C H A P T E R 60シ

623 24 2
                                    

Kenzo

Belle's POV

Natapos ang klase nang wala man lang akong naintindihan kahit isa, ilang beses din akong natawag ng mga guro na nagtuturo samin kaya nakakahiya na wala man lang akong naisagot.

Paniguradong isusumbong nila ko kay Kuya Aldean lalo na't alam nilang magkapatid kami, mga estudyante lang naman ang gumagawa ng mga kwento tungkol samin dahil wala silang alam.

Niligpit ko ang mga gamit ko, palabas na sana ko ng room ng makita ko si Kenzo sa labas ng room namin, ako na lang ang tao dito sa room kaya alam kong ako ang hinihintay nya.

"Anong ginagawa mo dito Kenzo?" Gulat na tanong ko.

"Are you okay?" Nag aalalang tanong nya.

Hindi naman ako nakasagot agad dahil hindi ko naman inaasahan ang tanong nya, close kami pero hindi naman kami umaabot sa ganito kaseryoso usapan.

"Ikaw ata yung dapat na tinatanong ko nyan eh." Nakangiwing aniko.

Tanging malakas na buntong hininga lang ang narinig ko, umiling na lang ako at nilampasan na sya. Ramdam kong hindi sya sumunod kaya naman magpapatuloy na sana ko sa paglalakad ng bigla sya ulit magsalita dahilan para mapatigil ako.

"Hanggang kelan mo balak itago samin ang lahat?" Tanong nya, may ideya na ko tungkol don pero hindi ko alam kung tama.

"Ano bang pinagsasabi mo?" Takang tanong ko.

"Alam na namin lahat, narinig ka namin kagabi habang pinipilit mo si Sir Aldean na sagipin yung buhay ng magulang nyo." Sagot nya dahilan para tuluyang tumulo ang luha ko.

"N-Namin? S-Sino pang nakakaalam maliban sayo?" Gulat na tanong ko. "A-Alam din ba ni D-Donny?" Naiiyak na aniko

Hindi ko alam kung kakayanin kong marinig ang isasagot saken ni Kenzo, sana lang talaga hindi nya kasama si Donny nung araw na narinig nya ko.

"Bakit ba ayaw mong ipaalam sa kanya?! Samin?! bakit?!" Sigaw nya dahilan para mapatungo ako.

Hindi ako sumagot, umiyak lang ako ng umiyak. Hindi ko alam kung bakit kailangang mangyari pa to, hindi ko inaasahang malalaman niya ang tungkol dito.

Mas natatakot ako na baka alam na ni Donny to, hindi makakabuti kung malalaman nya ang tungkol sa pinagdadaanan ng pamilya ko.

Alam ko namang una pa lang may ideya na sya dahil kinausap namin ang Kuya nyang pulis, pero hindi naman sapat na dahilan yon para malaman nya agad ang lahat.

"Sagutin mo ko Belle!" Galit ng tanong nya.

"Dahil ayokong madamay kayo Kenzo!" Sigaw ko sa kanya "Problema na ng pamilya namin yon, labas na kayo don. Kaya ayokong sabihin sa inyo dahil ayokong may mapahamak ng dahil saken. Kung kinakailangan na buhay ko ang kunin nila ibibigay ko wag lang kayong madamay, mailigtas ko lang yung pamilya ko." Aniko, napaluhod na lang ako sa sobrang panghihina.

Agad syang lumapit saken, hindi nakatakas sa paningin ko ang luhang tumulo sa kanyang pisngi dahilan para tumulo rin ang luha ko.

"Shhh, I'm sorry. Hindi dapat kita binigla. Hindi ko sasabihin kay Donny ang tungkol dito." Aniya habang inaalo ako.

Sa hindi ko maintindihan na dahilan ay nakahinga ako ng maluwag nang malamang hindi pa alam ni Donny ang tungkol sa pinagdadaanan ko.

"S-Salamat" sagot ko.

Niyakap nya lang ako ng mahigpit, hindi ko ang sarili kong mapagod sa kakaiyak, tumigil lang ako ng makita ko si Clyde na naglalakad na papunta dito.

"Belinda!" Aniya ng makalapit saken. "Sino ka?! Anong ginawa mo kay Belle?!" Sigaw nya kay Kenzo dahilan para mataranta ako.

"And who the fuck are you?" Inis namang tanong ni Kenzo.

"C-Clyde, Kenzo tama na." Awat ko sa kanila.

Nang makatayo ako ay agad akong pumagitna sa kanila, agad kong hinila si Clyde sa braso para ayain ng umalis.

"Mauuna na kami Kenzo, salamat." Ani ko at hinila ulit si Clyde.

Ayaw nya pang umalis, nakatitig lang sya ng masama kay Kenzo kaya naman kinurot ko na yung tagiliran nya at hinila sya paalis.

"Tara na sabi!" Aniko.

Ayokong mag away sila, dahil marami pang estudyante dito sa labas at baka pagkaguluhan kami kapag nagbugbugan tong dalawa.

"Sino ba yon?" Tanong nya nang makalayo kami.

"Hindi mo ba narinig na tinawag ko syang Kenzo." Sagot ko.

"Boyfriend mo ba yung gagong yon? Yun ba yung pinalit mo saken ha?!" Sunod sunod na tanong nya.

"Pake mo?!" Pabalang na sagot ko.

Nagpatuloy kami sa paglalakad, pabulong bulong pa sya kaya naman pinipigilan ko ang sarili ko na matawa dahil sa itsura nya.

"Maghahanap ka na lang ng kapalit ko yung mayabang at panget pa!" Aniya.

"Hoy, mas gwapo kaya sayo si Kenzo, at mas mayabang ka pa nga kaysa sa kanya." Nakangising sagot ko.

"Aba, pinagtatanggol mo pa! So boyfriend mo nga yon?!" Inis na aniya.

"Boyfriend ko man o hindi wala ka ng pake don!" Aniko at nauna nang naglakad. "Tara na, umuwi na tayo baka hinihintay na tayo nila Kuya Aldean." Aniko nang hindi sya nililingon.

Narinig ko naman ang mga yabag nya na sumusunod saken hindi ko na lang pinansin yon at nagpatuloy na lang sa paglalakad nang biglang may dalawang lalaki na humila saken.

Ilang beses pa kong nagpupumiglas sa kanila pero hindi ko sila kaya, dalawa silang may hawak saken kaya naman hirap ako, isa pa masyado silang malakas.

Tinakpan nito ng panyo ang bibig ko dahilan para hindi ako makasigaw, sobrang takot na takot ako. Gusto kong sumigaw pero hindi ko magawa dahil unti unti na kong nakakaramdam ng hilo.

Habang hila hila nila ko ay nakita ko si Clyde na pinagtutulungan ng dalawa ring lalaki. Hindi nya iniinda ang pambubugbog sa kanya ang tangi nya lang sinisigaw ay ang pangalan ko.

Nakapikit na ko, hindi ko na kayang imulat pa ang mata ko. Ramdam kong buhat buhat ako ng lalaking may gawa nito saken. Buhat nya ko na parang sako.

Hindi din nakatakas sa paningin ko si Kenzo na tinutulungan si Clyde na mapatumba yung mga lalaki.

Tuluyan na kong nawalan ng malay nang maiupo nya ko sa sasakyan, pero bago ako nawalan ng malay nakita ko kung gaano sila kadami.

Nagising ako sa isang madilim na lugar, wala akong makita sa sobrang dilim ng paligid tanging nagsisilbing ilaw ko ay ang liwanag ng buwan. Wala akong nagawa kundi ang umiyak dahil sa takot na baka ito na ang katapusan ko.

To be continue...

Fake Love Turns Into RealDonde viven las historias. Descúbrelo ahora