Chapter 36

26 7 0
                                    

Madilim na ang kalangitan ngunit mas madilim pa rin sa paningin ang mukha ni Marvin. Kakaunting ilaw lamang ang nagbibigay liwanag sa paligid habang ang ilan na bagong pakabit lang ng Mayor ay nagbabadya na ring mapundi.

“Paano ba ‘yan? Bukas na lang?” tanong ni Marvin.

“Sa susunod na babalik ako sa bahay niyo sana naman makilala ko na rin ang mga kapatid mo. Iisa pa lang ang nakilala ko,” saad ni Laica. Umabot na kasi sa pag-uwi niya ni hindi manlang niya nakilala ang mga kapatid ng binata.

“Sa susunod na lang. Hindi ko rin kasi alam na aalis sila.”

“Umalis ka na. Magkikita pa tayo bukas, hindi ba?”

Nagmumukhang pinagtatabuyan na ni Laica ang kaniyang nobyo, pero sa totoo ay ang gusto niya lang talaga ay ang makausap na ang kaibigan niya. Kahit na walang tao sa paligid, alam niyang malakas ang radar ni Leizl kaya alam na alam na nitong andito si Marvin.

“Good night. Matulog ka na, ha? Magagalit ako kapag nagpuyat ka pa.”

“Sana nanood ka na lang sa tiktok ng mga bagong pakulo sa pag-good night. Nagmukha ka kasing makalumang sadboi.”

“Alam mo ang dami mo na talagang natututnan d’yan sa kaibigan mong abnormal. Dapat kasi hindi ka nakikinig sa kaniya,” sagot ng binta na mas nilakas pa niya. Maging siya ay ramdam na naririnig ito ni Leizl ngunit hindi lang kumikibo para hindi masira ang usapan nila.

“Aalis na ako lahat-lahat, pero gusto ko pa ring makita ang mukha mo. Mami-miss kita.” Kalmado ang panahon katulad sa kung paano ba ito bigkasin ni Marvin. Para bang nagpapaalam na siya sa isang sandali ng buhay nila.

“Ang dami na ritong lamok. Good night. Mag-iingat ka,” saad ni Laica sa unang pagkakataon. Tuluyan na rin nilang narinig ang tunog ng gate na unti-unting binuksan ni Laica.

“Sige na pumasok ka na. Dito muna ako hanggang sa makita kitang nasa loob na.” Ipinakita pa ni Marvin ang kamay niyang itinuro ang gate.

Marahan na tumalikod si Laica, ngunit bago pa man sya tuluyang makapasok sa loob ay agad siyang lumingon at tumakbo palapit kay Marvin upang ang malalambot nilang labi ay magdikit. Hindi ito tumagal ng limang segundo, ngunit pang habang buhay ang ligaya na baon nito. Kahit walang droga ay mananatiling dilat ang mga mata ng binata hanggang kinabukasan.

“Good night.” Kasabay nito ay ang pagtakbo ni Laica papasok sa kanilang bahay. Napasandal pa siya sa likod ng pinto habang ang kamay niya ay nasa kaniyang dibdib at ang kaniyang labi ay may matamis na ngiti. Unang halik ang nagiging kabaliwang walang kapantay. Hindi naging espesyal ito katulad sa mga napapanood niya, ngunit katumbas pa ang pagkapanalo sa pagiging box office hit ng mga labi nilang magkadikit.

Ito na nga ang pag-ibig na nararamdaman nila?

“Anong nangyayari sa 'yo, Laica?” Isang boses ang nagputol sa imahinasyon ni Laica. Ngayon niya lamang napansin na gising pa pala ang buong pamilya niya at nagmimeryenda sila sa salas at kitang-kita nila kung ano ang naging reaksyon ng dalaga.

“Nakauwi na kayo?” tanong ni Laica at inayos ang pustura.

“Anong ibig sabihin no’n? Ngumiti ka?” tanong ng kaniyang ina.

“Parang po tita,” sabat ni Leizl kahit na hindi naman siya ang tinatanong. Malaki pa nitong kinagat ang hawak niyang tinapay.

“Saan ka ba galing?” tanong ni Myla.

“Kasama niya ‘yong mukhang lamok na lalaki,” sagot muli ni Leizl.

“Ikaw na kaya ang sumagot, Leizl?” anang ginang.

“Sure, tita. Ganito po kasi ‘yan. Si Laica totoong in love na kay Marvin. Tapos galing siya kanina sa doctor para itaong kung ano na ang nararamdaman niya at ang sabi sa kaniya kung magtutuloy-tuloy iyan ay magiging maayos na rin ang pakiramdam niya. Siya mismo ang gumagamot sa sakit niya,” kuwento ni Leizl.

“Tinotoo mo talaga na ikaw na ang sumagot?” Marahan na lumakad si Laica palapit sa mga magulang niya.

Sa mga oras na ito ay pinapaliwanag na ni Laica kung ano ba ang tunay na nangyari. Naging maayos naman na naunawaan ito nang lahat. Sa loob ng mahabang panahon na ganito si Laica, nagawa niya pa rin na mabago ang kung ano man ang hindi niya nagagawa noon. Unti-unti na niyang nararamdaman ang pagiging isang normal na tao. Hindi isang babae na wala manlang kahit na anong pag-ibig sa katawan.

Umamin na rin si Laica sa kung ano ang tunay na dahilan kung bakit niya naging nobyo si Marvin. Gusto niya sanang sabihin ito kapag kaharap na mismo ang binata, ngunit katulad sa pagmamahal niya para kay Marvin ay naging biglaan din ang lahat.

“Ano na ang balak mo n’yan? Itutuloy mo pa ba ‘yang balak mo? Sinasabi ko sa ‘yo, Laica. Ang pangarap mong ‘yan ang pinakamasakit na magiging parte ng isang buhay ng bawat indibidwal. Hindi pinapangarap ang isang masakit na karanasan. Maraming tao ang nakakaranas n'yan at hindi alam kung paano pa nila magagawang iahon ang buhay nila. Pero ikaw, gingawa mo na parang isang laro ang damdamin,” pangaral ng ama ni Laica. Kung nalaman niya lamang noon na ganito ang gagawin ng dalaga, malamang ay sa una pa lang pinigilan na niya ito.

Hindi na rin nakakibo pa si Leizl, dahil sa lahat siya ang tunay na may alam kung ano ba ang nais na gawin ni Laica.

“Magkikita ulit kami bukas at gusto kong sabihin sa kaniya kung ano na ba ang nangyayari sa mga plano namin,” sagot ng dalaga. Hindi pa man nagkakahulihan, nakaplano na sa utak niya ito simula pa lamang noong sinabi sa kaniya ni Marvin na magkikita silang dalawa.

Maraming pangyayari na wala na sa tunay nilang mga plano. Ang kailangan lang naman talagang gawin ni Marvin ay ang paibigin si Laica at saka siya saktan nito nang malala upang mas umayon na ang nararamdaman ng dalaga. Ngunit nag-iba ang ihip ng hangin. Hindi lamang kay Laica, dahil apektado silang dalawa dito ni Marvin. Sa muling pagsikat ng araw ay maaayos na nga ba nila ang isang usapin na parehas na gumulo sa mga utak at buhay nila?

Ang Pangarap Kong Breakup ✔️Where stories live. Discover now