Chapter 11

46 11 0
                                    

Ikagagalit nga ba ng lagnat kung mas hot si Marvin?

Sa loob ng maliit na kwarto. Ilang patong na kumot na ang nakabalot sa katawan ng binata, dahil mas masama pa sa mukha niya ang kaniyang pakiramdam sa mga oras na ito. Dahil na rin sa nararamdaman niyang lagnat ngayon, hindi siya makapasok sa trabaho.

"Sinasabi ko na nga ba. Baka naengkanto ka na naman dahil kahapon nakangiti ka kahit walang dapat ingiti. Ngayon naman nilalagnat ka na. Mamaya talaga magpapatawas ako, para mawala na yang sakit mo," saad ng nanay ni Marvin. Kanina pa rin siya naglalagay ng basang tela sa noo ng kaniyang anak.

"Gagaling naman na rin po ako bukas, ganito naman ako magkasakit," ani Marvin.

"Hindi ka naman sakitin noon, hindi ko alam kung bakit sa loob ng isang buwan na 'to, panay ka na lang lagnat. Hindi kaya dahil sa kaseselpon mo 'yan?"

Simula noong bata pa si Marvin, kaibigan na niya ang mga germs–halata naman din sa mukha niyang kinakaibigan ng germs. Kaya hindi ito madalas na magkasakit. Kung kailan naman naging binata na ito, saka naman siya dinadapuan ng kung anong sakit na hindi kayang basta lang ipaliwanag ng siyensa. Kaya ngayon ay lalapit na ang kaniyang ina sa isang albularyo, baka sakali na  mahanap ang kasagutan sa tanong kung bakit makapal ang mukha ni Marvin–oww... kung bakit siya nagkakasakit na lang basta.

"Baka kung ano lang mga iniisip ko kaya ako may sakit. Sige nay, ayos lang ako. Pahinga na muna kayo, mas kailangan niyo 'yon," saad ng binata at ibinahagi niya ang matamis niyang ngiti.

"O siya, sige na at matulog ka na. Magpapasama na lang ako kay kumare na magpatawas, para naman malaman kung anong sakit mo." Marahan na tumayo ang ginang habang ang tingin pa rin nito ay nasa kaniyang anak, na mukhang suman na expired dahil sa dami ng nakabalot na kumot. Mukha na rin siyang mummified na zombie. Imagine, wala pa siyang sakit ay pangit na siya. Paano pa kaya ngayon?

May kaunting paalala lang ang nanay ni Marvin, para sa kaniya. Pinainom na rin naman ito ng gamot para lang bumaba ang lagnat nito.

Nang mag-isa na lamang muli si Marvin sa kaniyang kwarto. Dahil alam niya na ang lagnat na ito ay dulot lang din naman ng kilig niya kay Laica, noong gabi na magkasama silang dalawa. Mukhang tumaas ang artapresyon ng malandi niyang blood cell, kaya ngayon ay naghihirap na siya sa lagnat na inabot niya. Buti nga!

Gusto naman din talaga ng binata na pigilan ang kaniyang sarili na huwag mahulog sa isang babae na hindi naman din siya magugutuhan, pero ano nga bang magagawa kung ang mga gwapo ay nagmamahal ng mas tunay pa sa totoo?

"Online kaya ngayon ang aringking-king ko?" tanong ni Marvin sa kaniyang sarili. Kaya sa halip na mamahinga na—este, magpahinga na siya, nakuha pa niyang buksan ang kaniyang cellphone at sinubukan na mag-chat kay Laica. Pero noong naipadala na niya ang mensahe, saka naman naging active 2 seconds ago. Aw. Sad. Pain. Deserve ang pighati.

"Walang reply. Okay lang. Bakit, sino ba naman kasi ako para replayan niya?" Umaarangkada na namang muli ang kaniyang pagigig sadboi, na ang sabi nga ni Leizl ay mas nakakadiri pa sa yuck.

Wala nang maisip na gagawin ang binata, lalo pa at hindi naman din niya makuha ang antok na nais niya. Gusto man niyang matulog, pero may bumabagabag sa utak niya sa tuwing ipipikit niya ang mga mata niya.

Sa patuloy niyang pagiging tulala sa kawalan, bigla na lang pumasok sa utak ng binata ang mga sinabi sa kaniya ni Laica. Ang kaunting paliwanag nito kung bakit nga ba niya kailangan na mapaibig nang bongga at wagas si Laica.

"Alexithymia."

Salitang bigla na lang din lumabas sa bibig ng binata. Kaya sa halip na magpaka-sadboi at maghintay ng magiging sagot ni Laica sa chat niya. Ginamit na lang niya ang natitirang MB ng internet niya para hanapin kung ano ba ang klase ng sakit na 'yan.

Nagsimula siyang manood ng mga vlogs, mula sa YouTube na magpapaliwanag sa sakit ni Laica. Gusto rin malinawan ng binata kung paano niya nga ba maaaring pakitunguhan ang isang tao na katulad ni Laica.

Habang unti-unti na ring naiintindihan  ni Marvin ang lahat, lalo niyang nais na tulungan si Laica.

"May apat na klase pala ng Alexithymia? Saan ang kay Laica rito? Sana ito na lang State Alexithymia. Para naman may paraan pa para lang magkaroon siya ng emosyon." Nakakunot pa ang noo niya habang binabasa nito ng isang article. Dahil dito ay mas lalo siyang naging interesado kay Laica, at sa kung paano nito maaari na maipalabas ang emosyon ng dalaga.

Ang State (temporary) Alexithymia, ay nagkakaroon pa ng paraan upang magkaroon ng emosyon ang isang tao na mayro'n nito. Sa pamamagitan lamang ng kung ano ang nais ni Laica na gawin. Kailangan niyang makaranas ng isang stressful situation. Kaya sa punto na ito, mas lalong naintidihan ni Marvin kung ano ang tunay na hangarin ni Laica, kaya gano'n na lang din kadesedido ang dalaga.

Nanatiling tahimik si Depogi, habang binabasa nito ang ilan pang tungkol sa mga tao sa mayro'ng Alexithymia. Ngayon lang din napagtanto ng binata na may ganito ngang klase ng sakit na hindi lang basta nalulutas ng kahit na anong gamot.

Isa rin sa nasa utak ni Marvin ay kung ano nga kaya ang magiging resulta kung magagawa niyang magkaroon ng isang damdamin ang taong simula pa lang pagkapanganak ay wala na nito? Isa nga bang kamangha-mangha ang ganitong bagay? Na may isang tao na walang kahit na anong nararamdaman na sakit sa puso? Na walang kahit na anong nararamdaman na emosyon sa mga nasa paligid niya?

Pero nakakatawa lang ding isipin, na ang mga tao na katulad ni Marvin ay pinapangarap na maging isang manhid. Samantalang ang isang manhid ay gusto magkaro'n nang pakiramdam. Sa mundo, palagi nga talagang taliwas kung ano ang nais ng isa, at kung ano ang wala sa kaniya na hindi naman din gusto ng taong mayro'n nito.

Pantay na ibinigay ang pagkakaiba, pero mas nananaig pa rin palagi ang kagustuhan na piliin ang wala sa kanila.

Ang Pangarap Kong Breakup ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon