C H A P T E R 25シ︎

709 37 2
                                    

Donny's POV

'Badtrip!'

Bakit kasi hindi ako nakapag salita, gusto kong makausap sya pero bakit hindi man lang ako nakapag salita. Ang tanga mo Donny!

Inis akong bumangon sa pagkakahiga ko sa kama at naupo, ilang beses ko pang sinabunutan ang buhok dahil sa sobrang inis at badtrip.

"Pero bakit sinagot nya yung ibang number na ginamit ko?" Takang ani ko.

Napabuntong hininga ako ng maisip ang sagot sa tanong ko.

"Ibig sabihin ayaw talaga nya kong makausap."

Tumayo ako at naglakad palapit sa sofa ko sa loob ng kwarto, kinuha ko yung picture frame na nakapatong malapit sa TV.

"Belle, bumalik ka na please." Ani ko habang hawak ang frame kung saan nakalagay ang picture namin ni Belle.

Tinitigan ko lang yon, hanggang sa hindi ko na namalayan na may tumulo na palang luha sa pisngi ko. Siguro ganon na lang talaga ang pagkamiss ko sa kanya.

I really miss her, if I only know where her exact address I will find her. Pero hindi ko magawa yon dahil wala akong ideya kung saang probinsya sya pumunta.

May minsan na syang nabanggit sakin na probinsya, yon lang ang alam kong pwede nyang puntahan, pero hindi pa rin ako pwedeng pumunta don.

Wala akong alam at kakilala sa lugar na yon, hindi rin malabo na baka mapagtripan ako don. Pero kahit ganon hindi ko maiwasan na gustuhin pa ring pumunta sa lugar na yon.

Binalik ko ang frame sa kinalalagyan niyon at nahiga na lang ulit sa kama ko, pinilit ko ang sarili ko na matulog kahit na hindi pa naman ako inaantok.

Hindi naman ako nabigo dahil lumipas lang ang ilang oras ay kusa ng pumikit ang mga mata ko at mahimbing na nakatulog.

Belle's POV

Isang buwan!

Isang buwan na ang nakalipas simula na umuwi ako dito sa probinsya, mula nung araw na malaman ng mga kapatid ko ang totoo.

Hindi na kami nagpapansinan, gusto ko silang kausapin pero halatang iniiwasan nila ko, siguro kasi hindi nila ko tanggap bilang kapatid.

Napabuntong hininga na lang ako, wala na kong choice kundi ang tiisin ang pag iwas nila sakin, hindi ko naman sila masisisi dahil alam kong nabigla sila sa katotohanang yun.

Sobrang hirap ng sitwasyon namin, nung una sabay sabay pa kaming kumakain, pero hindi din yun nagtagal.

Madalas na silang hindi nagkakasabay sabay sa pagkain, madalas akong sabayan nila Mom and Dad habang sila kuya Aldean at Azriel ay sila Lolo at Lola ang lagi nilang kasabay kumain.

Hanggang ngayon sinisisi ko ang sarili ko, kung hindi nila ko inampon hindi siguro silang magkakagulo ng ganito, siguro lagi silang magkakasabay kumain.

Gabi gabi akong ganito, nilalamon ng lungkot at pagsisisi, sinisisi ko ang sarili ko kung bakit nagkakaganito ang pamilyang kumupkop at nag alaga sakin.

At nalulungkot ako dahil wala akong ibang pwedeng gawin kundi ang magpanggap na okay kahit hindi naman talaga.

Nakakapagod, ngayon ko lang na realize na sobra sobra na pala ang nangyayari sa buhay ko, nahihirapan na ko.

Nasa kalagitnaan ako ng pag iisip ng paraan kung paanong maaayos ang problema ko dito ng biglang mag ring ang phone ko.

~Donny's Calling....

Hindi ko sinagot yun, nanatili lang akong nakatingin sa pangalan nyang lumalabas sa screen. Ilang beses na syang tumatawag sakin.

Sa tagal kong nang nandito sa probinsya ay ganon na din sya katagal na tumatawag sakin, minsan napapaisip ako kung bakit sya tawag na tawag.

Pero kahit ganon hindi ko magawang sagutin ang tawag at text nya dahil sa takot na baka umasa na naman ako sa wala at mauwi na naman sa kung anong makakasakit sakin.

Ilang beses pa syang tumawag ulit hanggang sa lumitaw ang isang hindi ko kilalang number. Sinagot ko yon sa pag aakalang kakilala ko yon.

"Hello! Sino to?" Tanong ko ng masagot ko ang tawag.

Hinintay ko pa syang sumagot o magsalita pero tanging huni lang ng kung anong hayop ang naririnig ko sa kabilang linya.

"Hello?" Ani ko, nang walang sumagot ay ako na ang nagpatay ng tawag.

'Siraulong yon, tatawag tapos di magsasalita.'

Bumungad sa screen ko ang missed calls at text messages sakin ni Donny, napangiti ako sa hindi ko malaman na dahilan.

"Grabe, ilang beses na akong tinatawagan ni Donny ah."

"Bakit kaya?" Pabuntong hiningang ani ko.

"Namimiss kaya ako non?" Tanong ko pa na parang kinakausap ang sarili ko.

'Wag ka ng umasa Belle!'

"Okay kaya sya?"

"Kung puntahan ko kaya? Pero sa tingin ko mas okay na munang wala kaming contact sa isa't-isa." Ani ko na dumagdag sa bigat na nararamdaman ko.

"Kung si Donny talaga ang lalaking para sakin alam kong pagtatagpuin muli kami ng tadhana, sure na ko dyan."

Plano ko na sanang matulog pero napahinto ako ng may marinig akong katok mula sa pinto. Naglakad ako palapit don at binuksan yon.

Nagulat pa ko ng makita ang nasa labas ng pinto ko na syang kumatok, si Azriel nakatingin lang sya sakin. Hindi ko alam kung anong gagawin ko.

"P-Pasok ka." Ani ko, pumasok naman sya at naupo sa sofa. "May kailangan ka ba Azri?" Tanong ko sa kanya.

(A/N: Azri short for Azriel.)

"I want to talk to you." Aniya.

"Tungkol saan?" Tanong ko at pinilit na ngumiti.

"Aalis ka na?" Tanong nya na nakapagpatigil sakin.

'Gusto nyo na ba kong umalis?'

"Ahmm yeah. Why? Gusto mo na ba kong umalis?"

"No! I'm here coz I wanna say sorry for everything, for ignoring you. I k-know hindi mo ginusto ang lahat." Aniya. Sandali pa syang tumingala.

'Umiiyak ba sya?'

"Are you crying?" Tanong ko.

Hindi sya sumagot, yumuko lang sya at nakita ko ang pag angat ng mga balikat nya, nataranta naman ako kaya lumapit ako sa kanya.

"It's okay Azri, you don't have to cry and say sorry. Hindi bagay sayo ang pag iyak." Pang aasar ko.

"I can't help it, I j-just don't wanna lose you as my sister."

Pagkasabi nya non ay agad na may tumulong luha sa pisngi ko, hindi ko na napigilan ang sarili ko at niyakap sya ng mahigpit.

"H-Hindi naman ako m-mawawala, a-ate mo pa rin ako and your still my baby brother." Ani ko habang yakap yakap sya.

"Pero aalis ka, iiwan mo pa rin kami. Lalo na kapag nahanap mo yung real family mo." Aniya na nakapagpatigil sakin.

'Hindi ko na gugustuhing hanapin sila.'

(A/N:Sorry if ngayon lang ulit naka update, busy ako hihi, pero mag uupdate muna ko.)

Fake Love Turns Into RealWhere stories live. Discover now