C H A P T E R 44シ

605 36 3
                                    

(A/N: Pang 4 days na naming walang kuryente at connections sa mga naghihintay sa story na toh, pasensya na talaga.)

Zairo

Belle's POV

Taka akong tumitig sa Kuya ko, mukha kasi syang siraulo dahil sa malapad nyang ngiti, napangiwi na lang ako sa itsura nya.

"Anong trip yan?!" Inis na ani ko.

Natigil na lang ako ng bigla nya kong hilain at yakapin ng mahigpit, sa sobrang higpit ng yakap nya halos hindi na ko makahinga.

Mas lalo pa kong nagulat ng marinig kong sumisinghot singhot sya, hindi ko na napigilan na hindi magtanong.

"K-Kuya? U-Umiiyak ka ba?" Tanong ko.

Lalo nyang hinigpitan ang yakap nya sakin, hindi na rin ako nagsalita pa dahil baka mamatay na ko sa higpit ng yakap nya, aalis na sana ko sa pagkakayakap nya ng bigla syang magsalita dahilan para mapatigil ako.

"I miss this Belle." Aniya with matching pa singhot ng sipon.

'Yuck! Yung sipon mo Kuya baka dumikit na sa damit ko!'

"Ano bang sinasabi mo?" Tanong ko.

"Namiss kita, namiss ko na marinig na tawagin mong Kuya." Aniya dahilan para matigilan ako.

Gumanti ako ng yakap sa kanya, hindi ko mapigilan na hindi mapangiti dahil sa mga narinig ko, lubos akong nagpapasalamat dahil kahit hindi kami totoong magkapatid ay tanggap nya pa rin ako.

Pero hindi mawala sa isip ko ang sinabi nyang namiss nyang tawagin ko syang Kuya. Gaano na ba katagal na hindi ko sya tinawag na Kuya?

Hindi nagtagal ay sya na ang kusang humiwalay sa pagkakayakap naming dalawa, hinawakan ko ang magkabilang pisngi nya saka ko pinunasan ang mga luha nya.

Ngayon ko lang sya nakitang umiyak, kahit isang beses man lang hindi ko sya nakitang umiyak, kilala ko kasi si kuya Aldean bilang malakas.

"Tama na ang drama Kuya, hindi bagay sayo kapag umiiyak. Ang panget mo." Ani ko na ikinatawa nya.

"Halika nga dito." Aniya at hinila ako pahiga sa lap nya.

Kahit pa paano ay gumaan ang pakiramdam ko, nakalimutan ko na rin ang nakita kong scenario nila Donny kanina.

"Kuya?" Tawag ko sa kanya.

"Hm?" Tipid na sagot nito.

"Nagkaroon ka ba ng kaibigan na babae?" Tanong ko sa kanya.

"Oo naman, bakit?" Sagot nya habang hinahaplos ang buhok ko.

"Gaano kayo katagal na naging magkaibigan?" Tanong ko, nakita ko naman na nangunot ang noo nya.

"7 years and now we're still best friend." Aniya.

'Ang tagal na pala.'

"Wala ka bang gusto sa kanya?" Tanong ko, ramdam ko na natigilan sya sa tanong ko.

"I-I don't k-know..." Utal na sagot nya.

'Crazy.'

"Gusto mo sya." Sagot ko.

"Ano bang sinasabi mo Belle?" Aniya

"Gusto mo yung best friend mo sadyang indenial ka lang talaga." Ani ko.

Fake Love Turns Into RealWhere stories live. Discover now