C H A P T E R 36シ

649 25 1
                                    

Sir Aldean

"Belle can we talk?" Tanong nya.

"Wag kang mag alala s-sir, hindi ako gagawa ng ikapapahiya mo." Ani ko at nagsimula ng maglakad palayo sa kanya.

Nakita ko ang mga estudyanteng nakatingin sakin, pinili kong hindi sila pansinin. Napahinto ako sa cafeteria dahil nakita ko si Azri na kumakain.

Agad akong pumasok sa loob ng cafeteria at lumapit sa kanya. Naupo ako harap nya at tinignan sya.

"What Noona?" Takang tanong nya.

"May alam ka ba?" Seryosong tanong ko.

Gusto kong malaman kung may alam ba sya tungkol kay Kuya Aldean. Pero mukhang wala din syang alam dahil sa itsura nya.

"About what?" Naguguluhang tanong nya.

"About Kuya Aldean." Pabuntong na tanong ko.

Nakita ko syang matigilan, nabitawan nya pa yung kutsarang hawak nya dahilan para makumpirma kong wala nga talaga syang alam.

"I don't understand you Noona! May nangyari ba sa kanya?" Naguguluhang aniya.

"He's here." Sagot ko.

"What?!" Aniya kasabay ng pagtaas ng boses nya.

Agad kaming pinagtinginan ng mga tao kaya naman bahagya ko syang hinampas sa braso.

"Pwede bang wag kang sumigaw?" Inis na ani ko.

Pinagpatuloy nya ang pagkain nya at iiling iling, gusto kong magtanong kung bakit wala syang alam na nandidito si kuya Aldean.

"How did you know that... he's here?" Tanong nya.

"He's my prof." Bored na sagot ko.

"What the—prof? How did that happen?" Hindi makapaniwalang aniya.

"Hindi ko din alam." Sagot ko.

"Are you tripping me Noona?" Inis na aniya.

"No, I'm not." Inis ding sagot ko.

Sino ba namang hindi maiinis, naiintindihan ko sya pero kahit naman magtanong sya ng magtanong sakin ay wala din akong maisasagot dahil nga hindi ko din talaga alam kung paanong nangyari yon.

He's an engineer and I don't get it kung bakit ngayon ay teacher na sya, hindi ko naman alam na pwede pa lang magswitch ng profession.

Tanong pa rin sya ng tanong pero nanatili akong tahimik, ayoko ng sumagot pa dahil paulit ulit lang din naman ang mga tanong nya.

Nang makita ko syang matapos sa pagkain ay agad kong kinuha yung bag ko at tumayo na.

"Let's go, kanina pa tayo hinihintay ni Manong." Aya ko kay Azri at nauna ng maglakad.

Sumunod naman sya sakin, nang makarating kami sa parking ay hindi ko na hinintay pa na pagbuksan kami ni Manong.

Ako na mismo ang nagbukas nun dahil gusto ko na talagang umuwi para makapagpahinga, nakakapagod ang araw na toh.

Unang araw pa lang na may klase, nakakapagod na. Hindi ko alam kung kakayanin ko pa ang susunod na araw.

Nagmaneho si Manong pauwi, sinabi ni Azri na daanan sya saglit sa mall dahil may bibilhin daw sya para sa assignment nila.

Fake Love Turns Into RealWhere stories live. Discover now