Chapter 33

29 8 0
                                    

“Hoy, babae! Anong chika mo for towdeys bidyow?” Halatang pinaglihi sa chismosa itong si Leizl, malamang noong pinagubuntis siya ay tambay sa tindahan ni Aling Nena ang ina nito.

Hindi kaagad nakapagsalita si Laica, umupo lamang siya sa malambot na kama habang ang kaibigan niya ay abang na abang na. Nakalumbaba ito habang halos pasukan na ng bangaw ang bunganga sa pagkanga-nga.

Sa katunayan ay kanina pa atat si Leizl na tanungin ang kaibigan, pero kasama pa nila ang magiging main topic nila. Kaya nang umuwi na rin ang bida ng mga pabida ay nagmamadaling hinila ni Leizl ang kaibigan papasok sa kuwarto, para lamang marinig ang mga sasabihin nito. Hindi maaaring magkamali ang dalaga sa kaniyang nakita. Kahit na saglit lamang ang manipis na ngiti, nagpakita pa rin siya ng emosyon.

“Ano na?” tanog ni Leizl.

“Ayon na nga. Hindi ko rin alam kung bakit ba. Alam mo kanina, parang may kakaiba sa dibdib ko. Saglit lang 'yon, pero parang may pumutok atang ugat,” pagpapaliwanag ni Laica na hindi mapunto ang nais na sabihin.

Dahil sa narinig ng dalaga, agad siyang napatakip sa kaniyang bibig at napatalon kahit pa man mahina lamang ito.

“Bakit?”

“Makinig kang mabuti girl. Paano kung iyan na ang simula?”

“Simula ng ano?”

“Na magkakaroon ka na ng pakiramdam. Hindi ba ang sabi naman sa ‘yo ng doctor mo na may chance naman talaga?"

Natahimik silang dalawa ng ilang segundo, bago muling umintrada si Leizl. “Ano na ang balak mo? May sasabihin ka ba kina tita?” tanong nitong muli. Mukhang hindi na matatapos ang mga katanungan.

“Pupunta ako sa doctor ko bukas para sabihin ito sa kaniya. Ikaw, ‘wag mo munang sabihin kina mama o kaya kay Marvin, napaka-chismosa mo pa naman.” Itinuri ng dalaga ang kaibigan na ikinaatras naman nito. Daig pang main character sa mga pelikula kung umarte si Leizl, may nalalaman pang pahawak sa dibdib.

“Are you accusing me that I am gossiper? This is really hurts,” ani Leizl na mali-mali naman ang grammar.

“Sinasabihan lang kita. Gusto ko munang masigurado ang lahat bago ko sabihin kay Marvin,” paliwanag ni Laica.

“Pero ang galing no?” Pamamangha ni Leizl at marahan na umupo sa tabi ng kaibigan. “Paano nangyari na magkakagusto ka sa isang tukmol? I mean, kasi parang isa kang babaeng anak ni Bathala, habang si Marvin anak ng isang bahala na. Gets mo ba? Paano?” May paggalaw pa ng palad si Leizl na para bang tinitimbang niya ang napakalaking pagkakaiba ng dalawa.

“Hindi pa nga sigurado kung ano ba ang nararamdaman ko. Kaya gusto ko munang masigurado kung tama na ba ang iniisip ko. Kung sakali man, ako na ang magsasabi kay Marvin para mapag-usapan na namin ang gagawin naming breakup,” paliwanag ng dalaga.

Parang aso na display sa harapan ng jeep kung tumango si Leizl, may pataas pa siya ng kamay na ani mo’y tunay nga ang kaniyang sinasabi.

“Promise talaga hindi ko sasabihin kahit na kanino. Maniwala ka sa akin, please.”

“Oo na. Matutulog na ako, bahala ka na kung ikaw rin ba o balak mo pang kausapin ang jowa mo.” Habang sinasabi ng dalaga ang mga kataga na ito, nag-aayos na rin siya ng kaniyang paghiga.

“Hindi na. Tama nga ang sinabi sa akin ni Deputa. Hindi ako dapat nagiging tanga. Sapat na ang sampung beses– pang eleben na kasi to.” Hindi mawari kung kaya nga bang maging seryoso ni Leizl kahit na saglit lang.

“Narinig ko na 'yan ng eleven times. Kapag nag-text lang ‘yan matataranta ka na naman para bigyan siya ng load,” prangkahang wika ni Laica. Totoo naman talagang ilang beses na niyang narinig ang mga salitang binitawan ng kaniyang kaibigan. Sa bawat pagpapahiya sa kaniya ng nobyo, iyon at iyon lang din ang sinasabi ni Leizl. Palaging huli na to. Hanggang dito na lang ang lahat. Tama na. Mahalin ko naman ang sarili ko Baka hindi talaga sila ang para sa isa’t isa. Lahat na ata nang klase ng salita ay narinig na ni Laica, pero kahit ano doon ay walang ginawa ang kaibigan niya. Walang natuloy. Walang natupad at wala ni isa ang pinanindigan. Isang tawag lang ng jowa kapag may pangangailangan ay nawawala na lahat. Para siyang nangangako sa pampang, na kapag dinaanan ng alon ay basta na lamang nabubura.

“Seryoso na ako. Hindi na ako magpapauto sa kaniya.”

“Sa iba naman?” bira ni Laica.

“Grabe naman doon sa iba naman. Pwede naman din. Depende, pag-isipan ko muna.”

Mukhang ang buwan na ito ay para sa mga magugulong utak at damdamin. Lahat na lamang sila ay nag-iisp ng mga bagay kung ano ba ang dapat nilang gawin o kung ano nga ba ang maaaring mangyari. Pero isa lamang ang alam ni Leizl, tama ang mga binitawang salita sa kaniya ni Marvin.

Habang lumalalim ang gabi, mas lalo rin niyang naiisip kung ano na nga ba ang naabot niya sa buhay. Kung ano na nga ba ang mga napundar niya para sa sarili niya at sa magiging buhay niya sa hinarap. Ngunit sumampal sa kaniya ang katotohanan na kahit ang sarili niya ay wala na sa kaniya. Naubos na siya kasabay ng mga sabon na binibenta niya, na galing sa isang networking na pinangakuan siya ng 80k monthly income. Mukhang tunay ngang pinanganak si Lezil para may lapitan ang mga scammer, tulad ng jowa niyang scam ang pagmamahal.

Habang iniisip ito ni Leilz, ang kaibigan niya naman ay iniisip din ang ibang mga sensryo na kasama nito ni Marvin. Kahit ata ang albularyo ay hindi magagawang ipaliwanag kung bakit ba bigla na lamang naging ganito si Laica. Hindi lalabas sa tawas kung anong klaseng panggagayuma ang nagawa ni Marvin, para ang isang katulad niya ay magkaroon na ng pangarap niyang pakiramdam.

Kung tunay man ang iniisip ni Laica na nalalapit na ang araw nang kanilang breakup ni Marvin, ano na ang susunod doon? Ano na ang iba pang mangyayari? Masasaktan nga ba siya nang tuluyan? O sisikapin na lamang niyang huwag na itong ituloy pa?

Ang Pangarap Kong Breakup ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon