C H A P T E R 16シ︎

765 44 5
                                    

(A/N: Saket ba?.)

Belle's POV

Nang mabawi ko ang kamay ko kay Donny, mabilis akong tumakbo papasok sa kotse. Hindi ko na kayang tumagal dito kasama si Donny.

Hindi naman sa ayaw ko syang makasama, gustong gusto ko syang makasama, gusto ko syang damayan sa mga problema nya.

Gusto ko ring punan yung pangungulila nya kay Dalia, pero pano? Hindi ko naman kayang hayaan yung sarili kong madurog.

Mahal ko si Donny, pero ngayon gusto kong piliin naman yung sarili ko. Simula ng makilala at mahulog ako kay Donny.

Lahat ng oras ko iniuubos at itinutuon ko sa kanya. Dahil wala akong ibang gusto noon kundi ang makasama sya.

Isinarado ko ang pinto ng kotse ng makita kong papatakbo na si Donny papalapit sa kotse, nakita ko yung driver na nakatingin sakin.

Bahagya kong ipinakalma yung sarili ko, gusto ko ng umalis hindi ko na kayang makita pa si Donny ng ganito lalo lang akong nasasaktan.

"Manong, t-tara na ho." Ani ko pinipigilan ang paghikbi.

"Sige po ma'am." Ani ni Manong driver.

Agad naman nyang binuksan ang makina, dahan dahan ang naging takbo ng kotse. Mula sa salamin nakita ko si Donny na umiiyak habang nakatingin sa kotseng sinasakyan ko.

Sa oras na toh, gustong gusto ko ng bumaba at tumakbo papunta kay Donny at yakapin sya. Gusto kong sabihin na hindi na ko aalis.

Na dito na lang ako kasi hindi ko rin kayang hindi sya makita araw araw. Pero kailangan kong pigilan ang sarili ko.

Itinuon ko ang atensyon at paningin ko sa daan, nang tuluyan na kami makalabas sa village nila Dalia ay don lang ako nakahinga ng maluwag.

Ipinagpahinga ko muna lahat ng pagod ko, habang nasa byahe ay wala akong ginawa kundi ang matulog. Matagal pa bago kami makarating sa probinsya kaya matutulog na lang muna ko.

Ilang oras lang ang nakalipas ng maramdaman kong huminto yung sasakyan, nilingon ko ang lugar para malaman kung na saan na kami.

Pero ang nakita ko ay hindi katulad sa probinsya namin. Kaya alam kong hindi pa ito yun. Ilang minuto lang bumalik din si Manong Driver.

"Sorry ma'am, nagugutom po kasi ako kaya bumili muna ako ng pagkain." Aniya.

'Bakit kasi nagpapagutom ka.'

"Okay lang ho manong." Ani ko.

Ngumiti lang ito sakin, ganon din ang ginawa ko. Nagpatuloy sa pagdadrive si manong habang kumakain ng tinapay.

"Ma'am, matanong lang po boyfriend nyo ho ba yung lalaki kanina?" Tanong nya habang tutok sa daan ang paningin.

"H-Hindi po manong."

"Eh bakit ho sya umiyak nung umalis ka?"

"Hindi ko ho sya boyfriend, k-kaibigan ko ho sya."

'Oo tama! Kaibigan lang!'

"Ang swerte nyo po ma'am."

'Swerte?'

"Bakit naman ho?"

"Kasi ma'am konti na lang ho sa mundong to yung mga babaeng may kaibigan na lalaki, lalo na yung katulad nyo."

Fake Love Turns Into RealWhere stories live. Discover now