Chapter 14

41 10 0
                                    

"Alam niyo ba 'yang anak ni Susana? Mukhang buntis na,” panimula ni Bisaga ang babaeng bisugo.

Wala namang alak, pero bakit ang mga Marites sa palgid ay may pulutan na naman? Ang mga babaeng mukhang libag na nabubuhay ay magkakasama ngayon. Mukhang hindi pa nga ata nakakaligo ay may kung ano na namang pinag-uusapan. Nangingialam ng buhay nang may buhay. Mahilig manilip sa iba, ngunit nagiging bulag sa sariling kamalian. Sabagay, ang putok naman ay hindi naaamoy ng may-ari. Well, hindi naman din ata kunektado ang putok sa paliwanag, mukha lang talagang putok na may burnik ang mga chismosang ito.

Maputik ang paligid dahil sa saglit na pag-ulan noong kinagabihan. May mga bata na nagtatakbuhan sa labas, mga maliliit nilang anak na kanina pa rin humihingi ng almusal. Hindi nila mabigyan ang mga paslit, dahil mas nauna nilang pakialaman ang buhay ng iba, kaysa ang magpakain ng anak. Inuna ang almusal nila, kaysa sa pangangailangan ng mga paslit.

“Oh? Paano mo naman nasabi na buntis na? Sino ba sa kanila?” tanong ni Sasha. May panis na laway pa nga ito.

“Hindi naman sa pinapakialaman ko ang buhay nila, nagsasabi lang ako ng totoo. Alam niyo ba kahapon na may lalaki na pumunta sa bahay nila? 'Yong lalaki na mukhang lamok na na-dengue? Basta ang pangit. Ang sagwa ng mukha.” Mababakas na may pandidiri pa sa mukha ni Sundang. Kung makapanlait naman ito, akala mo naman kung sinong kagandahan.

“Naririnig ko pa nga na nagpatugtog. Alam na kapag gano'n. Mukhang umabot pa ata hanggang gabi, bago umuwi ang mga magulang,” gatong ni Bisaga. Tumataksik pa ang laway nito dahil nga sa ngipin niyang nabungi na kaka-chismis.

“Talaga ba? Grabe naman, ang akala ko pa naman ay matinong babae 'yon. Di ba nga sabi nila na walang pakiramdam? Malandi naman pala,” ani Sundang. Ang mukha nito ay ngumiwi pa at may pairap pa kunwari. Kung magsalita, ang akala mo naman din ay kilala nga talaga nila si Laica.

Hindi na natapos ang usapan nila sa panlalait sa mukha ni Marvin at sa pagiging malandi naman daw ni Laica. Panay na sila lait. Mga kwento na sila lang naman din ang nakakaalam at sila lang din ang bumuo. Sa sobrang galing nilang gumawa ng kwento, baka sila pa ang mag-uwi ng Palanca Awardee.

Maalinsangan na ang hangin na inilalabas ng lupa, pero mas nais pa rin na mag-usap ng mga kalahi ni Marites sa mga bagay na hindi naman din talaga totoo. Gumagawa sila ng sariling pulutan. Hindi rin nagtagal ay lumabas si Laica sa gate kasama ang kaibigan niya. Kauuwi lang ni Leizl ilang minuto lang bago nagsimula na magpulong ang mga Marites.

Sakto naman na patungo ang dalawa sa lugar kung saan nag-uusap ang mga chismosa. Malapit lang kasi roon ang tindahan. Mukhang naghahagilap na naman ang dukhang kaibigan ni Laica nang makakain nito. Naubos na naman ang pera sa kalilibre sa maluho nitong lalake.

Habang naglalakad ang dalawang magkaibigan, napapansin ni Leizl na sa kanila nakatingin ang mga nagbubulungang maaasim na babae.

“Pansinin niyo ang paglalakad, halatang napagod kagabi. Tingnan niyo nga, tuyo na ang balat. Malandi naman masyado 'yan.” Umiiling pa si Sundang habang sinasabi niya ang mga salita na ito. Nagbibigay ng mga kumento na hindi naman totoo. Ano nga ba ang nagbago sa lakad ni Laica? Ano ang tinutukoy niyang tuyong balat ng dalaga, e hindi hamak na alaga ng mamahaling sabon ang balat nito. Mas makinis pa nga ata ang tamapakan ng dalaga sa mga mukha ng chismosa nilang kapit-bahay. Kahit pala ang isang katulad ni Laica, hindi matatakasana ng mga mapanghusgang lipunan.

Nababagabag pa rin si Leizl sa nagiging usapan. Hindi niya tuloy alam kung ano ang nangyayari sa mga pangit na babaeng nagtutumpukan sa gilid ng tindahan.

“Ano kayang problema ng mga 'yan?” Hindi na nakapagpigil pa ang dalaga na magtanong sa kaniyang kaibigan. Hindi naman din sumagot si Laica, kumibit-balikat lang ito, dahil wala naman din talaga siyang pakialam sa mga ito. Hindi naman niya ugali na pansinin pa ang mga nasa paligid niya. Hindi naman din maiintindihan ng dalaga ang ilang kaganapan.

“Ano bang gusto mong kainin? Ang sabi ko naman kasi sa 'yo, magpa-deliver na lang tayo ng pagkain,” saad ni Laica. Kanina pa kasi nagsasabi ang kaibigan niyang nagugutom na siya. Tulog pa ang mga magulang ni Laica hanggang ngayon, hindi naman din sila nakapagluto dahil nga wala ang dalawang kapatid ni Laica. Hindi rin nakapaghanda ang dalaga ng pagkain, dahil ang akala niya ay magtatagal ang kaibigan niya sa jowa nito.

Nagtingin si Leizl sa loob ng tindahan na pwede niyang makain. Kahit na pantawid lang muna hanggang sa makaluto si Laica ng makakain nito. Ang soyal masyado ni Leizl, nakikituloy na nga lang, siya pa ang hahainan ng makakain.

“May mga tao talaga na tahimik lang, tapos nasa loob pala ang kulo,” saad ni Sundang na may pag-iling pa. Sinadya niya talagang lakasan ang boses niya, para naman marinig ng dalawa. Nakakahalata naman na rin si Leizl, pero hindi niya sigurado kung para nga ba sa kanila 'to.

“Dala mo ba ang wallet?” tanong ni Laica. Matapos niya itong itanong, doon lang nabaling ang atnsyon ng kaibigan niya sa kaniya at kahit na may iilang parinig ang mga kapit-bahay nila, hindi na nito naitindihan.

“Wala akong dala. Akala ko ba hawak mo kanina?”

“Inabot ko sa 'yo kanina. Baka naiwan sa kwarto, balikan ko lang muna, pumili ka na ng kakainin natin,” ani Laica. Hindi na rin nag-aksaya pa ng oras ang dalaga at umalis na rin ito sa tapat ng tindahan na walang kahit na anong pakialam sa paigid niya. Ganito naman talaga siya, ano bang magagawa niya?

Nang makaalis si Laica, may kumalabit kaagad kay Leizl. Ito ay ang mga babaeng kalahi ni Marites. Dahil dito, napalingon naman din kaagad ang dalaga at napakunot ng kaniyang noon.

“Alam mo na bang buntis ang kaibigan mo?” Walang pakundangan na tanong ni Sundang, na labis na ikinabigla ni Leizl.

“Buntis? Sinong buntis?” Bilog na bilog ang mga mata ni Leizl, at walang sapat na salita para ipaliwanag kung paano nga ba siya nabibigla sa mga narinig niya.

“Hindi mo pa pala alam? Iyan ang mahirap, eh. Hindi niyo kaagad nalalaman na buntis 'yang kaibigan mo. Sayang naman, ang hinhin tapos nasa loob naman pala ang kulo.” Umiiling na saad ng babaeng bisugo.

May isang balita na naman ang naikalat ng wala manlang kahit na anong patunay. Kawawa naman si Laica, hindi pa nga nahahalikan naibalita na kaagad na buntis.

Ang Pangarap Kong Breakup ✔️Where stories live. Discover now