C H A P T E R 43シ

610 38 2
                                    

(A/N: Don't forget to vote please!)

KUYA

Belle's POV

Huminto kami sa isang resort, hindi ko alam kung saang lupalop ng earth ako dinala ng Kuya kong siraulo, hindi ako pamilyar sa lugar na ito.

Nalibot ko na ang ibang bahagi ng Manila pero hindi pa rin ako nakapunta sa mga ganitong lugar. Hindi ko alam kung anong trip ng Kuya ko at dito nya ko dinala.

"Anong gagawin natin dito?" Takang tanong ko.

"You'll see." Nakangising aniya at saka kumindat.

'What the heck?!'

Habang papasok kami sa resort ay bigla nya na lang akong inakbayan, bawat madadaanan namin ay may mga taong nakatingin samin at pinagbubulungan.

'Magkapatid po kami, wag kayong maissue!'

Wala na kong nagawa kundi ang wag na lang pansinin pa ang mga ito, hinayaan ko na lang sya na akayin ako papunta sa kung saan.

Huminto kami sa tapat ng isang pinto, akala ko nung una ay opisina ito ngunit nagkamali ako, isang malaking kwarto ang bumungad samin.

May apat pinto pa akong nakita na sa tingin ko ay mga kwarto, lalo lang akong nagtaka kung bakit kailangan pa naming pumasok sa ganitong kwarto.

'Anong ibig sabihin nito?!'

"Kuya Aldean anong meron?" Tanong ko.

"May kikitain tayong tao kaya tayo nandito." Sagot nya.

'Kikitain? Sino naman yun?'

"Sino? Bakit kailangang kasama mo pa ko?" Tanong ko ngunit iling lang ang isinagot nya sakin.

"Sayo na yung kwarto sa kaliwa, pumasok ka na ron at magpahinga. 5 days tayo dito." Aniya, gulat akong napatingin sa kanya.

"Ano?! 5 days? Nahihibang ka na ba Kuya?! Paano yung mga damit ko? Wala akong susuotin! Saka isa pa may pasok ako sa school, saka ikaw prof ka namin dapat hindi na tayo nagpunta pa dito!" Inis na aniko.

Hindi ko naman alam na ganito pala sya manlibre, masyadong galante. Hindi nya man lang sinabi na magtatagal kami dito.

Wala akong dala ni isa man lang na damit na pwede kong pamalit. Isa pa sa inaalala ko ay si Azri at Manong na naiwan sa condo.

'Paano kung pasukin na naman sila?'

"Don't worry may mga gamit dito." Sagot nya.

"Pano sila Manong at Azri? Naiwan sila don. Paano kung pasukin sila nung mga kriminal na yun ha?!" Sunod sunod kong tanong sa kanya.

"Paranoid ka, magpahinga ka na pagod lang yan." Aniya at tinulak ako papasok sa kwarto.

Wala na kong nagawa pa kundi ang mahiga na lang sa kama, mabilis lang din akong nakatulog dahil sa malambot na kama.

Nagising lang ako ng magdidilim na kaya naman bumangon na ko at hinanap si kuya sa labas. Paglabas ko ng kwarto ay hindi ko nakita si kuya Aldean.

Hinanap ko rin sya sa kitchen pero wala ito don kaya naman naisipan kong lumabas na lang at maglakad lakad muna sa labas.

Napangiti ako ng makita ang mga batang naglalaro sa dalampasigan, gusto ko ring gawin yun ngayon pero hindi rin ako mag eenjoy.

Isang beses ko lang naranasan ang bagay na yan, Isang beses lang akong nakaligo at nakapaglaro sa dagat, isang tao lang ang kasama ko nun.

At yun ang lalaking mahal ko....

'Sana lang kasama kita ngayon.'

I smiled bitterly, alam ko kasi sa sarili kong hindi pwedeng mangyari iyon o mas tamang sabihin na hindi na kami magkakasama pa ulit.

Hindi na kami babalik pa sa dati, alam kong balang araw makakalimutan din nya ko. Pero ako? Hindi na ata mangyayari iyon.

Mahal ko sya at hindi na mawawala pa iyon, alam kong wala akong pag asa sa kanya dahil hindi naman nya ko mahal.

Pero hindi dahilan yon para kalimutan ko sya, mamahalin ko pa rin sya ng patago na kahit ilang beses pa kong masaktan sya pa rin ang pipiliin ko.

Dahil hanggang ngayon umaasa pa rin ako na balang araw marerealize nyang ako ang mahal nya.

Nagpatuloy ako sa paglalakad, huminto lang ako ng makaramdam ng pagod, naupo ako sa isang malaking bato at doon ng aksaya ng oras.

Pamasid masid lang ako sa paligid sa pagbabakasaling makikita ko si Kuya pero isang hindi inaasahang tao ang nahagip ng paningin ko.

"D-Donny..." Mahinang usal ko.

Tumayo ako at bahagyang lumapit sa pwesto kung na saan sila Donny, nabaling lang ang paningin ko sa babaeng kasama nya.

Yon din kasi yung kasama nya sa parking lot kahapon, sinasabi ng isip ko na may relasyon sila ng babaeng yan, pero ayaw tanggapin ng puso ko.

Iisipin ko pa lang na may relasyon nga sila ay nadudurog na ang puso ko dahilan para mahirapan akong huminga.

Tahimik ko silang pinagmamasdan, masakit na makita syang may kasamang iba. Hindi nagtagal ay nagsimula na silang maglakad papunta sa direksyon ko.

Kaya naman dali dali akong tumakbo papunta sa kwartong pinagtulugan ko kanina, paulit ulit kong hinahanap ang kwartong pinanggalingan ko ngunit hindi ko iyon makita.

May nakita akong kwarto na ganun sa pinasukan ko kanina, agad akong pumasok don sa pag aakalang yun na nga kwarto namin ni Kuya.

Pero nagkamali ako, maling mali na pumasok ako sa kwartong ito, dahil bumungad sakin ang isang lalaking nakahubad ng pang itaas habang nakatapis ng twalya ang ibabang bahagi ng katawan nya.

"Oh shit!" Ani ng lalaking may ari ng kwarto.

"P-Pasensya na po, sorry." Pagpapaumanhin ko at mabilis na naglakad palayo.

Narinig ko pa ang pasigaw na tawag sakin nito pero hindi ko na sya pinansin pa, nagpatuloy ako sa pagmamadali hanggang sa bigla na lang akong nabunggo sa matigas na bagay.

"Fuck!" Mura nito.

'Ouch!'

Dahan dahan ko namang itinaas ang mukha ko para makita ang taong iyon.

"Bakit ka ba tumatakbo?!" Aniya.

"W-Wala! Tara na, saan na nga yung kwarto natin?" Tanong ko.

Inakbayan nya naman ako, habang naglalakad kami papunta sa kwarto ay hindi ko maiwasan na hindi lumingon lingon sa palagid.

Baka kasi mamaya bigla na lang naming makasalubong sila Donny, hanggang ngayon hindi ko pa rin makalimutan kung paano nyang akbayan ang babaeng yun.

Maganda sya kagaya ni Dalia, may mga anggulo ng mukha nya na hawig kay Dalia, hindi malabo na magkagusto si Donny sa kanya.

Hindi ko maiwasan na hindi malungkot at masaktan, iisipin ko pa lang na inlove na nga si Donny sa babaeng yun, nasasaktan na ko.

Nakapasok na pala kami sa kwarto ng hindi ko namamalayan, hindi ko man lang napansin kung saan banda tong kwartong toh.

"May masakit ba sayo?" Tanong nya ng may halong pag aalala.

'Yung puso ko Kuya..'

"I'm okay Kuya." Sagot ko. Nakita ko naman syang ngumiti.

To be continue....

Fake Love Turns Into RealWhere stories live. Discover now