C H A P T E R 49シ

597 28 4
                                    

Pagkikita ni Belle at Donny

Belle's POV

Ilang minuto na ang lumipas wala pa rin si Donny kaya naman naisipan kong pumunta muna sa cr dahil kanina pa ko naiihi.

"Where are you going wag mong sabihin na... uurong ka?" Ani ng Kuya kong siraulo.

'Iihi lang naman eh!'

"Cr lang, naiihi na ko!" Ani ko sa kuya ko.

Wala naman na syang nagawa pa kaya tumayo na ko at tuluyan na syang iniwan sa table namin, medyo nahirapan pa ko sa paghahanap ng Cr.

Dahil sa laki ng restaurant na to, hindi katagalan ay nahanap ko din ito. Agad akong pumasok at ni lock iyon. Nang matapos ako sa dapat kong gawin ay mabilis din akong lumabas.

Malayo pa lang ako, nakita ko ng hindi na nag iisa ang Kuya ko sa pwesto namin kanina, sa hindi ko maintindihan na dahilan.

Bigla na namang umusbong ang kaba sa dibdib ko, lalong bumilis ang kabog nito ng makalapit ako sa kanila. Hindi pa man nila ko nakikita ng tuluyan ay sobrang lakas na ng dagundong ng kaba sa dibdib ko.

Hindi na rin ako makahinga pa ng maayos, pakiramdam ko malalagutan na ko ng hininga dahil sa paghahabol ng hangin.

"Thank you so much for giving me a little time Mr. Pangilinan." Ani Kuya Aldean.

'Ay ang bongga, masyadong pormal'

Lumapit pa ko ng konti para mapansin ni Kuya Aldean na nandito na ko sa tabi nya, pinili kong hindi pansinin ang lalaking nasa harapan ko.

Ayokong salubungin ang mga titig nya, ramdam na ramdam ko ang malalim nyang mga titig. Gusto kong magreklamo pero alam kong hindi ko din yun magagawa.

"Ahmm, this is Belle—" ani ng Kuya ko. Hindi na nya natapos ang sasabihin dahil sa biglaang pagsalita ni Donny.

"I know her." Ani Donny.

'Milo, miss na kita sobra!'

Nanatili akong nakatungo, ayoko talaga yung paraan ng pagtitig nya. Para kasing hinuhukay nya ang buo kong pagkatao.

'Grabe sa mga titig, mamatay na ata ako sa sobrang talim.'

"Oh well, she didn't tell me na magkakilala kayo." Ani ng siraulo kong Kuya.

Bahagya ko itong siniko, nilingon ko din ito at nakita ang mapang asar nyang mukha. Agad kong syang sinimangutan dahilan para magseryoso sya.

"By the way, I'm Aldean Mariano. I'm your brother's bestfriend." Pakilala ni Kuya Aldean.

Unti unti kong iniangat ang ulo ko para makita ang lalaking kaharap namin ngayon at gusto kong magsisi ng magtama ang mga mata namin.

My tears started to build up, wala na kong nagawa kundi ang umiwas na lang ng tingin. Gusto kong umalis pero hindi ko magawa, dahil may kung ano sa parte ko na pumipigil sakin.

"My brother said that you need his help right?" Ani Donny na ngayon ay kay Kuya Aldean na nakaharap.

'Ang gwapo mo pa rin dT__Tb'

"Yes." Sagot naman ni Kuya Aldean. "Belle, you can leave now." Baling sakin ni Kuya Aldean.

'What?!'

"Ano?! Sinama sama mo ko dito tapos paaalisin mo lang din ako? Nananadya ka ba?" Inis na ani ko.

"Sumunod ka na lang, dami mo pang sinasabi eh. Pasyal mo na lang sila Manong." Aniya kaya lalo akong napasimangot.

'Ayoko nga eh!'

"Fine." Inis na ani ko at tumayo na.

Bahagya ko pang nilingon si Donny at ganon na lang ang kaba ko ng makitang titig na titig ito sakin. Agad akong nag iwas ng tingin.

Nang tuluyan na kong makalabas sa restaurant na pinasukan namin kanina ay naisipan ko na lang na maupo muna sa bench.

Maraming bench ang nakita ko dito, napalilibutan ang pwesto ko ng mga bulaklak. Napangiti at napapikit na lang ako ng sumalubong sakin ang mabango at sariwang simoy ng hangin.

Ilang minuto pa kong nanatili dito, tumayo na rin ako at maglalakad na sana pabalik sa room namin ng biglang...

"Belle sa wakas, nakita din kita." Aniya kasabay ng pagpulupot ng mga kamay nya sakin.

Nanatili pa rin ang gulat sa buong sistema ko habang sya naman ay yakap yakap pa rin ako, hindi na ko makahinga sa higpit ng yakap nya pero para sakin kulang pa rin iyon.

Hindi ko sya magawang gantihan ng yakap dahil parang ayaw mag sink in sa utak ko ang nangyayari. Ramdam ko ang bilis at lakas ng kabog ng puso ni Donny.

"Ang tagal kitang hinintay, I really miss you.." aniya na nakapagpatigil sakin.

Ang buong akala ko wala na syang pakialam sakin, na masaya na sya sa piling nong babaeng kasama nya sa parking lot.

Naguguluhan ako pero isa lang ang sinasabi ng isip ko, na namiss nya ko. Na hinahanap nya ko nung mga panahong umalis ako at umuwi ng probinsya.

Nakaramdam ako ng kiliti sa puso ko, pero kapalit nun ang lungkot dahil hindi ko pwedeng ipakita sa kanya na sabik na din akong makita sya.

Kailangan ko syang layuan dahil sa nakakapit sakin ang kapahamakan, hindi ko kakayaning may madamay sa problemang meron kami ngayon ng pamilya ko.

Ayokong dumating sa punto na pagsisihan ko ang gagawin kong paglapit sa kanya para lang hindi lumayo ang loob nya sakin.

Kung kinakailangan na pagtabuyan ko sya ng paulit ulit gagawin ko wag lang syang mapahamak, wag lang syang madamay.

Alam ng lahat kung gaano ko syang gustong makasama, pero alam kong hindi yun pwedeng mangyari dahil sa mga letseng gustong pumatay sakin at sa pamilya ko.

"Bitaw." Malamig na ani ko.

Dahan dahan syang bumitaw sakin, gulat ang naging reaksyon nya sa sinabi ko, gusto kong bawiin ang sinabi ko dahil talagang ayaw ko ng kumawala pa sa mga bisig nya.

"You need to go back, kailangan nyo pang mag usap ng Kuya ko." Walang reaksyong aniko.

"Nandon na si Kuya sya na ang kakausap sa kuya Aldean mo Belle." Aniya.

"Okay, una na ko." Ani ko at tumalikod na.

Pero bago pa man ako makahakbang palayo sa kanya ay nagsalita na sya dahilan para mapatigil ako.

"Why are you doing this to me?" Aniya, malungkot ang pagkakasabi nya.

Humigpit ang pagkakahawak ko sa dulo ng dress ko, gusto kong tumakbo palapit sa kanya, gusto ko syang yakapin pero masisira lahat ng plano ko kung gagawin ko ang gusto ko.

To be continue....

Fake Love Turns Into RealWhere stories live. Discover now