Chapter 27

40 9 0
                                    

Labis na nasaktan ako
Sa mga alaala
Kahit na habulin ka
Kahit na pilitin pa
Wala na ba akong pag-asa pa~

Awitin na kanina pa sinasamsam ng binata sa loob ng kaniyang maliit na silid. Ang kanta na ito ay nagmumula sa kapit-bahay nila na may videoke. Nakikisabay lamang siya sa drama, dahil ika nga sa bagong kasabihan, "don't suffer in silence, dapat may magandang backgroud music." At ito na nga ang ginagawa ng binata.

"I never did wrong. Grammar ko lang ang mali, pero hindi ang pagmamahal ko," saad nito sa sarili. Ilang saglit pa ay tinungga nito ang Vitamilk na akala mo ay nakakalasing ito. Sa tabi niya ay may tatlong bote na wala ng laman. Ito ang kasangga niya sa kalungkutan, hindi lang basta background music, dapat may tinutungga rin.

"Hindi pa ba naging sapat sa kaniya ang kagwapuhan ko? Kung hindi lang din kami ang magkakatuluyan sa huli. Kawawa naman siya," dagdag nito habang ang palad niya ay nakatakip sa kaniyang mga mata.

Simula pa kanina ay iniisip na niya kung may kasalanan ba siyang nagawa, dahil ang isang kasalanan lang naman niya ay ang ipanganak siyang gwapo, wala ng iba pa. Hindi niya nagawang magloko, dahil ang mga tunay na gwapo, iisang babae lang ang minamahal. Owss?

"Kapag hindi talaga siya nakipagbalikan sa akin magdadabog talaga ako araw-araw."

Hindi na natapos ang pighati ng kaniyang puso. Hindi na talaga ito matatapos hanggat hindi niya alam ang tunay na dahilan kung bakit ba bigla na lamang makikipaghiwalay sa kaniya ang kaniyang mahal. Kasisimula pa nga lang nila, hiniwalayan agad siya nito. Hindi 'yon maaari, lalo na at palaging lumalabas sa facebook na bagay sina M at L. Initial pa lang halatang mapaglaro na.

Habang nasa kalagitnaan ng pagda-drama ang binata, may kumatok sa pinto. Panira din ng moment kung sino man 'yon. Pabagsak na ang luha niya, sayang naman kung umatras lang.

Nakaupo sa sahid ang binata habang ang likod niya ay nakasandal sa higaan. Nilingion niya ang pinto, at kahit na wala siyang abiso ay bumukas ito.

"Kuya kumain ka na raw sabi ni mama," aya ng kapatid niyang si Jun-nasa edad sampu na ito. May katabaan at kahit na paano ay nakalamang naman sa mukha ni Marvin. Mabuti na lang at naputol agad ang sumpa banda kay Marvin, di na umabot pa sa iba.

"Hindi ako kakain, wala akong gana," sagot nito. Mababa lang din ang tono ng boses niya.

"Hala, ikaw pala kumuha n'yan ah." Sa halip na umalis na ang bata lalo itong pumasok sa loob at sinipat ang iniinom ng binata.

Itinaas naman sa ere ni Marvin ang iniinom nitong Vitamilk. "Ito? Nakita ko kanina sa tabi ng lababo, babayaran ko na lang mamaya. Lumabas ka na muna."

"Ikaw lang pala kumuha n'yan. Alam mo bang kanina pa hinahanap ni mama 'yan? Pinatabi lang ni Aling Tes 'yan, dahil baka raw inumin sa bahay nila. May gagawin daw siya d'yan, e. Sinisi pa ni mama 'yong duwende sa bahay natin na nagtatago ng gamit. Ininom mo lang pala. Pati duwende napagbintanagan pa," kuwento ng bata na hindi mawari kung may panunukso nga ba sa boses nito.

"Babayaran ko na lang mamaya. Lumabas ka na, ayaw ko kumain,"

"Saka pala kuya wag ka mag-drama mas'yado at umiyak, ang pangit mo kasi, kaya ka iniiwan." Umiiling pa si Jun habang sinasbai niya ang mga salita na ito. Hindi na rin niya hinintay pa ang sasabihin ng kuya niya, dahil lumabas na siya ng kuwarto, ngunit narinig pa ni Marvin ang sigaw nito.

"Ma hindi raw po kakain si kuya, umiiyak siya doon sa k'warto. Nakipag-break ata ang jowa niya sa kaniya. Siguro nauntog 'yon at nakitang ang pangit ni kuya!"

Mukhang hanggang sa loob ng bahay nila, walang nagiging takas ang binata sa mga panunukso. Pero kahit na gano'n ang narinig niya, hinayaan na lang ito.

Naniniwala kasi si Marvin sa kasabihan na; walang mas hihigit na sakit sa pagkikipaghiwalay ng babaeng labis na mahal. Puro na lang walang kuwentang kasabihan. Ano ba 'yan!

"Ano kayang nakita niyang dahilan? Dahil ba mabaho ako?" Inamoy nito ng sarili. "Hindi naman ah. Naliligo naman ako palagi," dagdag nito.

Hanggang kailan nga ba niya hahanapin sa kaniyang sarili ang kakulangan niya? Kung alam niya sa sarili na ang lahat sa kaniya ay sobra? Sobrang guwapo, sobrang mabait, sobrang mapagmahal at higit sa lahat ay sobrang makapal ang mukha.

"Ano kaya talagang problema niya? Baka may regla lang siya? O baka National topakin day ngayon ng mga babae? Hirap naman spelengin ng mga babae talaga," problemadong saad ni Marvin sa sarili. Wala na siyang ibang magagawa kundi ang kausapin ang sarili. Wala naman siyang kasama sa kuwarto, maliban na lang kung may multo man sa kisame nila, o ang duwende na palaging sinisisi ng nanay niya kapag may nawawalang gamit.

Ito na nga ba ang katapusan ng kanilang love story? Ito na nga ba ang unang kabiguan ni Marvin? Kung kailan na dapat siya ang manyayanig ng mundo, ang kaniya ang nayanig?

"Bakit ba kasi siya makikipaghiwalay? Ang sabi niya okay lang na saktan ko siya. Ibig bang sabihin may nararamdaman na siya para sa akin? Natatakot na ba siyang ituloy? What the fogi mo Marvin!" Napabalikwas siya ng tayo at may kung anong enerhiya ang pumasok sa katawan niya, sa mga sandali na maisip niya ang mga salitang binitawan niya kanina.

"Iba ang karisma ng isang Depogi. Hindi ako papayag na maghiwalay kami dahil naniniwala ako sa kasabihan na aanhin pa ang damo, kung ang... basta bawal kami maghiwalay. Pinanganak ako para sa kaniya, dahil kung hindi, magdadabog ako habambuhay."

Buo na ang loob ng binata. Hindi lang dapat basta magmukmok sa isang gilid dahil lang sa pakikipaghiwalay sa kaniya ng kaniyang nobya. Hanggat maraming kasabihan sa mundo, mananatili pa ring matatag ang mga tunay na umiibig. Yikes! So baduy.

Ang Pangarap Kong Breakup ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon