C H A P T E R 7シ︎

970 48 4
                                    

Belle's POV

Pinagmasdan ko yung likod ni Donny habang naglalakad sya palayo sakin, may mga sandaling bumabagal ang hakbang nya at lilingon sa gawi ko pero wala akong magawa kundi ang umiwas ng tingin.

Masakit para sakin na hanggang dito na lang kami, hanggang magkaibigan pero hindi ko alam kung kaya ko pang makisama sa kanya bilang kaibigan dahil sa sakit na dulot nya.

Gusto kong sisihin lahat ng tao sa paligid ko pero alam kong wala silang kasalanan, sinisi ko na rin si kupido sa katangahan nyang pumana.

Pero sa huli sarili ko lang din ang nagawa kong sisihin, dahil kung hindi ko sinimulan to hindi kami hahantong sa ganitong sitwasyon.

Napaupo ako sa bench kung saan kami nakaupo kanina, hinang hina na ko. Gusto ko ng tumigil sa pag iyak pero walang pakisama yung mga mata ko dahil kahit pigilan ko.

Kusa itong pumapatak, tumingin ako sa dagat. Tuluyan ng lumubog ang araw, tanging buwan at bituin na lang ang makikita sa langit.

Hindi ko alam kung paano ako uuwi ng ganito yung itsura ko, sigurado akong nakauwi na si Ashley. Hindi ko alam kung anong pwede kong gawin.

'Kere mo yan teh'

Hanggang ngayon, paulit ulit pa ring tumatakbo sa isip ko ang lahat ng sinabi ni Donny, hindi ko maiwasan na hindi masaktan.

Sa bawat pag ulit sa isip ko ng mga salitang sinabi ni Donny kanina ay paulit ulit ko ring nararamdaman yung sakit.

Ilang beses kong hinampas yung dibdib ko sa pagbabakasaling mawala ito pero hindi yon nangyari.

Nang mahimasmasan ako saka lang ako tumayo at naglakad, habang naglalakad ako may mga nadadaanan akong mga tindahan ng kung ano ano.

May mga magkakatabi ring mini bar, may mga nagtitinda ng mga barbeque at kung ano ano pa, pero isa lang ang gusto kong puntahan at yun ay ang mini bar na nasa tapat ko na.

Agad akong naglakad palapit sa isa sa mga bakanteng upuan, naupo ako don at agad naman lumapit sakin yung waiter at kinuha yung order ko.

"Ma'am ano pong order nyo?" Tanong nya sakin.

"Alak, gusto ko ng alak." Sagot ko habang lumilingon sa paligid.

"Ano hong klase ng alak ang gusto nyo ma'am?" Tanong nya ulit sakin.

"Kuya may alak ba kayo na pang broken hearted? Yon gusto ko yun." Sabi ko.

"Just wait for a minute ma'am." Sagot nya at umalis na.

Nang makaalis sya ay don ko lang sya nilingon, nakatalikod sya sakin. Ang ganda ng tindig ng mga balikat nya, siguro gwapo to.

Malakas na buntong hininga ang pinakawalan ko, lumingon lingon ako sa paligid na dapat hindi ko na ginawa pa. Nagsisisi na ko na lumingon pa ko sa paligid.

Wala akong ibang nakikita maliban sa mga sumayaw ay mga magjowang nagyayakapan, naghaharutan at naghahalikan.

'Hindi ko kinaya to'

Wala akong choice kundi ang tignan ang cellphone ko, baka kasi may magtext or tumawag sakin ng hindi ko namamalayan.

Matapos ng mangyari sa pagitan namin ni Donny kanina, sinabi ko sa sarili kong hindi na ko aasa na magtetext o tatawag sya.

Pero malaking bahagi ko ang umaasa pa rin na kakamustahin o tatanungin nya ko kung nakauwi na ba ko. Ang hirap. Ang hirap hirap.

Hindi nagtagal dumating din yung order ko, hanggang sa umorder ako ulit, paulit ulit hanggang sa unti unti na kong nakakaramdam ng hilo.

Fake Love Turns Into RealWhere stories live. Discover now