao po!"

May doorbell naman, pero mas pinili pa rin niya na kumatok sa gate. Hindi rin naman tumagal ng segundo at nagbukas ang pinto ng bahay nina Laica. Awtomatiko pang isinilay ni Marvin ang kaniyang ngiti para lang ipakita kay Laica na masaya siya na nakita niya ito. Pero mukhang hindi ganito ang raksyon ng mukha ng dalaga. Wala naman siyang pakialam sa saya. Ang alam lang niya, maaari na niyang mapapayag si Marvin. Magagawa na rin ng dalaga ang mga nakalista kung paano niya mararanasan ang unang pait ng pag-ibig.

"Mabuti naman at dumating ka na," bungad na saita ni Laica.

"Hindi ako masyadong handa, pasenya ka na. Ganito lang talaga ako kapag matutulog na." Mainhin na saad ng binata.

"Mukha ngang hindi ka handa. Nakasuklay at gel pa ang buhok mo. Pati ang kulay orange na polo shirt mo na pinaresan mo ng yellow na pantalon. Bagong style ba 'yan? Baka pwede ako magbenta ng gan'yan sa shop ko." Hindi mawari kung pang-iinsulto ba ang mga salita na ito o dapat na matuwa ang binata dahil naging insipirasyon siya ni Laica.

Hindi na lamang umimik si Marvin, tanging ang tawa lamang niya ang narinig. Kahit na hindi niya ipahalata na kabado siya, napapansin naman ito ni Laica dahil sa panay ang punas ni Marvin ng kamay niya na namamasa na rin sa sobrang nerbyos. Kulang na nga lang ay maihi na siya. Paano ba naman ay ito ang unang beses na ipapakilala s'ya sa mga magulang ng isang babae.

Matapos na bukas ni Laica ang pinto, siya na ang unang pumasok, habang si Marvin ay naiwan sa labas. Ngayon niya lang napagtanto na wala pala siyang ibang dala para sa pupuntahan niyang handaan. Nakalimutan niya ang tupperware na paglalagyan sana ng handa.

"Ma, pa, may bisita tayo!" tawag ni Laica. Umlingaw-ngaw ang boses niya sa loob ng kanilang bahay. Tunay nga na sila lang ang naro'n. Silang pamilya kasama na ang sampid na si Leizl, na ngayon ay ngumangata na kaagad ng shanghai.

Nakakabigla naman din ito sa pamilya ng dalaga, lalo pa at ang kakilala lamang naman nilang kaibigan ni Laica, ay si Leizl, kaya sino nga ba ang lalaki na 'to? Nakahain pa lang naman ang mga handa sa kusina, at ngayon lahat sila ay nasa salas para sana ayusin ang lamesa na pagkakainan nila.

Matapos na ilapag ng nanay ni Laica ang tela na ipapatong sa lamesa, lumapit ito upang sipatin ang tao na nasa labas ng pinto. Hindi na rin nagbigay ng kahit anong kumento si Leizl, dahil kilala naman na rin niya kung sino ito.

"Hello po." May natatagong hiya pa rin pala si Marvin, na magpakilala.

"Oh, anak, bakit ka nagdala ng batang hamog dito sa bahay? Sandali lang at pagbabalutan ko na lang siya ng pagkain. Sandali lang, ah? Nasaan na ba ang plastik labo natin?"

"Teka lang po. Hindi po ako ano... hindi po ako batang hamog." Pigil ng binata. Napakamot pa siya sa kaniyang tainga. Sa mga oras na ito ay napatigil na rin ang lahat sa kanilang mga ginagawa at lumapit sa pinto kung saan ang dalawa ay nakatayo. Kung makikita lang na namumula ang mukha ni Marvin, mas nakakahiya ito para sa kaniya.

"Hindi po siya batang hamog, tita." Hindi na rin mapigilan ni Leizl ang matawa sa eksena na kaniyang nakikita.

Nagsalubong ang kilay ng nanay ni Laica. "Hindi ba? Ano ba 'to? Kargador ng gasul? Tumawag na ako kanina, ang sabi ko bukas pa ako magpapa-deliver."

"Hindi rin po, tita."—Leizl.

"Ah, baka iyan na 'yong magsipsip ng posonegro natin? Gabi na, bumalik ka na lang sana bukas." Walang idea ang nanay ni Laica sa mga nagaganap. Tila ba nagiging lutang na rin ito at nahihirapan na unawain kung ano ba talaga ang tunay na nangyayari. Nahihirapan siyang unawain kung ano nga ba talaga ang dahilan kung bakit may isang lalaki na mukhang buhay na pastillas sa kanilang harapan.

"Wala po sa nabanggit, tita," sabat ni Leizl. Nais na rin sanang pangunahan ng dalaga ang pagpapakilala sa lalaki na 'to. Pero mas gusto niyang ipaubaya na lang sa kaibigan niya.

"Sino ba kasi 'yan ate? Bakit hindi mo pa ipakilala sa amin? Mukha ba kaming manghuhula dahil lang sa mukha siyang naengkanto?" tanong ni Myla. Wala naman na ring iba pang mababakas sa mukha ng pamilya ni Laica kung hindi ang pagtataka. Ngayon lang nila nakita ang dalaga na may dalang lalaki sa bahay nila.

"Sino ba 'yan? Mag-aampon ka ba ng pulubi? Matanda naman na 'yan, eh. Pero maangas ang hilatya ng mukha niya. Para siyang tipaklong na nag-evolve na tao," ani Fernando—ang ama ni Laica.

"Mama, papa, hindi po siya batang hamog, kargador o ang magsisispsip ng posonegro. Hindi rin siya magpapaampon sa atin, kahit na mukha pa siyang pulubi. Siya po si Marvin, boyfriend ko."

Tila may dumaang kuliglig sa harapan nila matapos na sabihin ni Laica ang isang nakakagulantang na balita. Hindi mawari kung isa nga ba itong magandang balita o pangit—parang mukha ni Marvin. Ang lahat ng bibig nila ay nakauwang, na kulang na lamang ay sumayad ito sa sahig. Naghihintay na sabihin ng kanilang anak na, "Eezz a prank!". Ngunit bigo sila na marinig ito.

Mukha ring magsisimula pa lang ang kanilang love story, alam na kaaagad ng binata ang kahahantungan ng buhay niya sa piling ng pamilya ni Laica.

"Grabeng ang saya pala ng pamilya niyo, no? Mapagmahal sa kapwa nila. Pwede na ba tayo pumasok sa loob?Kahit na mukha akong lamok, kinakagat pa rin nila ako," biro ng binata na wala naman ni isa ang natawa.

Nanatili pa rin na tulala sa mga narinig ang mga kapatid ni Laica. Mukhang sa kanilang lahat, si Leizl lang ang nasa maayos na kundisyon. Hindi nila akalain na may ganitong klaseng balita na lalantad sa harapan nilang lahat. Ang balita na maganda na lang ding sarilinin. Hindi maaaring ilabas sa publiko, nakakasama sa kalusugan.  

Ang Pangarap Kong Breakup ✔️Where stories live. Discover now