C H A P T E R 10シ︎

841 35 1
                                    

(A/N: So ayorn gagawan ko ng POV si Dalia, kasi konti na lang oras nya sa mundo charot!)

Dalia's POV

Mukha ni Donny ang bumungad sakin ng maimulat ko ang aking mga mata, gusto kong umiyak sa saya dahil sa kabila ng ginawa ko nandito pa rin sya sa harap ko.

Hindi ko lubos maisip na hahantong ako sa ganito, alam kong malapit na ko, malapit na kong mawala sa mundo, at gusto kong maitama lahat ng pagkakamali ko.

Lumingon ako sa buong kwarto, nakita si mommy na nakatingin lang sakin.

"Dalia musta? Okay ka na ba?" Tanong ni Donny ng magtama ang mata namin. "Anong sabi ng Doctor tita?" Tanong nya na nakapagpatigil sakin.

Lumingon ako kay mommy sa pagbabakasaling iligtas nya ko sa tanong na yun, pero tanging pagtango lang ang isinagot ni mommy.

Para syang nagmamakaawa na sabihin ko ang lahat at katotohanan kay Donny. Pero hindi ko kaya. I don't want to hurt him again

'A-Ayoko syang makitang malungkot.'

"Ahh kasi..." Aniko. Nag aalangan kung sasabihin ko ba o hindi.

"Dalia! Sige na. Sabihin mo na, panahon na rin siguro para malaman ni Donny ang lahat. Iiwan ko na muna kayo, dito lang ako sa labas." Ani mommy at naglakad na palabas.

Nilingon ko si Donny na halatang naguguluhan sa sinabi ni mommy, ayoko sanang sabihin pero mukha wala na kong takas.

"Dalia ano bang sinasabi ni Tita, ano yung dapat kong malaman?" Aniya, umiling ako at bumuntong hininga.

"Sorry Donny ha, matagal ko na kasi tong hindi sinasabi sayo." Panimula ko.

"Ano yun?" Kinabahan mang tanong nya, alam kong gusto nya talagang malaman.

"Naaalala mo ba yung panahon na....nagkahiwalay tayo?" Tanong ko sa kanya.

"Oo, diba sabi mo pagod ka na? Ayaw mo na kaya hiniwalayan mo ko." Sagot nya. "Sobrang sakit para sakin nung mga panahon na yun Dalia kasi....hindi kita maintindihan." Sagot nya, agad na namuo ang mga luha sa mata ko. "Ginawa ko naman ang lahat pero, nagawa mo pa rin akong iwan. Mahal kita Dalia eh." Sagot nya na nakapagpatulo ng luha ko.

"D-Donny ang totoo kasi...kaya nakipaghiwalay ako nung mga panahon na yon kasi, nalaman kong may sakit ako sa puso." Sagot ko, sabay iwas ng tingin.

"Ano? Bakit hindi mo sinabi?!" Tanong nya, na kulang na lang sumigaw dahil sa pagtaas bigla ng boses nya.

"Kasi ayokong makitang nag aalala at nasasaktan ka para sakin, kaya habang maaga pa pinutol ko na yung relasyon natin kasi...." Hindi ko masabi yung dapat na kasunod dahil nagsisimula na kong mahirapang huminga pero sinikap ko pa ring magsalita. "Kasi ayokong makita kang malungkot, lalo na't may taning na ang buhay ko." Sagot ko at don bumuhos ng husto ang luha ko.

"Dalia naman eh, ang unfair mo." Pagtatampo nya, nakita ko ang mga luhang nagsisimula ng magbagsakan sa pisngi nya. "Sana sinabi mo man lang sakin, handa naman akong samahan ka hanggang sa huli. Sabay nating lalabanan yang sakit mo." Sagot nya dahilan para mamuo na naman ng panibagong butil ng luha ang mga mata ko.

Fake Love Turns Into RealWhere stories live. Discover now