C H A P T E R 66シ

571 41 1
                                    

Ilang araw na ang nakalipas simula ng lumipat kami dito sa bahay ni Kuya Aldean, ngayon nagagawa ko na ulit ang mga gusto ko.

Hindi na ko umalis sa pamilyang to dahil alam kong balang araw ay kakailanganin ko rin ang pag aalaga at pagmamahal nila.

Kagigising ko lang kaya naman bumangon na ko para maligo, may pasok ako sa school sa tagal kong hindi nakapasok sigurado akong marami na kong hindi napag aralan.

Hindi ko alam kung paano ko ihahandle ang pagpasok ko ngayon sa school hindi ko alam kung ano na ang pinag aaralan nila.

Hindi na din ako magtataka kung bagsak ako ngayon at hindi malabong magrepeat ng grade. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko.

Minadali ko ang pag ayos ko sa sarili ko saka ako bumaba para mag almusal. May mga katulong kami dito pero most of the time si Mommy ang madalas na maghanda ng pagkain.

Tanging paglalaba, pagdidilig, at paglilinis ng bahay lang ang ginagawa ng mga katulong namin dito. Madalas kami lang nila Mommy at ang mga kapatid ko lang ang nandito.

Busy kasi sa business si Daddy, sa sobrang tagal kong nahiwalay sa kanila noon ay doon ko lang napagtanto na napakarami ko na palang hindi alam tungkol sa kanila.

Tulad na lang ng bahay na ito, pati na rin ang condominium na meron sila malapit lang din dito may iba pa silang mga business na ngayon ko lang din nalaman.

"Gising ka na pala Belle, let's go kain ka na baka malate ka sa school anak." Ani mommy.

Inasikaso nya ang pagkain ko, nahihiya man ako ay hindi ko pa rin maiwasan na hindi makaramdam ng tuwa. Ngayon na lang ulit ako inasikaso ni Mommy ng ganito.

Madalas kasi noon na tuwing papasok kami sa school ay tanging pagtawag sa paggising lang ang ginagawa nito sa amin.

Nagsimula akong kumain at ganon din si Mommy. Nang patapos na kong kumain ay saka ko lang napansin na wala sila Azri at Kuya Aldean.

"Nasan po sila Kuya?" Tanong ko.

"Nauna na sila, may kailangang asikasuhin ang Kuya mo sumabay na rin si Azri dahil may practice daw sila sa basketball." Sagot ni Mom.

Tumango na lang ako at tumayo na para maghanda sa pagpasok, inayos ko pa ulit ang sarili ko bago ako naglakad palabas ng bahay.

Nagpaalam na rin naman ako kay Mommy kaya nagmadali na kong maglakad papunta sa gate.

"Miss Belle!" Tawag sakin ni Manong. "Hatid na po kita." Aniya.

Tanging tango na lang ang isinagot ko, wala na rin naman akong choice, baka malate pa ko kapag nag inarte ako kaya magpapahatid na lang ako.

Hindi naman tumagal ang byahe, walang traffic kaya nakarating din kami agad, bumaba na ko ng sasakyan.

"Salamat po Manong." Nakangiting aniko.

Hinintay ko pa na makaalis sya bago ako tuluyang pumasok sa school, habang naglalakad ay rinig ko ang bulungan ng mga estudyante saken.

Kahit nagtataka ay pilit ko silang hindi pinansin dahil wala naman akong interes na alamin ang mga pinag uusapan nila.

"Belinda! Nako buti naman nakapasok ka na!!" Ani Ash sabay yakap sakin.

Naglakad na kami papasok sa room, nang makapasok kami ay halata sa mukha ng mga kaklase ko ang excitement at tuwa ng makita ako.

"Welcome back Belle!" Ani nila.

"Salamat." Ani ko, naupo na kami ni Ash sa upuan namin.

"Oyy, alam mo bang na miss ka namin. Bukod kasi sa walang masyadong nakakasagot samin sa recitation eh halos ikaw din ang hanap ng mga guro natin." Walang prenong kwento ni Ash.

"Bakit daw?" Takang tanong ko.

"Ewan ko, masyado silang nag aalala sayo. Lalo na nung malaman nilang nasa hospital ka." Aniya kaya naman umiwas ako ng tingin.

"Atsaka, alam mo bang halos mabaliw si Donny nung mga araw na nasa hospital ka. Nako palagi nyang pinipilit yung mga tropa nya na bisitahin ka, kaso ayaw nung mga tropa nya dahil kailangan nilang magfocus sa pagrereview dahil graduating na sila." Aniya, ngiting ngiti pa habang nagkukwento. "Alam na din ng lahat na hindi kayo magjowa ni Sir Aldean hahaha, alam mo bang tawang tawa ako nung inamin ni Sir Aldean na hindi kayo magjowa. Kasi naman teh, paniwalang paniwala na yung lahat na may something nga kayo." Tumatawang kwento nya kaya pati ako ay natawa.

Nahinto ang kwentuhan namin ng biglang bumukas ang pinto ng room namin at bumungad si Kuya Aldean, seryoso lang itong pumasok sa loob pero ng makita ako ay ngumisi ito dahilan para tignan ako ng mga kaklase ko.

"Go do the Dean's office Belle." Nakangising aniya.

'Dean's office?!'

"What?! May ginawa ba ko?" Takang tanong ko.

"Maybe I don't know just go to the Dean's office." Nakangisi pa ring aniya.

'Bullshit! Ano na namang ginawa ko?'

Inirapan ko na lang sya at tumayo na, hindi ko na nilingon pa ang mga kaklase ko pero pagbukas ko pa lang ng pinto ay sumalubong na sakin si Dad.

"D-Dad?" Gulat na aniko.

"Bakit pumasok ka na ng school anak, hindi ka pa masyadong magaling." Ani Dad, napayuko na lang ako.

"Anong hindi pa magaling Dad? Magaling na yan nagsusungit na nga eh." Singit ni Kuya Aldean.

'Gagong toh!'

"Shut up octopus!" Inis na aniko.

Rinig ko ang mahihinang hagikhik ng mga kaklase ko dahilan para matahimik si Kuya Aldean, kita ko rin ang mapang asar na ngiti ni Dad kay Kuya Aldean.

"Hanggang dito ba naman Dad, pagtutulungan nyo ko?" Ani Kuya Aldean.

Umiling na lang si Daddy, matagal kaming natahimik bago sya nagpaalam samin ni Kuya Aldean.

"Mauuna na ko, sakin kayo sasabay pauwi at mamayang lunch sasabay din kayo sakin, lalo ka na Belinda." Striktong aniya.

"Y-Yes Dad." Sagot ko.

Umalis na sya at ako naman ay bumalik na sa upuan ko, nagsimula naman sa pagtuturo si Kuya Aldean. Wala akong ginawa kundi ang makinig.

Ayokong maging repeater kaya naman inaayos ko ang pag aaral ko, alam kong madami na kong hindi alam sa mga napag aralan nila.

Pero susubukan ko pa ring aralin lahat dahil kailangan ko yon para sa darating na finals. Hindi nagtagal ay natapos na ang pang umaga naming klase.

Lunch time na kaya naman inayos ko na ang mga gamit ko, hinihintay ko sila Kuya dahil ang sabi nya ay babalikan niya ko dito.

To be continue...

(A/N: vote! vote! goodnight<3)

Fake Love Turns Into RealWhere stories live. Discover now