C H A P T E R 8シ︎

929 46 4
                                    

Belle's POV

Hindi ako mapakali nung araw na gumising ako na nakahiga sa kwarto ko, hindi ko maintindihan pero may kung ano sakin na naghihinala at umaasang si Donny ang naghatid sakin dito sa condo ko.

'Bakit naman nya gagawin yon eh hindi naman ikaw ang mahal nya.'

Ayon na naman yung paulit ulit na pumapasok sa isip ko, na hindi nya gagawin ang paghatid sakin dito dahil hindi ako ang mahal nya.

Hindi ko na alam kung anong gagawin ko, para na kong mababaliw sa kaiisip kung paano akong nakauwi ng maayos dito sa condo ko.

Nang mapagod ako sa kaiisip ay in-on ko na lang yung tv at naupo sa sofa, madilim na, nakaluto na rin ako ng hapunan. Hinihintay ko na lang si Ashley dahil sabay kaming kakain.

Gusto ko sanang lumabas kaso biglang nagbabago ang desisyon ko sa tuwing papasok sa isip ko yung nangyari kagabi.

'I'm sorry Belle...'

Nakakabadtrip! Puro yan lang ang paulit ulit kong naiisip, na parang nakastock lang sa utak ko. Para syang robot na paulit ulit yang sinasabi.

Nung araw na malasing ako, isang lalaki lang ang nakita kong naglakad palapit sakin sa loob ng mini bar, sigurado akong hindi si Donny yon. Kahit hindi ko nakita yung mukha nya, sigurado akong hindi si Donny yon.

Pero nung nasa kotse na kami, yung boses nya, yun ang hindi ko makakalimutan. Pamilyar sakin yun at isa lang ang kilala kong may ganong boses.

'Si Donny lang!'

Shit! Padabog akong tumayo at naglakad papasok sa kwarto ko, pero hindi pa ko nagtatagal sa loob ay may narinig na kong katok.

Wala na kong nagawa kundi ang tumayo para pagbuksan yung taong yon.

"Nandyan ka na pala." Walang ganang bungad ko kay Ashley.

"Yeah! Buti hindi ka umalis marami akong tanong sayo eh." Sagot nya at pumasok na sa loob.

'Ako rin.'

"Nga pala anong trabaho ang tumanggap sayo?" Tanong ko matapos ilock yung pinto.

"Sa mall ako, isa na kong sales lady." Masayang aniya.

'Sana ako rin maging masaya kagaya nya.'

Tanging pagtango lang ang isinagot ko, pumasok naman sya sa kwarto nya para magbihis. Habang wala pa si Ashley ay hinanda ko na yung hapunan namin. Hindi nagtagal ay lumabas na din sya ng kwarto.

"Nga pala, bakit ka naglasing kagabi ha?!" Agad na tanong nya.

'Broken hearted ang bestfriend mo!'

"W-Wala, sinubukan ko lang maglibang." Sagot ko habang kumukuha ng pagkain.

"Gago ka ba?! Sa bar mo pa talaga naisipang maglibang jusmiyo Belinda!" Sabi nya habang pinanlalakihan ako ng mga mata.

"Ang OA mo, sa bar ako nagpunta kasi.... kasi gusto kong i-try, gusto kong subukan." Inis na aniko.

"Psh! Buti na lang talaga mabait si Pogi." Malanding aniya.

'P-Pogi?'

"S-Sinong pogi?" Takang tanong ko.

"Ayy gaga sino pa ba edi yung naghatid sayo dito." Iritang aniya.

Fake Love Turns Into RealWhere stories live. Discover now