C H A P T E R 54シ

602 34 5
                                    

Belle's POV

Iniwan kami ng mga tropa ni Donny dito sa condo ko, nagpaalam sila na bibili muna ng pagkain incase na magising si Donny at maghanap ng pagkain.

Sinabi ko sa kanila na wag na silang bumili dahil meron naman dyang pagkain na pwedeng lutuin, pero hindi sila pumayag.

Alam ko na yung iba sa mga kaibigan ni Donny ay galit sakin dahil sa ginagawa kong pananakit sa kaibigan nila. Hindi ko naman sila masisisi dahil alam kong mali ako don.

Pero hindi ko din pwedeng hayaan na mapahamak si Donny ng dahil sakin, mas gugustuhin ko na lang na saktan sya ng paulit ulit kaysa ang ipahamak sya.

Nakatitig lang ako sa kanya habang sya ay mahimbing na natutulog dala ng pagkalasing nya. Hindi mawala sa isip ko ang ginawa nyang pagligtas sakin kanina.

Flashback

Nagmamadali ako sa pag aasikaso sa sarili ko dahil malalate na naman ako sa klase. Nang matapos ako ay agad akong lumabas para pumara ng taxi.

Naipit kami sa traffic kaya naman tinanggap ko na lang na malalate talaga ako ng pasok. Napabuntong hininga na lang ako dahil paniguradong sisitahin na naman ako ng Kuya ko na syang ring prof namin.

Habang nakatigil ang taxing sinasakyan ko ay nagmasid masid na lang ako sa labas ng bintana, may nakita akong lalaki na iniisa isa ang mga nakahintong sasakyan.

Tinignan ko iyon ng maigi akala ko pulis lang iyon na nagchecheck ng mga driver, pero nagkamali ako dahil ng matapat ito sa bintana ng taxi na sinasakyan ko ay agad nyang binuksan iyon.

At hinila ako palabas ng taxi, agad na naghiyawan ang mga tao ng bigla akong tutukan nito ng baril, wala akong alam sa nangyayari.

Ayaw magsink in sa utak ko ang mga nangyayari, pero nang unti unting luminaw sakin ang nangyayari ay agad na gumapang ang takot sa buong sistema ko.

Nanginginig ang buo kong katawan dahil sa takot, pakiramdam ko katapusan ko na dahil lalong humihigpit ang pag ipit nya sa leeg ko gamit ang mga braso nya.

Nahihirapan na kong huminga, pero lahat ng yun ay hindi ko na madama ng marinig ko ang sigaw ng taong mahal ko.

"Bitiwan mo sya!" Sigaw nya.

Hindi ko inaasahang sya ang magliligtas sakin, ang totoo ay nawala ang takot ko pero umusbong ulit iyon ng maalala kong hindi pwedeng madamay si Donny dito.

Tuluyang huminto ang mundo ko ng magtama ang paningin namin, gusto kong umiyak at tumakbo palapit sa kanya pero hindi ko pwedeng gawin iyon.

Takot na takot ako simula pa kanina, pero mas natakot ako ng maaalang unti unti ko na syang nailalagay sa kapahamakan.

Mas gugustuhin kong ako na lang ang mapunta sa bingit ng kamatayan kaysa sya. Pero mas hindi ko kayang mawala sya kapag nagkataon.

Medyo naging kalmado ako nung nakita ko syang humahakbang palayo samin, pero nagkamali ako dahil humanap lang pala sya ng tyempo para mailigtas ako sa gunggong na to.

Sinipa nya ito kaya natumba, pati ako nadamay sa pagkakatumba kaya ako nagkaroon ng mga sugat, gusto kong sigawan at sapakin sya dahil sa ginawa nyang pagsipa sa kalaban.

Gusto kong tanungin kung nakalimutan nyang hawak ako nung taong sinipa nya, dahil pati ako nadamay sa pagkakatumba.

Pero hindi ko nagawa, dahil bumuhos na ang mga luha kong kanina ko pa pinipigilan, hindi nagtagal ay narinig na namin ang tunog ng sirena na senyales na paparating na ang mga pulis.

Hindi ko na alam kung ano ang mga sumunod na nangyari, ang alam ko lang ay lumapit sakin si Donny at niyakap ako ng mahigpit.

Wala naman akong ginawa kundi ang humagulhol sa pag iyak sa takot dahil akala ko mamamatay na ko, na katapusan ko na.

End of flashback

Nagising ako sa katotohanan ng marinig ko ang mahihinang pag ungol ni Donny, agad ko syang nilingon. Pero bumalik ito sa pagkakatulog.

"S-Sorry....mahal kita, pero ayokong mapahamak ka Donny." Aniko kasabay ng pagtulo ng mga luha ko.

Kampante akong magsalita ng kung ano ano dahil alam kong tulog sya, na hindi nya ko naririnig. Na iisipin nya lang na panaginip iyon.

Napabuntong hininga na lang ako, tatayo na sana ako at pupunta sa labas dahil baka dumating na yung mga kaibigan ni Donny.

Pero napatigil ako ng biglang hawakan ni Donny ang palapulsuhan ko. Napalunok na ako dahil sa kaba na baka narinig nito ang sinabi ko kanina.

"Belle please...wag mo kong iwan please..." Aniya, nakapikit pa rin.

Nakita ko din ang butil ng luha na tumulo sa pisngi nya, wala na kong nagawa kundi ang manatili sa tabi nya.

"Nandito lang ako Donny, hindi ako aalis ngayon sa tabi mo." Mahinang ani ko habang pinupunasan ang mga luha nya.

Hindi nya binitawan ang kamay kong hawak hawak nya, bagkus ay ipinulupot nya pa ito sa kanyang katawan dahilan para mapayakap ako sa kanya.

'Sana ganito na lang palagi.'

Nanatili kami sa ganung posisyon hanggang sa hindi ko na namalayan pa ang oras dahil nakatulog na din ako sa tabi nya.

Nagising ako ng biglang magvibrate ang phone ko, hindi ako makakilos, agad kong tinignan kung ano ang pumipigil sakin.

Nakita ko ang kamay ni Donny na nakapulupot sa katawan ko, mahimbing pa rin ang tulog nya. Mahigpit ang pagkakayakap nya sakin.

Hindi ko alam kung nagising na ba ito kaninang tulog ako, pero mukhang hindi pa dahil sa himbing ng tulog nya.

Napangiti na lang ako ng makita ang mukha nya, ni minsan hindi ko sya nagawang tignan nang ganito kalapit, napaisip tuloy ako kung magagawa ko pa kaya syang tignan ng ganito kalapit kung dumating ang araw na ikinatatakot ko.

Alam kong walang nakakaalam kung kelan darating ang araw na iyon maliban sa mga taong papatay sakin pero dahil sa nangyari kanina ay pakiramdam ko ay malapit na nila kong patayin.

Hindi naman imposible iyon dahil sa nangyari kanina nina lang, mula ng makauwi ako dito kanina ay wala akong napagsabihan ng nangyari.

Hindi ko nasabi kay Kuya Aldean dahil nasa school kami at nandun ang mga kaklase kong halatang gusto din malaman kung bakit ganun ang itsura ko nung pagpasok ko sa room.

Wala din sana akong balak sabihin pa kay Azri pero mukhang wala akong kawala dahil sa mga sugat na tinamo ko.

To be continue....

A/N:Guys recommend nyo naman to sa mga friendship nyo o kakilala nyo huhu.

Fake Love Turns Into RealWhere stories live. Discover now