Chapter 10

50 9 1
                                    

Pasibol pa lamang ang haring-araw, ngunit ang chismosang si Leizl ay nais na kaagad na malaman kung ano nga ba ang naging usapan ng kaniyang kaibigan, kasama ang isang nilalang na hindi kayang ihalintulad sa isang tao. Simula kasi noong matapos ang simpleng salu-salo, lumabas ang dalawa upang makapag-usap, hindi naman na rin kaagad na nakasunod ang dalaga dahil nautusan ito na tumulong na magligpit.

Hindi naman na rin niya naalala na puntahan ang kaibigan sa labas, matapos na tumawag ang macho-guwapito na manloloko niyang jowa. Noong una, ang akala niya ay na-miss na siya nito, iyon pala ay paubos na ang load at kailangan na niyang sustentohan ang alagad ng mga punyetang manloloko na nabubuhay pa sa mundo. Dahil dakilang tanga at martir si Leizl, pinaloadan ang jowa niya, at wala na muling nakuha pa na tawag o text manlang.

"Maaga pa masyado, Leizel. Matulog na muna tayo," rekalamo ni Laica, matapos siyang yugyugin ng kaniyang kaibigan.

"Mamaya ka na lang matulog ulit. Hindi ba wala kang pakiramdam? Bakit ka naman inaantok?"

"Kung hindi ako aantukin, baka iba na nahithit kong gamot," sagot ni Laica at agad na itinaklob sa kaniyang mukha ang unan.

Pero mukhang ganito na lumaki si Leizl. Nabubuhay na lang para maging panggulo sa buhay ng ibang tao.

"Bumangon ka na. Magkukwento ka lang, ayaw mo pa. Parang tanga 'to." Hindi niya nais na tigilan ang kaibigan sa mga walang kwenta niyang itatanong.

Hindi kailan man matatapos si Leizl, kung hindi niya makukuha ang nais niyang kwento.

Mukhang hindi na rin naman kaya pang makatulog ni Laica, dahil sa kaibigan niyang kanin pa ang yugyog sa kaniya. Marahan na umupo si Laica at kinusot pa nito ang kaniyang mga mata.

"Anong naging usapan n'yo? Anong sabi no'ng deputa na 'yon?" Malawak ang ngiti ni Leizl habang ang mga mata niya ay bilog na bilog. Para siyang isang bata na nag-aabang ng isang malupit na kwento mula sa isang barbero.

"Wala naman, sinabi niya lang sa akin na kung seryoso na ba ako, dahil ang mga katulad niyang pogi, hindi mabilis magseryoso," sagot ni Laica, na bakas sa boses na bagong gising lang siya.

"Lah? Putangina! Kapal nang apog ng lokong 'yon. Poging-pogi sa sarili talaga. Ano namang sabi mo?" Pumapalakpak pa si Leizl, dahil sa tuwa niyang panlalait.

"Sabi ko, okay."

Matapos na magsalita ni Laica, itinulak niya ang kaibigan niya para lang umalis ito sa harapan niya. Matapos nito ay tumayo na rin siya. Mabuti na lamang at isang babae na hindi alam ang salitang iritado, ang naging kaibigan ni Leizl. Walang nagiging pakialam kung gaano kabalahura ang pag-uugali nito.

"Wala na? Okay lang ang sinabi mo?" Mukhang hindi pa rin natatapos ang dalaga sa kaniyang mga katanungan.

"Ano pa bang gagawin at sasabihin?Pumayag naman na siya sa gusto ko. Ibibigay ko na nga sa kaniya ang mga listahan at ipapaliwanag sa kaniya ang lahat," saad ni Laica. Isinabit din ng dalaga ang tuwalya sa kaniyang balikat.

"Ang boring naman. Akala ko naman may iba pa kayong pinag-usapan. Sabagay, kahit naman ako hindi na magtatagal makipag-usap do'n. Baka bigla pang matokhang sa sobrang pangit." Mukhang ganito magiging mas masigla ang buhay ni Leizl. Sa tuwing naglalabas siya ng panlalait sa kaniyang bibig, ang pakiramdam niya ay nagkakaroon naman ng sigla ang pagkatao niyang nalulugmok na hanggang sa kailaliman ng impyerno.

Hindi na lamang kumibo si Laica, hinayaan na lamang niya ang kaniyang kaibigan sa panay nitong salita. Para na itong isang makina na hindi natitigil sa pagbuka ng bibig. Mas mabuti pa nga ang makina, may naitutulong. Kaysa naman sa kaibigan niyang walang dulot. Sa panay salita ni Leizl, naghalo-halo na ang mga salita at kahit na isa sa mga iyon ay hindi na maintindihan pa.

Dinampot ni Laica ang kaniyang cellphone at agad na tiningnan kung naka-online nga ba ang kaniyang one-day-old na jowa-well, mukha naman din talagang kapipisang balut si Marvin.

Nang makita ng dalaga na online si Marvin, agad niyang tinawagan ito. Noong unang beses ay hindi ito sumagot. Kaya ang kaibigan niyang intermitida ay nangengeelam na naman. Nagbibigay ng walang kwenta niyang salita.

"Patay tayo d'yan. Ngayon pa lang ang unang araw na naging kayo na, hindi ka na kaagad pinapansin? Ano kayang gatas niya no'ng bata pa siya? Ang kapal masyado ng mukha eh, no?" Ito na naman ang mga makabuluhang salita na nagmumula sa isang taong walang dulot sa mundo.

"Baka naman may ginagawa kaya hindi niya kaagad nasagot." Pagtatanggol ng dalaga.

Dahil sa unang pagtawag pa lang ay walang nakuhang sagot si Laica, inulit na lamang niya itong muli, at sa pagkakataon na ito ay nasagot naman ang video call niya, ngunit ang nakita lang nila ay ang malapad na noo ni Marvin, na may tatlong tigyawat pa.

"Good morning my aringking-king," bati ni Marvin. Sa boses pa lang nito, mahahalata na kaagad na hindi maayos ang kundisyon nito.

"Tanginang call sign 'yan. Sino naman nag-isip na aringking-king?" tanong ni Leizl. Hindi niya mawari kung matatawa nga ba siya o maiinis sa narinig niya.

"Bakit? Maganda naman. Nababaduyan ka lang, palibhasa hindi ka tinatawag ng jowa mo ng ganiyan," bwelta kaagad ni Marvin, lalo pa at siya ang nakaisip nito. Noong gabi bago siya umalis at umuwi sa bahay nila, sinabi niya kay Laica na magiging mas maganda at sweet ang call sign na aringking-king. Kaya ngayon ay ito na rin ang itatawag nila sa isa't isa.

"Paano ba naman-"

"Bakit mo tinatago ang mukha mo? Ano bang nagyari sa 'yo?" tanong ni Laica, na siyang pumutol sa dapat na sasabihin ng kaniyang kaibigan. Ayaw niyang sumapaw na naman ang atribida niyang kaibigan.

"Hindi kasi maganda ang pakiramdam ko ngayon, kaya pasenya ka na kung hindi mo makikita mamaya ang kagwapuhan ko. Sorry kung hindi magiging buo ang araw mo, dahil hindi mo nakita ang inspirasyon mo para bumangon sa araw-araw. Sorry na, ito lang ako. Isang lalaki na sobrang pogi." Malungkot ang tono ng boses nito.

"Tangina sadboi, mukha namang abnoy," bulong ni Leizl, ngunit naging sapat naman upang marinig ng binata.

"Magpagaling ka na pala, para naman makapag-date na tayo, aringking-king ko," saad ni Laica na wala manlang kabuhay-buhay. Parang napipilitan na sabihin ang mga salita na ito. Dahilan para matawa si Leizl. Hindi na kaya ng dalaga ang kagaguhan na nangyayari sa paligid niya. Sa tagal nilang magkaibigan ni Laica, ngayon niya lang din narinig ang kaibigan niya na magsabi ng mga ganitong bagay. Doon pa sa mukha ng isang tao na hindi karapat-dapat na matawag na tao.

"Tumataas ang balahibo ko sa usapan niyo. Maligo ka na nga lang, Laica. Baka sakali na magising ka sa katotohanan. Mahabagin! Sana naman ay malinawan na ang kaisipan mo, Laica. Para naman matigil na ang sumpa ng isang engkanto." Umaalog pa ang balikat ng dalaga na tila ba may pandidiri sa kung ano ang kaniyang mga sinasabi.

"Sige na, aringking-king ko. Mukhang bitter na bitter na 'yang mukhang puwit ng ampalaya mong kaibigan. Kumain ka ng wasto, ah? Ayaw kong magutom ka. Ingat palagi, kapag malamig ang tubig, sabihin mo sa akin para pagalitan ko. Ingat ka palagi, mami-miss kita ng sobra, aringking-king ko."

"Sige."

Matapos na sabihin ng dalaga ang tipid niyang paalam ay pinatay na niya ang tawag.

Hindi mawari kung nais na nga bang masuka ni Leizl, dahil sa sobrang kajejehan ng usapan na iyon. Mamatay na rin ata siya sa sobrang cringe. Masyadong nakakadiri ang magiging tambalan nina Laica at Marvin. Ang aringking-king na tawagan, mukhang magpapasabog ng lahat nang sama ng loob sa pagkatao ni Leizl.

Ang Pangarap Kong Breakup ✔️Where stories live. Discover now