Chapter 16

39 10 1
                                    

Bumalik ang normal na daloy ng mga buhay nila. Nagiging normal na lang din para kay Leizl ang relasyon nina Marvin at Laica, kahit na hindi talaga s'ya boto sa lalaki na 'yon. Hindi niya kayang pigilan ang kaniyang bibig na magsabi ng masasakit na salita, ukol sa anyo ni Marvin.

"Siguro naman hindi pupunta rito ang pangit mong jowa?" tanong ni Leizl. Para kasing utang-uta na siya sa mukha ni Marvin kapag nakikita niya 'to. Kung buntis lang siya, baka napaglihian na niya ang gano'ng kalse ng mukha. Babalik sa kaniya ang mga panlalait na ginagawa niya.

"Pupunta siya ngayon," sagot ni Laica. Ang buong atensyon ng dalaga ngayon ay nasa mga damit na paninda niya. Maya-maya lang din ay magsisimula ang live selling niya sa facebook page niya. Hindi niya naman ito ginagawa noon, pero dahil sa payo ni Leizl gagawin niya ito. Sa lahat ata ng sinabi ni Leizl at sa buong buhay niya, ito lang ang naging tama at nakatulong sa kaibigan niya.

"Ano ba 'yan, makikita ko na naman ang mukha no'n. Hindi ka ba nuuta na makita ang pangit na mukha ng lalaking 'yon? Siguro kung may contest para sa papangitan ng mukha, baka sya pa ang sambahin ng mga 'yon. Tanginang parang pinaglihi sa sama ng loob eh."

"Pumikit ka na lang para hindi mo makita." Hindi mawari kung biro ba ito, dahil hindi naman tumatawa si Laica.

"Ewan. Bahala na nga. Magbebenta na rin ako ng sabon para pasalamat mo sa akin dahil sa pagturo kong mag-live selling ka." Mas makapal pa nga talaga sa kalyo ang mukha nitong si Leizl. Parang napakalaking dulot niya sa mundo kung magsalita.

Dahil wala naman talagang pakialam si Laica sa gustong gawin ng kaibigan niya, hinayaan na lang niya ito. Mamaya pa naman magsisimula ang live selling, dahil hinihintay pa ni Laica ang boyfriend niya. Malapit na rin ang labas nito sa trabaho, kaya alam ng dalaga na dederetsyo na rin ito sa kanila.

Habang naghihintay si Laica sa jowa niya, nag-aayos na siya ng mga damit na mamaya lang ay ipapakita nito. Sa gagawin niyang ito, mukhang mas lalong lalakas ang benta ng mga damit niya. Sa katunayan nga n'yan, itong isang kwarto na pinagawa ng mga magulang niya halos mapuno na ng mga damit, at mawalan na siya ng puwesto sa pag-aayos para sa ibang parcel. Maganda ang kitaan niya sa ganitong negosyo. Matalino kung dumiskarte si Laica, kaya isa rin ito sa hinahanggan ni Leizl sa kaibigan niya.

Hindi namalayan ng dalawa na kanina pa rin may tumatawag sa labas ng bahay, mukhang kilala na nila kung kaninong boses iyon. Gwapo naman ang boses ni Marvin, sana nga lang ay naging boses na lang siya. Kung hindi pa nakikita ni Leizl ang mukha ng binata, iisipin talaga nitong gwapo si Marvin. Mapanlinlang talaga ang mundo.

"Nagdala pala ako ng pagkain mo. Sa 'yo lang 'yan ah? Wag ka na magbigay sa matatakaw na nasa tabi-tabi," saad ni Marvin. Sadya niyang pinarinig ang salita na ito sa mortal na kontrabida ng buhay niya. Nang marinig ito ni Leizl, inirapan niya lang ang binata, dahil may pangako siya sa kaibigan niya na kahit na anong mangyari, pipilitin niyang huwag na ayawin si Marvin. Ngunit parang araw-araw na lang siyang sinusubok kapag nakikita niya ang pangit na mukha ni Marvin.

"Salamat dito." Binuklat ng dalaga ang plastik na inabot sa kaniya ng jowa niyang mahihiya na lang ang plantya sa sobrang plakado ng suot.

"Siopao 'yan, para sa puso kong nag-uumapaw sa kilig." Hinawi ni Marvin ang buhok niya at naningkit ang mga mapang-akit nitong mata. Mga matang nakakaakit ng bad energy.

"Magsimula na nga tayo sa live selling, nangangamoy maasim ngayon," sabat ni Leizl.

Nawa'y di magtampo ang ampalaya kung mas bitter si Leizl.

Pipilitin na lang nilang maging maayos ang kanilang pagtitinda sa oras na ito, kahit na itong dalawang kasama ni Laica ay tila ba mga aso na hindi maaaring magtabi, dahil baka bigla na lang mag-away.

"Ano palang gagawin n'yang jowa mo? Display lang? Walang dulot?" tanong ni Leizl, nagtangka na siyang buksan ang camera, pero natigilan naman din siya.

"Siya na lang ang paghawakin natin ng mga damit," sagot ni Laica.

Nagmukha pa palang sabitan ng damit si Marvin. Siya na nga lang ang dumalaw, mukhang napasama pa.

"Sabagay, mukha naman din siyang alambre." Umaalog ang balikat ni Leizl dulot nang pagtawa, habang sinasabi niya ito.

"Nahiya naman ako sa mukha mong parang sipit," bwelta ni Marvin. Hindi uso sa mga katulad niyang pogi ang nagpaptalo.

"Hoy, ikaw nga mukhang pader."—Leizl.

"Nahiya naman ang inidoro sa hugis ng mukha mo."—Marvin.

Mukhang hindi pa tumatagal ang oras na magkasama ang dalawa, hindi na kaagad mapigilan ang bangayan.

"Tumigil na nga kayong dalawa sa kakabanggit ng mga kamukha ninyo, parehas naman kayong mukhang labahan."

Dahil sa sinabi ni Laica, tila ba may dumaang anghel sa gitna nilang tatlo. Nagawang patahimikin ng dalaga ang dalawa niyang kasana na nakakarindi na rin sa tainga ang walang sawa nilang bangayan.

"Grabe naman sa mukhang labahan. Simulan na nga natin 'tong live selling, pipigilan ko na lang ang sarili kong 'wag magalit sa lalaking 'yan. Sana tablan siya ng camera," saad ni Leizl. Hindi na lang din kumibo ang binata.

Ang inaasahan ni Marvin na magiging kontrabida sa love story nila ay ang magbibigay ng sampung milyon sa kaniya, hindi naman akalain ng binata na ang magiging kontrabida pala ay magbibigay ng sandamukal na sama ng loob. Si Leizl ito. Anino pa lang at prisensya ng dalaga, alam na kaagad ng binata na hinanakit lang ang kayang ibahagi sa kaniya nito.

Mukhang ang dulot lang talaga ni Laica ay maging referee ng dalawang mortal na magkaaway na ito. Isang mapanglait at isang kalait-lait naman din talaga. Mabuti na lang din at kaya pa ni Laica ang ganitong gulo, sa pagitan ng kapalmuks niyang kaibigan at ang pangitmuks niyang jowa.

Ang Pangarap Kong Breakup ✔️حيث تعيش القصص. اكتشف الآن