C H A P T E R 33シ︎

633 21 2
                                    

Belle's POV

Bumaba ako sa gate ng village nila Donny, maglalakad na lang ako dahil malapit lang din naman. Habang naglalakad ako palapit sa bahay nila ay lalong lumalala ang kabang nararamdaman ko.

Nanginginig na rin ang mga kamay ko, gusto kong umurong pero kailangan ko talaga mapapirmahan to.

Nang makalapit ako sa gate ay napahinto ako ng may marinig akong tumawag sa pangalan ko, hindi ko nilingon yun sa takot na baka isa yun sa mga kaibigan o kapitbahay nila Donny.

"Ate Belle! Anong ginagawa mo dito?" Tanong nya sabay lapit sakin.

"I-Ikaw lang pala yan Cath." Ani ko.

"Bakit?" Takang tanong nya.

Bahagya akong napalingon sa tabi nya, hindi ko napansin na may kasama pala sya, dumagundong ang kaba ko ng makita ko ang kasama nya.

"Z-Zairo..." Kabadong ani ko.

"Hi Belle, si Donny ba hanap mo?" Tanong nya, agad akong umiling.

"H-Hindi, si Tita Lhian yung kailangan ko." Sagot ko.

"Anong kailangan mo kay Mommy?" Tanong ni Cath.

"May papapirmahan lang ako." Sagot ko.

"Ahh sige ate Belle pasok ka." Aya sakin ni Cath at nauna ng pumasok sa loob.

Bahagya kong nilingon si Cath nang makalayo na sya ay saka ko hinarap si Zairo na nakatitig sakin, ngumiti pa ko sa kanya bago ako nagsalita.

'Chance ko na to.'

"Ahmm, pwede bang wala kang pagsasabihan na nakita mo ko." Ani ko, tinignan nya ko ng nagtataka. "Saka wag mo na lang din munang sasabihin kahit kanino na nakita mo kong nagpunta dito." Pakiusap ko.

"B-Bakit? Pati ba kay Donny?" Takang tanong nya.

"Oo pati sa kanya."

Wala akong narinig na kahit anong sagot sa kanya tanging pagtango lang ang ginawa nya kaya medyo nakahinga ako ng maluwag.

Papasok na sana ako sa loob ng bahay nila Donny, iba yung pakiramdam ko. Hindi pa rin nawawala ang kaba at panginginig ko.

"Wag kang mag alala wala si Donny dito, pasok na." Ani boses lalaki sa likod ko.

Hindi ko na kailangang alamin kung sino yon dahil kilala ko ang may ari ng boses na yon, si Zairo lang yun. Sya lang din naman ang nakakaalam na iniiwasan ko si Donny.

Huminga ako ng malalim para mabawasan ang kaba ko saka ako dahan dahang humakbang papasok sa pinto ng bahay nila.

"B-Belle?" Gulat na ani ng Mommy ni Donny.

"Tita-.." Hindi ko natapos ang sasabihin ko.

Niyakap nya ko ng sobrang higpit, napangiti ako at totoong gumaan ang pakiramdam ko dahil sa yakap nya. Gumanti ako ng yakap sa kanya.

"Sa wakas bumalik ka na, ang tagal ka naming hinintay na dumalaw dito." Masayang ani ng Mommy ni Donny.

"P-Pasensya na po kung ngayon lang ako nakadalaw."

"Naku! Wala yon. Ang importante nandito ka na."

Fake Love Turns Into RealWhere stories live. Discover now