C H A P T E R 35シ︎

655 26 1
                                    

(A/N:Pasensya na po sa late na pag update, bawi po ako next year este next day.)

1ST DAY OF CLASS

Unang araw ngayon ng klase pero hindi na ko mapakali, hindi ako makapag isip ng maayos kung paanong pag iwas ang gagawin ko para hindi magcross ang landas namin ni Donny.

Noon sobrang dami kong alam na pwedeng daanan para hindi kami magkita pero parang lahat ng yon ay nakalimutan ko na.

"Let's go Noona!" Sigaw ni Azri na nakababa na pala ng sasakyan.

"Oo na, makasigaw ka naman!" Inis na ani ko.

Bumaba ako ng sasakyan saka ko hinarap si Azri, hindi ko na sya sasamahan sa paghahanap ng room nya dahil baka don pa kami magkita ni Donny.

"Hindi na kita sasamahan sa paghahanap ng room mo." Ani ko na ikinasimangot nya.

"Pero Noona!" Pagmamaktol nya.

"Malaki ka na, kaya mo na yan." Ani ko at naglakad na palayo sa kanya.

Naririnig ko pa syang tinatawag akong Noona, pero hindi na ko lumingon pa. Hindi naman Noona ang pangalan ko.

Sa fifth floor ang punta ko dahil don ang pwesto ng mga collage, habang naglalakad may mga grupo ng estudyante ang nagsisilingunan sa gawi ko.

May mga estudyanteng ngumingiti sakin na ginagantihan ko rin ng matamis na ngiti, may mga estudyante ding mga nagbubulungan sa tuwing makakalampas o matatapat ako sa kanila.

Nasa kalagitnaan ako ng paglalakad at paghahanap ng room ko nang may makita akong pamilyar na tao, hindi ko masyadong makita ang mukha nya pero para talagang pamilyar sya sakin.

Hindi ko na pinansin pa ito at nagpatuloy na lang sa paglalakad hanggang sa biglang may lalaking lumapit sakin.

"Miss, ikaw si Belinda diba?" Tanong ng lalaking ng makalapit sakin.

"O-Oo, ako nga bakit?" Tanong ko.

"May nagpapabigay kasi nitong envelope." Aniya sabay abot sakin ng maliit na envelope.

"Sino? Kanino galing to?" Ani ko.

"Ayon sa lalaki, ay nasan na yun."

Tinignan ko kung saan sya nakaturo, pero wala ng tao don, napabuntong hininga nalang ako sa pag aakalang makikila ko ang nagbigay nun.

"Belinda, una na ko ha." Ani ng lalaking lumapit sakin.

"Sige, salamat." Ani ko.

Itatanong ko pa sana kung anong pangalan nya pero pagtingin ko ay nakalayo na sya sakin. Nagpatuloy na lang ako sa paghahanap ng room ko.

Hindi naman ako masyadong nahirapan dahil agad ko ring nahanap ang room na papasukan ko, medyo nahihiya ako dahil bukod sa hindi ko naman sila kaklase noon ay hindi ko rin sila kilala.

Malas ko dahil wala man lang akong kakilala maski isa, dahan dahan akong pumasok sa room at naghanap ng mauupuan.

Konti pa lang ang estudyanteng nandidito, maaga pa kasi pero kung ako ang tatanungin, unang araw ng klase dapat lang maaga ang pasok.

May mga kaklase akong masama ang tingin sakin pero mas marami pa rin ang nakangiti sakin, gusto kong isipin na peke lang ang ngiti ng iba sakin.

Hindi ko na pinansin pa iyon at naupo na lang sa upuang nasa harap, gusto ko sa harapan dahil hindi ako sanay na maupo sa likod.

Mahina din ang pandinig ko kaya dito na lang ako sa harap, hindi ko alam pero hindi ako kumportable sa pagtitig sakin ng mga kaklase ko.

Gusto kong magtanong pero nanatili akong tahimik dahil ayokong magkaroon ng gulo, hindi magandang magkaroon ng kaaway lalo na't first day pa lang ng school.

Hindi nagtagal ay dumating din ang professor na magtuturo samin sa unang subject na sya ring hahawak sa buong section namin.

"Good morning class." Mahinahong aniya na nakapagpatigil sakin.

'S-Si Kuya!'

Dahan dahan kong itinaas ang paningin ko at don ko lang nakita ang taong magiging prof namin.

'Kelan pa sya naging teacher?'

Bumalik ako sa reyalidad ng marinig kong tawagin ni Kuya Aldean yung pangalan ko, bahagya pa kong napaigtad dahil sa mga titig nya sakin.

"Miss Monteverde." Tawag nyang muli sakin.

"Y-Yes ku—, yes s-sir?" Nalilitong Ani ko.

Hindi ko kasi alam kung anong itatawag ko sa kanya, nasanay akong Kuya ang tawag sa kanya kaya medyo naninibago ako. Kita ko ang paglamlam ng mga mata nya habang nakatitig sakin

"M-May problema ba?" Nag aalalang tanong nya.

Nakita ko ang mga kaklase kong nagpapalitan ng tingin samin ni Kuya este Sir pala. Gusto kong tumayo at umalis na lang dahil hindi ko na talaga kaya yung mga tingin nila.

"W-Wala po." Nakatungong sagot ko.

Hindi nagtagal ay nagsimula na syang magklase, hindi ko alam pero parang iba ang atmosphere dito dahil sa mga kaklase kong pa simpleng sumusulyap sakin.

'Huli ko na kayo, mga kingina nyo!'

Pinili kong ituon ang atensyon sa Kuya kong nagtuturo, gusto kong manibago dahil ibang iba sya sa Kuya ko na laging kong nakakasama noon.

Kung noon, sweet at gwapo lang sya. Ngayon sobrang gwapo na at mukhang professional sa mga ginagawa nya.

Ilang oras pa ang lumipas ng matapos sya sa pagtuturo, nang palabas na sya ay bigla nya kong nilingon na parang may gustong sabihin.

Umiwas ako ng tingin sa takot sa kung anong iisipin ng mga kaklase kong mga anak ata ni marites.

Naging sunod sunod ang pagpasok ng mga guro sa section namin para magturo, hanggang sa dumating yung huling guro na magtuturo samin sa buong araw na to.

Values ang huling subject namin sa hapon, hindi ko alam pero hindi talaga ako kumportable sa topic lalo na't pa tungkol sa letseng love yung topic.

Unang araw pa lang, love na agad topic pwede bang wag muna yan, hindi ko alam kung part pa ba ng lesson yung love na yan.

"Na experience nyo na bang mahulog sa inyong kaibigan?" Tanong ng prof namin.

Wala na kong masabi, gusto ko na lang mag walk out dahil sa letseng topic namin. Hindi ako natutuwa sa topic.

'Kingina ang daming klase ng love bakit yan pa napili mong itanong?'

Kinabahan ako sa sumunod na nangyari, biglang nagtawag yung prof namin kaya naman hindi ko mapigilan ang hindi kabahan.

Lahat ng kaba ko ay nawala ng matapos ang klase ng hindi ako natatawag, gusto kong magpasalamat dahil swerte pa rin ako.

Nang matapos ang klase namin ay agad akong naglakad palabas ng room. Nung mismong paglabas ko nagulat ako sa taong nakasalubong ko.

To be continue...

Fake Love Turns Into RealWhere stories live. Discover now