Chapter 30

50 10 1
                                    

"Marie dahil ikaw ang baby ko. Yuck! Ang baduy talaga ni Marvin kahit kailan." May pag-alog pa ng balikat si Leizl habang nilalantakan ang pagkain na dala ng binata. Mukhang kahit na anong pagkain na nasa harapan nito, masyado siyang masiba, walang papalagpasin. "Baby raw. Kadiri talaga... pota sana all," dagdag nito.

Habang panay ang dada ni Leizl na may halong panlalait at inggit, nanatiling tahimik si Laica habang nakatingin sa kaniyang cellphone. Kanina lang kasi ay magkausap silang dalawa ni Marvin, ngayon naghihintay siya ng reply nito. Mukhang abang na abang sa sasabihing kamaisan ng nobyo—opss ex; ex-boyfriend.

"Bakit naman sa dami ng p'wedeng ibigay niya, ganito pa? Kaiba 'di ba? Dapat hindi ganito. Parang baliw lang. Bobo talaga amputa." Hindi na natigil si Leizl sa mga sinasabi niyang wala naman ding kabuluhan. Wala na ngang ambag sa bahay, pati sa usapan 'di pa makapag-ambag. Kawawa naman na masyado ang tao na ito.

Sa ilang saglit na pag-aabang ni Laica, sa wakas ay tumunog na rin ang cellphone niya. "Nag-reply na siya." Napatayo pa siya dahil dito. Sa inaasta niya, nababakas na ang pagtataka sa mukha ng kaibigan niya. Muntikan pa ngang malunok ng buo ni Leizl ang Marie. Sana natuloy.

"Nag-reply na si Marvin," ulit ng dalaga sa sinabi niya kanina.

"Bakit parang atat ka na makita ang pangalan niya sa messenger mo? Anong ganap?" Mula pa pagkakasalampak ni Leizl sa sahig ay napatayo siya upang silipin ang chat ni Marvin, ngunit hindi siya pinahintulutan ng kaibigan na mabasa ito.

"Sugapa naman nito sa chat. Ano bang sabi ni tukmol?"

"May date kami sa mall."

"Talaga ba? Magbihis na pala tayo—"

"Kami lang. Hindi niya sinabi na tayong tatlo."

Dahil sa salitang ito, halos lamunin ng lupa si Leizl. Para siyang isang bata na hindi isasama kumain sa Jabee. Laglag panga na nakatingin sa kaibigan, kahit pa man malambot na ang Mare hindi niya ito manguya.

"Kayo lang? Sure na 'yan? Kayo lang talaga dalawa gagala sa mall? Hindi niyo ako isasama? Magdadabog ako sige ka. Sabihin mo gawa." May pagmamakaawa at paghahamon sa mukha ng dalaga. Hindi niya alam kung madadala nga ba niya ang kaibigan niya sa ganitong paraan.

Umiling si Laica. "Matulog ka na lang muna, para paggising mo..."

"Paggising ko ano?"

"Nakauwi na kami."

"Apakasama ng ugali niyo. Hindi niyo manlang ako isasama. Sige okay lang, sino ba naman ako para isama, 'di ba? Gagi ako lang naman si Leizl. Sino bang ibang magmamahal sa akin kundi ang sarili ko. Ghe, sana maging masaya ka na sa piling niya. Hayaan mo na lang ako mag-isa rito sa bahay. Ako lang mag-isa. H'wag ka makonsenya, huh?" Humalukipkip ang dalaga at padabog na umupo sa kama. Para bang may kung anong bumabarang tinik sa puso niya. Iisipin pa lang niya na maiiwan siyang mag-isa sa bahay nalulungkot na siya. Tapos sina Laica at Marvin nasa mall.

"Biro lang. Ayan ang chat ni Marvin, kasama ka raw kahit na labag sa kalooban niyang makita ang nakakbwisit mong mukha. Kahit na para kang demonyo na sumusunod sa amin." Inilahad ni Laica ang phone niya sa nagtatampong mukha ng kaibigan. "Isa pa, 'wag ka na magtampo, mukha kang tanga. Hindi bagay sa yo." Wala talagang preno ang bibig.

"Oo na sasama na ako, kasi ikaw eh. Sabi mo hindi ako sasama. Simpe lang susuotin ko ah. Pahiram ako ng damit mo, 'yong binili natin sa mall nakaraan. 'Yong parang may gold sa laylayan na dress." Wala na atang kahit na anong bagay ang magpapanipis sa kaylo ng mukha nito.

"Akala ko ba simple lang? Parang ikaw ang may date. Isa pa hindi ko pa 'yon nagamit."

"Ako na ang gagamit para sa 'yo. Minsan lang manghiram eh."

"Anong minsan? Panty ko kaya ang gamit mo ngayon."

"Oo na. Maligo ka na, aayusan pa kita. Basta kapag binilhan ka ni Marvin ng pagkain, sabihin mo hindi ka kakain hanggat hindi ako kumakain. Para naman ilibre niya rin ako." Inilapat ni Leizl ang kaniyang kamay sa bibig ng kaibigan para lamang hindi na ito makasagot sa sinabi niya. Paladesisyon naman masyado si Leizl, palibhasa ay hindi nararansan ang libre.

Gumagalaw ang oras, kaya mas minamadai na rin nila ang pag-aayos. Katulad nga ng sinabi ni Leizl, ginamit niya ang bagong damit na binili ng kaibigan niya. Hindi naman na nakaapila pa si Laica, dahil daig pa nilang magkapatid na ang damit ng isa, ay siya namang damit din ng isa. Naglagay lamang ng kakaunting kolorete si Laica. Ang pilik-mata niya ay ikinulot at nilapatan ng mascara. Inayos naman ni Leizl ang kilay ng kaibigan, para daw magmukha itong supistikada. Para bang  rich tita sa isang family reunion na may kasamang jowa na bano. Ang labi naman ni Laica ay nilapatan ng manipis na lipstick. Naka-braid ang itaas ng buhok at lugay naman sa ibaba. Nakasuot din siya ngayon ng isang simpleng sleeveless dress na kulay peach. Mas lalong lumitaw ang maputi niyang balat.

"Nagbunot ka ba ng buhok sa kili-kili? Tara, tanggalin muna natin."

"Nakatanggal na noong nakaraan pa. Hindi naman mabilis tumubo ang buhok ko sa kili-kili. Mas mabilis pa nga tumubo ang utang mo," sagot ni Laica.

"Tinatanong ko lang. Baka kasi pagtaas mo ng kili-kili mo, alam mo 'yon? Mas nakakatakot pa sa itsura ng jowa mo. Pero sige ikaw bahala, nasaan na ba si Deputa?" Mas atat na pala ngayon ang chaperon kaysa sa mismong may ka-date.

"Nasa labas na raw siya. Hinihintay lang tayo na lumabas." Marahan na napatayo ang magkaibigan at kinuha ang kanilang mga bag. Hindi na rin sila nag-aksaya pa ng oras, lumabas na rin sila at siniguradong naisarado ang pinto at ang mga bintana. Baka kapag nagkataon ay wala na silang bahay na uuwian.

Sumapit na ang muling pagkikita ng dalawang tao na mas marupok pa sa kahoy. Tamang self-love pero mas nais ang landian. Comeback is real.

Ngunit may isang nakakapanabik na kaganapan. Sa unang pagkakataon sa tana ng buhay ni Laica, ito ang araw na naramdaman niya ang isang hindi maipaliwanag na bagay sa kaniyang dibdib. Nang sandalling mabaling ang tingin niya kay Marvin, may biglaang pagpitik sa dibdib niya na sandaling nagpatigil sa kaniyang paghinga. Ano ba ang ibig na sabihin ng bagay na ito? Tila ba nagiging mas mabagal ang pagkilos ng lahat, habang ang atensyon niya ay nasa lalaking kahit pangit ang mukha, nagpapaganda naman ng mundo niya.

Alam ni Laica na hindi na normal ang mabilis na pagpitik na nagmumula sa dibdib niya. Ito na nga ba ang pag-ibig na sinasabi ng marami? Nakakaramdam na siya? 

Ang Pangarap Kong Breakup ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon