C H A P T E R 48シ

585 30 4
                                    

(A/N:Happy New Year Everyone, God bless you all❤️)

Belle's POV

Nang makarating sila Azri dito sa resort ay agad ko silang niyaya sa kwarto namin ni Kuya Aldean, gusto ko sana silang tulungan sa mga bagahe nila pero kaya na daw nila yon.

Wala na kong nagawa kundi ang dalhin sila kay Kuya Aldean, iginaya ko sila sa kwarto, nang makarating kami sa tapat nito ay agad akong pumasok sumunod naman sila sakin.

"Hyung!" Ani Azri at yumakap kay Kuya Aldean.

"Kuya Aldean, labas muna ako." Paalam ko.

Tanging pagtango lang naman ang isinagot nito sakin kaya naman lumabas na din ako, naglakad lakad ako sa dalampasigan.

Sa hindi ko maintindihan na dahilan ay bigla na lang akong napalingon sa likod ko, pakiramdam ko kasi may sumusunod o nakatingin sakin.

Ang weird lang sa pakiramdam, pilit kong binaliwa ang nararamdaman. Naglakad pa ko hanggang sa makalapit ako sa malaking bato.

Naupo ako don at kumuha ng stick, nagsulat ako ng pangalan. Hanggang sa pangalan ni Donny ang naisulat ko, napangiti na lang ako ng maalala yung araw na dinala nya ko sa dagat.

Pero napawi ang ngiti ko ng maisip na hindi na pwedeng maulit yon. Masyado nang buo ang isip ko, kailangan kong mailigtas ang mga mahal ko sa buhay.

Konting lambing ko na lang kay Kuya Aldean alam kong mapapapayag ko na rin syang umuwi sa probinsya kasama si Azri.

Gustong gusto ko na silang umalis dito, alam kong kapag mag isa na lang ako dito ay walang madadamay sa pamilya ko.

Handa akong gawin lahat manatili lang silang ligtas kahit buhay ko pa ang kapalit okay lang basta maging maayos lang sila.

Maging maayos lang ang pamilyang kumupkop, nag-alaga at nagmahal sakin okay na ko. Mas hindi ko kakayanin kung mapapahamak sila.

Tanggap ko na lahat, tanggap ko na, na buhay ko ang kabayaran sa lahat ng sinasabi nilang kasalanan ni Dad. Alam kong hindi ako bubuhayin ng mga kriminal na yon.

Bumalik na lang ako sa ulirat ng maramdamang basa ang mukha ko.

"Mahal na m-mahal pa rin kita." Mahinang ani ko habang pinagmamasdan ang isinulat kong pangalan ni Donny sa buhanginan.

"Noona? Are you crying?" Ani Azri na hindi ko man lang namalayan na nakalapit na pala sakin.

"N-No, Azri." Ani ko at pasimpleng pinunasan ang mga luha ko. "What are you doing here?" I asked him.

"Hyung said na tawagin na kita, kasi may imemeet pa daw kayo." Aniya, nilingon ko sya.

Nakita ko ang pag aalala sa mukha nya, kaya naman agad akong nag iwas ng tingin.

"Mauna ka na Azri, susunod ako." Ani ko, ayaw nya sanang umalis pero hindi ko na sya pinayagan pa.

Nanatili akong nakatingin sa dalampasigan, papalubog na ang araw, ang ganda ng view. Ganitong ganito din yung view nung araw na sabihin sakin ni Donny na si Dalia pa rin.

Si Dalia pa rin ang pinili nya dahil yon naman talaga ang mahal nya, unti unti ng bumabalik sakin ang sakit, sakit kung paano nya kong talikuran para lang sa babaeng mahal nya.

Muling umusbong ang mga tanong sa isip ko na kahit kelan ay hindi ko nasagot.

"Bakit ba ang hirap mong kalimutan?" Mahinang tanong ko na kausap ang sarili.

"Kasi mahal mo sya." Ani ng kung sino.

"K-Kuya? Anong ginagawa mo dito?" Gulat na tanong ko.

"Ang tagal mo kasi eh, kanina pa kita hinihintay." Aniya, nakangiti pa ito na halatang nagpapapogi lang. "I know magagalit ka kapag nalaman mo kung sino yung kikitain natin ngayon kaya I change my mind." Pabuntong hiningang aniya.

'Ano daw?'

"H-Huh?" Litong ani ko.

"Yung taong kikitain natin, I know you know him." Aniya na lalong nagpalito sakin. "He's the guy that we saw on the parking lot sa school." Problemadong aniya.

'What the?!'

"P-Pero Kuya?" Ani ko.

"We need to face him." Seryosong aniya.

'Ano? Bakit sya pa?'

"Pero bakit?" Naguguluhang tanong ko.

"His brother, yung Kuya nya na lang ang nag iisang pwedeng tumulong satin Belle qqq." Sagot nya na nakapagpatigil sakin.

Hindi ko alam kung anong isasagot ko, hindi ko alam kung bakit kailangan naming magkita ni Donny ng ganito kaaga.

"Hindi kita pipilitin Belle, if you don't want to face him, ako na lang ang haharap sa kanya." Aniya na may pilit na ngiti.

Ayoko pa talagang makipagkita sa kanya, ayoko rin kasing malaman nya ang problemang meron kami ng pamilya ko.

Pero mukhang kailangan na talaga naming magharap, saka hindi rin magtatagal alam kong malalaman nya din na kapatid ko si Kuya Aldean.

Nakita kong tatayo na sana si kuya Aldean pero agad kong hinawakan ang braso nya para pigilan sya sa pag alis.

'Sana lang tama tong desisyon ko.'

"Sasama ako." Ani ko at tumayo na.

Nakita ko namang nagliwanag ang mukha ng Kuya kong siraulo. Nauna na kong naglakad sa kanya pabalik sa room namin.

Mabilis akong pumasok sa kwartong pinagtutulugan ko at nagbihis, kinuha ko yung damit na napili ko kahapon. Yon kasi talaga ang plano kong suotin.

Nang matapos akong ayusin ang sarili ko ay sandali kong pang pinagmasdan ang sarili ko sa salamin. Ganon na lang ang pagkakangiti ko ng makita ang itsura ko.

Simpleng Hawaiian dress lang ang suot ko, nagmukha lang itong sosyal dahil sa puti ng balat ko, nagsuot din ako ng bracelet.

Muling kong pinasadahan ng tingin ang buo ko itsura hanggang sa dumako ito sa kwintas na suot suot ko, napangiti na lang ako ng maalala kung kanino galing ang kwintas na ito.

"Belle? Hindi ka pa ba tapos?" Ani Kuya Aldean sa labas.

Agad naman akong lumabas, minsan pa kaming nagpaalam kay Manong at Azri bago kami tuluyang lumabas sa kwarto.

Habang naglalakad ay hindi ko maiwasang hindi kabahan, bawat hakbang ko papalapit sa restaurant na sinabi ni Kuya Aldean ay dumadagdag din ang lakas ng pagkabog ng dibdib ko.

Sa hindi ko maintindihan na dahilan ay parang gusto ko ng umurong sa desisyong ginawa ko. Pero alam kong wala na kong kawala pa dito.

Saka sayang din tong awra ko kung uurong ako, pinilit kong ikalma ang sarili ko. Nang makarating kami sa loob ng restaurant ay agad kaming naupo.

Kaming dalawa pa lang ni Kuya ang nasa table kaya naman medyo kumalma ang sistema ko. Wala pa si Donny.

To be continue....

Vote please

Fake Love Turns Into RealWhere stories live. Discover now