Chapter 31

25 10 0
                                    

Unti-unti nang nararamdaman ng manipis na balat ni Laica ang lamig na dulot ng aircon. Kung susumahin ay higit isang oras na rin silang naglilibot; kanina pa rin ang daldal ni Leizel na normal lang naman sa kaniya, habang ang kaibigan niya ay tahimik lamang.

“Leizl, dito ka muna sa labas ha? Baka gusto mo maglibot muna?” Marahan na naglakad ang tatlo hanggang sa tuluyan na rin silang napatigil.

Bakas sa mukha ni Leizl ang pagtataka. “Bakit? Ako lang mag-isa?” tanong niya.

Bago pa man makasagot ang binata, napalingon siya sa kaniyang likuran kung saan nakatapat sila sa Mcjollydo. “Kakain muna kami, maglibot ka na lang muna ha?” wika ng binata.

“Shuta! Pangit mo ka-bonding eh no? Ang sama na nga ng mukha mo, dinamay mo pa ugali mo. Isasama niyo ako sa date niyo, tapos iiwan niyo ako kapag kakain na?” Kung ihahalintulad sa isang bata na nagda-drama, baka napektusan na 'to ng kaniyang ina.

“Kumain ka naman na kanina ‘di ba?” tanong ni Laica. Sa totoo lang, pagbibiro lang ito sa kaibigan niya. Paano ba naman, kanina pa sila gumagala, panay ang pabili niya ng pagkain at milktea. Mas marami pa nga ang nakain ng tsaperon kumpara sa mismong inaya ng date.

“Sige okay lang, ‘di ba nga, sino ba naman ako para ayain kumain sa labas? Gagi ako lang ‘to oh, si Leizl.”

“Biro lang, sige na pumasok na tayo sa loob mukha kang tanga sa ginagawa mo,” aya ni Marvin na may mahinang pagtawa.

Habang lumilipas ang oras, ang utak naman ni Laica ay hindi mapakali. Gusto na niyang malaman kung bakit nga ba bigla na lamang din siyang nakaramdam nang kakaiba sa kaniyang puso. Paano ba nangyayari ang ganoon, kung alam niyang ni minsan noong bata pa siya ay hindi niya naman talaga nadama?

“Pansin ko na kanina ka pang tahimik? May problema ba?” tanong ni Marvin, nang makaupo na ang dalaga sa napili nilang puwesto. Malapit lang ito sa bintanang salamin kung saan tanaw na tanaw nila ang mga tao na nasa labas.

“Hindi ka pa nasanay sa kaniya, alam mo naman na taimik talaga siya paagi,” sabat ni Leizl, na kulang na lang ay maging spokesperson na lang ng kaibigan.

“Hindi naman, wala rin akong masasabi,” dipensa ni Laica sa sarili.

“Tutal ikaw naman ang ililibre namin, ikaw na mag-order. Ayusin mo ah. Yung kasyalang ang 300 pesos. Allowance ko pa ‘yan sa buong lingo.”

“Ang kuripot naman. Oo na lang.” Umikot pa ang mga mata ni Leizl nang hablutin ang hawak na limang-daang piso na pera ng binata.

Habang nag-uusap ang dalawa sa kanilang kukunin na order, si Laica naman ay daig pang main character sa isang TV commercial. Nakatulala lang sa labas, habang pinagmamasdan ang mga tao na wala naman ding pakialam sa kaniya. Natigil lang ang kaniyang pagtitig matapos niyang maramdaman ang paghaplos ng makalyong palad ng nobyo sa kaniyang makinis na kamay. Marahan niyang tiningnan ang kamay ni Marvin na lumilitaw ang kaitiman sa mapusyaw na balat ng nobya. Gumapang ang tingin ni Laica paakyat sa mas nakakatakot na parte; ang mukha ni Marvin.

“Ibig bang sabihin nito makikipagbalikan ka na sa 'kin?” tanong ng binata. Mas speed pa siya kay flash kung magtanong. Para bang hinihintay lang na lumayo ang kaibigan ng dalaga. Kumbaga, tunay na panggulo ang balahurang si Leizl.

Hindi nagsalita si Laica, marahan lamang ang kaniyang pagtango na ang ibig sabihin ay sumasang-ayon nga siya. Dahil dito, ang ngiti ng nobyo ay halos umabot na sa tainga dahil sa tuwa na nararamdaman nito. Nagdiriwang ang mga maliliit na daga sa kaniyang dibdib. Hndi man magawang maamin ni Marvin na tunay na ang nararamdaman niya. Mas nakakatakot pa pala ang magmahal ng babaeng alam niyang hindi siya mamahalin, kaysa ang magsaing sa rice cooker at hindi mapindot.

Nagtangka si Laica na ibuka ang bibig upang magsalita at ipabatid sa nobyo ang naramdaman niya kanina, ngunit napukaw ang atensyon nila sa isang malakas na pagbagsak ng mabigat na gamit. Agad silang napatingin sa gawi kung saan nanggaling ang ingay, at sa pagkabigla ay nakita nila si Leizl, habang nasa harapan ng dalawang tao. Nang maaninagan ni Laica kung sino ang lalaki, agad s'yang napatayo.

“Sino ‘yon?” tanong ni Marvin na sumusunod sa nobya niyang patungo sa kinatatayuan ng kaibigan niya.

“Ano ba talaga ang problema mong babae ka? Ilang beses ko bang sasabihin sa ‘yo na wala na nga tayo. Tapos na ako sa ‘yo, mahirap bang intindihin d’yan sa makitid mong kokote na ayaw ko na? Napakabobo mo naman, Leizl!”

Nakakamanhid ang bawat salitang lumalabas sa bibig ng nobyo ni Leizl, kahit na hindi si Marvin ang sinasabihan nito, nararamdaman naman niya. Marahan na napatingin ang binata sa kaibigan ng nobya niya, hawak naman na ito ngayon ni Laica at pinapatigil na ito. Sa pagkakataon na nakikita ni Marvin ang ganitong eksena, pumasok sa kaniyang kaisipan ang ugali ni Leizl, maaaring ito ang tuny na dahilan. Pero bakit ba ayaw pa rin ng dalaga na tumigil kahit na ilang beses na siyang pagsalitaan nang masama ng karelasyon?

“Maaayos pa naman natin ‘to, mapapatawad pa kita,” pagmamakaawa ni Leizl, nagtangka pa siyang lumuhod pero inawat siya ng kaibigan niya. May ibinulong pa ito sa kaniya na hindi alam ng binata kung ano. Nakakabigla ang bawat pangyayari, ang kaninang biruan at asaran nila, may kapalit palang mas higit na masakit. Nakuha nila ang atensyon ng lahat, kaya ang bawat tao sa paligid ay may nakatapat na camera sa kanila.

Hanggang sa nakaalis ang dalawa sa harapan nila, hindi nakapagsalita si Marvin. Hindi niya alam kung ano ba ang dapat niyang sabihin, pero alam niya na may kailangan siyang gawin. Kahit na palagi silang nag-aaway ni Leizl, gusto ng binata na makausap ito.

May ganitong klase pala ng pag-ibig. Handang mawala ang lahat sa sarili para lamang sa isang tao na tinuturing lamang siyang basura. Ito ang mga kataga na nasa utak ngayon ni Marvin. Isang klase nang pagmamahal na mas nakakatakot pa sa lahat.

Ang inis ni Marvin kay Leizl ay napalitan na nang awa. Kahit pala ang ganitong klase ng babae, may pinagdaraanan palang mas mahirap na sitwasyon.

Ang Pangarap Kong Breakup ✔️Where stories live. Discover now