Chapter 26

37 11 0
                                    

Naghahalo na ang liwanag at dilim, sa kulay kahel na kalangitan. Natatanaw ang malapit na ring paglubog ng araw. Mukhang naging kasanayan na rin ng mag-jowa ang tumingin dito. May namumuo na ring luha sa mga mata ni Marvin habang nakikita niya ang ganda ng kalangitan. Ngunit hindi niya alam na hindi lang luha ang mamumuo mamaya, pati na rin sama ng loob.

“The moon is beautiful, isn't it?” Ibinaling ni Marvin ang tingin niya sa pinakamagandang mundo sa bung kalawakan niya.

Hindi umalis ng tingin si Laica sa kalangitan. “Wala pang moon. Hindi pa nga tuluyang lumulubog ang araw,” sagot nito.

“Dapat ang sasabihin d'yan, I love you too. Kahit walang makitang moon, 'couz you are my moon and only. Aguy! Boom kilig!” Aakalain mong isang rakista ang binata dahil lang sa pagkumpas ng mga kamay niya. Ngunit sa oras na ito, siya lang ang masaya. Nanatili ang pagiging malamig ni Laica.

“Anong problema Aringking-king ko? Bakit ang cold mo na sa akin? Ay, cold ka na pala dati pa, kaya nga hinahanap mo ang hot na tulad ko, just to melt your ice ice heart.” Hinagod ni Marvin ang buhok niya pakaliwa at ang mapupungay niyang mga mata ay ipinakita niya. Pero sad'yang hindi niya makuha ang atensyon ng nobya. Hindi pa rin inaalis ni Laica ang tingin niya sa langit.

“Parang ngayon ka lang nakakita ng sunset, ayaw mo na alisin ang tingin mo. Nagseselos na ako.”

“Ang ganda ng langit no?” tanong ni Laica.

“Alam ko naman, pero mas—“

“Mas maganda kung pupunta ka na d'yan,” salitang pumutol sa dapat sasabihin ni Marvin.

May pag-aalangan na sa ngiti ng binata. Hindi na abot ng utak niya ang mga sinasabi ng jowa niya. Hindi maintindihan ang mukha ni Marvin—kahit naman kailan hindi maintidihan ang hulma ng mukha nito. Hindi na niya alam kung ano pa nga ba ang nagawa niya para maging ganito si Laica. Alam niya na may kakaiba sa mga oras na ito, dahil kanina, habang papunta sila rito ay hindi yumakap sa kaniya ang dalaga. Yari na! Mukhang isa na rin si Marvin sa mga kalalakihan na hahanapin kung anong pagkakamali ba ang nagawa niya.

Walang pagkakaiba talaga ang pakikisama sa mga babae. Mukhang noong ginagawa ang mga ito, mas naparami ang naibuhos na katopakan. Ika nga sa kasabihan na nagmula pa sa lolo ng lolo nang kaloloan ni Kopong-kopong;  birds of the same feather, always have a high mood wings together. Well, ang makakapagpaliwanag sa kasabihan na 'yan ay ang girls lang.

“Umuwi na tayo, malapit na ring gumabi, baka hanapin ka na ng mga magulang mo,” ani Marvin. Pinipilit na lang niyang ibahin ang mga kaganapan, pero mukhang huli na ang lahat.

“Uuwi ako mag-isa. May sasabihin lang talaga ako kaya kita sinamahan dito." Sa wakas ay nagawa na rin nitong ibaling ang tingin sa nobyo niyang na halos mamatay na sa nerbyos. Kape pa Marvin.

Pinunasan ng binata ang malalaking butil ng pawis na nasa noo niya.

Yari Marvin! Iyak later!

“Anong sasabihin mo?” Ipinakita ng binata ang matamis niyang ngiti.

“Makikipaghiwalay na ako sa 'yo. Hahanap na lang ako ng iba,” saad ng dalaga. Deretsyo at wala nang ligoy-ligoy noong sinabi niya ang mga salita na ito.

Halos sumayad na sa lupa ang bibig ni Marvin dahil sa kaniyang narinig. Ang mga mata niya ay halos lumuwa na. Hindi na umaayon ang utak niyang kakarampot dahil lang sa mga narinig niya. Hindi pa siya handa, paano magkakaroon ng breakup kung kahit nga monthsary eh wala pa silang pinagdiriwang? Pain.

“Each a prank ba ulit 'to? Ginagawa mo na rin bang–“

“Hindi.” Salitang yumanig sa mundo ni Marvin. Ang mga ngiti niyang pilit kanina ay tuluyan na ring nawala.

Mukhang ang dapat niyang pagyanig sa mundo ng dalaga, sa kaniya na napunta. Lumbay.

“May nararamdaman ka na ba?”

“Wala.”

“Hindi mo na gustong makaramdam?”

Mariin ngunit saglit na napapikit ang dalaga, bago pa man ito sumagot, “alam mo na 'yon kung bakit. Aalis na ako. Bahala ka na sa buhay mo.”

“Luh, teka lang ah. Anong maling nagawa ko? What's wrong with my ano... my ano. Pero hindi nga, ano bang nangyari? Kasama ba 'to sa nakasulat do'n sa binigay mo? Di ko matandaan. Kasama ba?” Agad niya namang hinawakan si Laica sa kamay para hindi na ito basta makaalis.

"Kailangan na nating maghiwalay. It's not me, it's you.”

“Alam ko na. Nagpapalambing ka lang no? Aguy, ang aking Aringking-king nagtatampo. Wag na galit, ah? Kiss ako. Halika dali, kiss na lang kita.” Tumulis ang nguso ni Marvin, ngunit katulad ng eksena sa parke, hinarang din ni Laica ang kamay niya at ito ang nahalikan ni Marvin.

“Hindi na ako magpapayanig ng buhay ko sa 'yo. Tapos na tayo dahil may iba ka nang niyanig.” Ito ang mga huling salitang binitawan ni Laica bago siya sumakay ng tricycle. Habang ang binata naman ay naiwan lamang na nakatayo mag-isa.

Kasabay nang paglubog ng araw ay siya naman ding pagkalugmok ng binata mula sa isang pangyayari na hindi niya maintindihan. Umiihip ang hangin na siyang yumayakap sa pagkatao niya. Naiwang tulala at hindi alam ang dapat na gawin. Iniisip kung ano ba ang tinutukoy ng nobya niyang nayanig niya. Walang maisip, dahil wala naman talaga siyang isip.

Nakakaawang nilalang. Naiwan mag-isa sa gitna ng maganda sanang eksena. Uuwi siya ng mag-isa kahit na ang dalang helmet ay dalawa.

Ang Pangarap Kong Breakup ✔️Where stories live. Discover now