C H A P T E R 32シ︎

656 28 2
                                    

School Requirements

Belle's POV

Maaga akong gumising dahil may aasikasuhin ako, kailangan ko ng simulang ayusin ang mga requirements ko para maipasa ko na kay Ms. Santos.

Ayoko mang makita ang pagmumukha nya pero mukhang kailangan ko dahil sa lintek na requirements na yan.

Sa lahat ng gagawin sa pag eenroll ito ang pinaka ayaw ko, pero wala akong choice kundi ang gawin to para makapagtapos ako.

Bumangon ako sa pagkakahiga sa kama at nagpunta sa cr para maligo, isa isa kong hinubad lahat ng suot ko saka ko binuksan ang shower.

Hinayaan kong dumaloy ang tubig sa buong katawan ko hanggang sa mabasa ako, ilang minuto din ang itinagal ko bago ako lumabas at nagbihis.

Nang matapos ako sa pag aayos ay lumabas na din ako at dumiretso sa kusina, magluluto muna ako para may makain yung dalawang kasama ko dito sa bahay.

Nang matapos magluto ay nagtimpla ako ng kape ko, saka ako naglakad papunta sa kwarto ni Azri at Mang Canor.

Agad din akong bumalik sa dining at nagsimula ng kumain, tinapay lang ang kakainin ko saka kape, hindi kasi ako sanay na kumakain ng kanin tuwing umaga.

Maliban na lang kung mahaba mahabang oras ang hihintayin ko bago makakain sa tanghali, hindi nagtagal ay naupo na din si Mang Canor at Azri.

Tahimik kaming kumakain nung una ng biglang magsalita si Azri, gusto ko sana yung tahimik lang kaso mukhang hindi yun mangyayari.

"Saan ka pupunta Noona?" Tanong ng tukmol kong kapatid.

'Belle sabi pangalan ko hindi Noona!'

"Sa school, wag ka ng sumama wala ka namang gagawin don." Ani ko.

Mabuti ng advance, ayoko ng may kasama ngayon gusto kong mapag isa charot! Hindi ko alam pero mas gusto ko talaga na ako lang mag isa ang aalis.

Wala din naman syang gagawin don kung sasama pa sya, kung kahapon nga puro na sya reklamo hindi malabong ganon din ang mangyari mamaya.

Saka baka maubos ulit yung pera ko sa katakawan ng tukmol kong kapatid, kaya okay lang na ako na lang mag isa para hindi malaki yung gagastusin ko.

"Are you sure? Kaya mo na mag isa?" Tanong nya na parang nang aasar.

"Tss. Sa tagal kong nakatira dito sa tingin mo di ko pa din kaya?" Pagbabalik tanong ko.

"Mag isa ka nga lang ba?" Tanong nya na naka pagpatigil sakin.

Hindi ako nakasagot sa tanong nya o mas tamang sabihin na wala akong alam na pwedeng isagot sa kanya dahil alam kong hinuhuli nya lang ako.

Hindi nya pwedeng malaman ang tungkol samin ni Donny, hindi pa ngayon ang tamang oras. Ayoko ng dumagdag pa sa iisipin nya.

Kailangan kong mag isip ng pwede kong isagot sa kanya, gusto kong safe yung maisasagot ko sa kanya, bahagya akong napaubo bago sumagot.

"Meron akong kasama dito, pero sa tuwing may lakad ako. Ako lang mag isa." Sagot ko ng hindi lumilingon sa dalawang kaharap ko.

"Who?" Nakangiting tanong nya.

'Sino nga ba? Si...Si Ashley!'

Tumingin ako sa kanya saka ngumisi, hindi mo ko mahuhuli kaya wag mo kong simulan, nagsisimula ng uminit ang ulo ko.

"Si Ashley." Nakangising sagot ko.

"And where is she?" Takang tanong nya.

Hindi ko alam kung kailangan ko pa bang sabihin kung na saan si Ashley pero mukhang kailangan kong sabihin para matigil na si Azri sa pagtatanong.

"Nasa hospital, binabantayan yung lola nya." Sagot ko.

Narinig ko pang may sinabi sya pero hindi ko na pinansin pa, tumayo na ko at inilagay sa lababo yung tasang pinag inuman ko.

Hindi na ko magpapahatid kay Manong Canor para makapagpahinga sya, saka baka kasi maisipan ni Azri na mamasyal mas maigi ng may kasama sya.

"Azri, Manong aalis na ho ako." Paalam ko sa kanilang dalawa.

Hindi na ko nagsayang pa ng oras, umalis na ko at naglakad papunta sa sakayan, hindi naman ako naghintay ng matagal dahil may dumaan ding taxi.

Sumakay ako at sinabi ang address na pupuntahan ko, medyo naging matagal ang byahe dahil sa traffic kaya naman ng makarating kami ay agad agad akong bumaba.

Lakad takbo ang ginawa ko para mabilis na makapunta sa office ni Ms. Santos. Dahil maaga pa konti pa lang ang tao at hindi pa ganon kahaba yung pila.

Nang makapasok ako ay agad na nagsitinginan sakin ang mga estudyanteng nakapila, halos lahat sila nakangiti sakin kaya naman ganun na lang din ang ginawa ko.

Nakipila na rin ako sa kanila, may minsan pang lalapit ang iba sakin at magtatanong ng kung ano ano, pero isang tanong lang ang nakapagpatigil sakin.

"Bakit hindi mo kasama si Donny?" Hindi ako nakasagot.

Pilit na ngiti lang ang naigante ko, hindi ko alam kung anong isasagot ko, pakiramdam ko kapag si Donny ang topic nagiging lutang ako.

"Hoy Belle! Okay ka lang?" Tanong ng babae na syang nagtanong sakin tungkol kay Donny.

"A-Ahh oo, okay lang ako." Sagot ko at hindi na sila nilingon pa.

Nang makapasok ako sa mismong office ni Ms. Santos ay agad kong binigay yung mga requirements na natapos ko.

"Belle, uutusan kita ngayon na pumunta sa bahay nila Mr and Mrs. Fernandez." Ani Ms. Santos.

'Ano?!!!'

"P-Pero Ms-...." Hindi ko na natapos pa ang sasabihin ko.

"You need to go there, kailangan yun sa requirements, kailangan ng pirma ng PTA President." Paliwanag nya.

Hindi pwede, ayoko. Pero mukhang wala na naman akong choice, paano kung magkita kami don, nagsisimula na kong maiyak.

Iniabot sakin ni Ms. Santos yung papel na kailangang papirmahan sa Mommy ni Donny, kailangan kong gawin to dahil hindi ako makakapasok sa lintek na school na to kung hindi ako magpapapirma.

'Badtrip!'

Lumabas ako ng school at agad na pumara ng masasakyan, sinabi ko sa driver ang address nila Donny. Habang papalapit kami ng papalapit sa village nila Donny ay lumalakas ng lumalakas ang kabog ng dibdib ko.

Hindi ko alam kung saan nanggagaling ang kaba ko at panginginig ng katawan ko, hindi ko alam kung bakit nagkakaganito ako.

Gusto kong sisihin si Ms. Santos dahil sa letseng papel na to, sa dami ng pwedeng papirmahan bakit sa PTA President pa.

'Wala namang ganon dati!'

(A/N:Kalma lang mga bebz, sorry now lang tinapos ko kasi yung series na ginawa ko sa tiktok kahapon.)

Fake Love Turns Into RealWhere stories live. Discover now