Chapter 29

61 10 1
                                    

"Madalas talaga na nagkakamali ang mga lalaki no?”

“Tayo ang nagkamali.”

“Laica, Laica, Laica, ilang beses ko bang sasabihin sa 'yo na ang mga babae hindi nagkakamali?” Napahilot si Leizl sa kaniyang sintido.

“Mali naman talaga tayo sa—“ hindi na natuloy ng dalaga ang dapat niyang sabihin matapos na ihilamos ni Leizl ang palad niya sa mukha ng kaibigan.

“Palaging tama ang babae. Iyan ang dapat mong tandaan. Kahit na mali tayo, mali pa rin ang mga lalaki,” saad nito. Pinapaliwanag lamang ni Leizl ang tunay na kaganapan sa mundong ibabaw na hindi pa mas'yado alam ni Laica; na may tama ang mga babae–este tama palagi ang mga babae.

Hinawi muna ni Laica ang kamay ng kaibigan. Handa na sana siyang magsalita nang tumunog ang doorbell nila. Saglit pang nagkatinginan ang magkaibigan, sa ikalawang pag-doorbell lamang sila natauhan na may tao nga sa labas. Akala nila ay mga batang uhaw sa pagmamahal na hindi nakaranas na magkaroon ng doorbell sa bahay. Mga batang; pindot doorbell sabay takbo gang.

“Ang daldal mo kasi, nakalimutan ko tuloy ihanda ang mga parcel.” Umiiling pa ang dalaga matapos niyang maalala na may pick-up nga pala ngayon ng parcel. Mabuti na lang at naayos na niya ito, hindi nga lang niya nailabas sa kuwarto. Dahil hindi naman nais ni Laica na magkaroon ng abala sa kung sino manan ang rider, nagmadali siyang pumasok sa kuwarto. Ang bida-bida naman at kalahi ni Marites na kaibigan, hinawi ang kurtina ng binata para lang silipin kung sino ba ang rider. Pero dahil may kataasan ang gate, hindi niya ito nakita.

“Sino kaya 'yon? Baka si Marvin na 'yan. Tangina malayo pa lang naamoy ko ng maasim, eh.” May mahinang pagtawa pa ang dalaga. Itiningkayad pa niya ang paa niya para lang masipat kung sino ba ang nasa labas, pero sadyang hindi inayon ng tadhana na makita niya kung sino.

Surprise na lang siguro mamaya kung sino ba 'yon.

“Leizl, hawakan mo naman 'to. Ikaw na muna maglabas, may kukunin pa ako sa loob,” utos ni Laica.

“Hilig talaga nitong mag-utos, ano ka nanay ko?”

Natigilan si Laica sa pagkalad, kaya sa halip na pumasok siya sa loob ng kuwarto ay napatingin pa siya sa kaibigan niya at pumameywang.

“Joke lang. Hindi ka kamo mabiro, ito na nga lalabas na ako. Ito na oh, nanginginig pa.” Ipinakita naman ng dalaga ang pakunwari na panginginig ng kamay niya. Ang iniiwasan lang kasi ni Leizl ay baka hindi siya paglutan ng kaibigan niya mamayang gabi.

Kawawa naman siya kapag nagutom. Baka lalong mabaliw.

May halong katamaran at excitement ang nararamdaman ni Leizl sa mga oras na ito. Siya ang unang makakaalam kung sino ba ang rider. Hindi na nga siya nagsuot ng sapin sa paa para lang makalabas kaagad ng bahay.

“Good—ay bad afternoon, para sa badtrip na mukha,” bungad na saad ni Marvin. Tama nga ang hula ni Leizl kanina, hindi nagsisinungaling ang maasim na amoy ng hangin.

“Tangina, pormado ulit ah? Tapos na ang Halloween Party, baka naman puwede mo na ayusin sarili mo? Hindi ka pa nauuso, laos ka na naman.” Kung magsalita ito, akala mo hindi siya ang nagsulsol sa kaibigan na hiwalayan si Marvin. Bawing-bawi sa kagaguhan itong si Leizl.

Pero hindi siya ang pakay ng binata, extra lang siya sa paningin nito. Extra na nagpapaka-feeling bida. Feeling gold, tanso naman.

“Si ano?” tanong ni Marvin. Itinagilid pa ng binata ng ulo niya para ituro ang isa pang babae sa loob ng bahay.

“May kinukuha pa sa loob.” Pilit ang ngiti ng dalaga dahil alam niya ang kasalanan niya, pero bawal aminin. Parang ikamamatay niya ang pag-amin na tamang hinala ang mga babae. Nakangiti lang siya na parang baliw.

Nang mapansin ito ng binata, kumunot ang noo niya. “Alam mo naalibadbaran na ako sa ngiti mo. Wag mong sabihin na may gusto ko na sa akin? Gano'n na ba ako kapogi? Pero ngayon pa lang gusto kong sabihin na ayaw ko sa 'yo. Sorry, pero ngayon pa lang mag-move on ka na sa akin.”

“Gagong kapal talaga ng mukha mo no? Kadiri!” Tumirik ang mga mata ni Leizl, hindi dahil sa sarap, kundi dahil sa inis. Ang gana na sana ng ngiti niya kanina, masyado lang umarangkada na parang truck ang kakapalan ng mukha ni Marvin.

“Leizl, nasaan ka na? Hindi ka na bumalik sa loob.” Dahil sa salitang ito, agad na inayos ni Marvin ang tindig niya, hinawi ang buhok patalikod at maging ang bagong platsya na uniform ay inayos niya. Mabuti na lang at hindi namamaga ang mga mata niya. Effective talaga ang paglalagay ng yelo.

Kasabay nang pag-ihip ng hangin ay ang paglabas ni Laica sa gate. Sa mga sandaling masilayan ni Marvin ang mukha ng dalaga, para siyang nasa kalangitan na may mga nagliparang makukulay na kumpitis. Kahit na pangit ang boses nang kumakanta sa videoke, nagiging maganda naman sa pandinig ni Marvin ang bawat kumpas ng puso niyang nagwawala. Natulala. Lumutang. Nawala sa sarili. Ano pa ba ang magiging mas madaling paliwanag sa nararamdaman ni Marvin sa mga oras na ito?

“Mabuti naman ikaw ang kumuha ng mga parcel ko ngayon.” Unang salita na naintindihan ni Marvin. Napatingin pa nga si Laica sa kaibigan niya na nakatahimik lang sa isang tabi.

“O-oo... Oo nga. Oo naman. Ano...” Halata sa boses ng binata ang panginginig ng boses niya. Nauutal na siya nang makita muli si Laica. Parang kanina sa utak niya, ang dali lang para sa kaniya na sabihin ang mga dapat niyang sabihin. Ngayon, parang kahit ata anong salita hindi na niya alam.

“K-kumusta ako... ah, ikaw pala. K-kumusta ka na? Ang tagal na nating hindi nagkikita.” Napakamot pa ng tainga ang binata na tila ba pinipigilan niya ang panginginig at pagiging-utal niya.

“Kahapon lang kayo hindi nagkita,” sabat ni Leizl.

“Ah oo nga. S-sige, magtratrabaho na muna ako.” Hindi mawari kung lalapit ba si Marvin kay Laica para yakapin ito o dapat na siyang sumakay sa motor niya. Baka kapag tumagal pa siya rito, maubos na ang oras niya. Dapat nga ba niyang sabihin kay Laica ang nararamdman niya o hahanap pa siya ng oras?

Pero dahil hiwalay ang trabaho at landian, kailangan muna ni Marvin na unahin ang pag-pick up ng parcels sa ibang seller.

“Pero sandali lang pala. M-may ibibigay lang ako sa 'yo.” Agad na lumapit ang binata sa motor niya para kunin ang isang plastik na dala niya. Matapos niyang makuha ito ay lumapit na siya kay Laica. Sinipat naman ni Leizl ang laman ng plastik, kung pagkain man ito, mukhang matutuwa siya.

“Para sa 'yo. Para hindi ka magutom. Alam mo naman na ayaw kong nagugutom ka.”

“Salamat.” Tipid na sagot ng dalaga. Binuklat niya rin ang laman ng plastik, habang ang usyosera niyang kaibigan ay nakisilip din.

May pagtataka sa mukha ni Leizl habang nakatingin sa loob ng plastik. Ni minsan talaga hindi pumalya si Marvin na dismayahin siya. Mabuti na lang nasisikmura ni Laica ang kabaduyan ng jowa nito.

“Marie? Anong gagawin ko sa pam-baby na pagkain?” tanong ni Laica, itinaas niya rin ang isang supot na Marie Biscuit. Puro pam-baby at pambata ang binigay ni Marvin. “Walang baby sa bahay,” dagdag ni Laica.

Bago magsalita ay hinagod muli ni Marvin ang maalamat niyang buhok; pumungay ang mga mata at saglit na binasa ang labi. “Para sa 'yo talaga 'yan. Pam-baby na pagkain 'yan, kasi ikaw ang baby ko. Boom! Smooth like amplaya. Kilig to the spinal cord. Trabaho na ulit ako, bye.” Kumindat pa siya.

Kaunting ritwal lang pala ay babalik na ang lakas ng loob ni Marvin. Kaunting pahapyaw nang panginginig, makakapagbigay ng malupit na banat.

Marie biscuit para sa mga baby ng jowa nila. Kung walang jowa, tubig-tubig na lang sa tabi.

Ang Pangarap Kong Breakup ✔️Where stories live. Discover now