C H A P T E R 27シ︎

700 33 2
                                    

Not Ready.

Belle's POV

Nakarating kami sa condo ko ng hindi ko namamalayan, naging lutang ako dahil sa mga gumugulo sa utak ko.

Hindi mawala sa isip ko yung sinabi ng kapatid ni Donny, hindi ko inaasahan yung mga sinabi nya. Wala rin akong matandaan na sinabi sakin ni Ashley na pumunta si Donny dito sa condo ko.

Naging palaisipan sakin ang lahat, hindi ko alam kung bakit pumunta dito si Donny, alam ko sa sarili ko na wala ng dahilan para pumunta pa sya dito.

Dahil bukod sa fake lang naman yung relasyon na meron kami eh hindi yon ang magandang dahilan para puntahan at hanapin nya ko dito sa condo.

Hindi rin mawala sa isip ko yung babaeng sinasabi ni Cath na nagsabi kay Donny na umalis ako dito at umuwi ng probinsya.

Bukod kasi kay Manong Canor ay ako lang ang nakakaalam, kaya hindi mawala sa isip ko yung sinabi ni Cath.

Bumalik ako sa ulirat ng bigla akong hilain ni Azri pababa ng sasakyan, masamang tingin ang nakuha nya sakin pero wala namang nangyari dahil dineadma lang ako ng tukmol.

Hindi nya ko binitawan hanggang sa makapasok kami sa entrance ng condo, binitawan nya lang ako ng bawiin ko ang kamay ko.

"Ate saan ba dito yung kwarto mo?" Tanong ng kapatid kong tukmol.

"Sa 3rd floor ang room ko, akin na yan ako na magbubuhat."

"Aish! Ako na ate."

"Ako na sabi! Bumalik ka na kay Manong Canor." Inis na ani ko.

"Bakit ako babalik don?" Tanong sakin ng kapatid ko.

"Boplaks ka ba? Uuwi na kayo kila Mommy kaya bumalik ka na don."

"Paano kung ayoko?" Panghahamon nya.

"Anong ayaw mo? Gusto mo bang tadyakan kita dyan?!" Inis na talagang ani ko.

"Tsh! Ang panget mo Ate Belle."

'Gagong to! Panget daw ako?'

Napailing na lang ako sa pagkapikon, nauna na kong maglakad at hindi na sya hinintay. Sya ang nagbitbit ng mga gamit ko.

Kaya naman sa loob loob ko ay tawang tawa ko sa itsura nyang hirap na hirap sa pagbitbit ng mga bagahe ko.

Binuksan ko yung pinto ng kwarto ko saka ako pumasok, naka sunod naman sakin ang kapatid ko papasok at inilapag lahat ng gamit ko.

Hindi ko na kinuha yung susi ko kay Ashley dahil may isa pa naman akong susi, masyado ng hassle kung pupunta pa ko ng hospital para kunin yung susi.

Pumasok si Azriel sa kwarto ko, nakita ko pang ibinagsak nya ang katawan nya pahiga sa kama, napailing na lang ako sa pagka abnormal ng kapatid ko.

Naglakad ako papunta sa kitchen at nagluto ng pwedeng pang meryenda. Pancakes lang ang kinuha ko para madali lang lutuin.

Nang matapos akong magluto ay naupo muna ko sa sofa para magpahinga dahil pagod ako sa byahe at gusto kong matulog.

Ilang minuto pa lang akong nakaupo sa sofa ng marinig kong mag ring ang phone ko, akala ko si Donny pa rin ang tumatawag pero mali ako.

Mommy's Calling....

Fake Love Turns Into RealWhere stories live. Discover now